Sunday, November 28, 2010

CREPE ka ba? Ang SWEET mo kasi eh! :">



          Ang mga Pinoy ay mahilig kumain. Marahil ito ay epekto ng iba't-ibang kultura sa ating bansa. Magkakaiba ang panglasa nating mga Pinoy. May ilang mahilig sa maaalat, mayroon namang sa maasim, at may iba pa na hindi magpapahuli sa pagkaing maaanghang. Ngunit sa kabuuan, isa lang ang pinagkakasunduan ng karamihan sa atin, tayo ay mahilig sa matatamis.



          Isa na ako sa maraming taong nasasabik sa tuwing nakakakita ako ng pagkain, lalu na ang matatamis. Pero pinaka paborito ko sa lahat ay ang Crepe. Ito ay isang dessert na nagmula pa sa Brittany, France. Ang Crepe ay isang uri ng napaka nipis na pancake na may kadalasang may matamis na filling o di kaya ay prutas. Ito ay gawa sa harina, itlog, mantikilya at gatas. Ipiniprito ito ng napaka nipis sa hugis bilog, at saka ihahain nang may palaman sa loob. Maaari ring ipalaman sa Crepe iba pang uri ng palaman gaya ng ham, bacon, keso at iba pa. Ito ay napakasustansya, lalu na kung sarwang prutas ang ihahain mo kasabay nito. Ngunit dapat ay ating limitahan ang pagkain ng matatamis sapagkat ito ay maaaring magdulot ng ilang karamdaman.



           Paborito ko ang Crepe sapagkat ito ay madali lamang gawin. Higit pa dun ay maaari kong piliin kung anu-ano ang sangkap na ilalagay ko rito. Ito ay mura, masarap at masustansya pa. Kaya ikaw, oo ikaw nga, tikman mo na ang Crepe. Siguradong hahanap-hanapin mo siya sa sarap. Simula nung matikman ko ang kakaibang tamis na dulot nito, ako ay walang dudang nahulog para dito. Ang sweet niya kasi eh. :">




Lora Jade Cavestany :)

I Love Tempura

Madaming klase ng pagkain ang ating makikita sa tabi tabi. lahat ito ay masarap ngunit ito ay depende sa panlasa ng isang tao. tayo ay may iba't ibang lahi at iba't iba din ang mga panlasa natin. Para sa akinn walang tatalo sa sarap ng Shrimp Tempura. Ang malinamnam nitong lasa ay nakakapagpalaway sa akin. Sa tuwing ako ay madadaan sa isang Japanese restaurant ay hindi ko mapigilan ang aking sarili sa pagkain nito. Ito ay walang katulad. Ang malinamnam at masarap nitong hipon na ibinalot mo pa sa japanese bread crumbs na nakapagpalutong pa dito ay wala ng tatalo pa. Sa Tokyo Tokyo at Teriyaki Boy ito matitikman at ang lasa nito ay panalong panalo at wala ng tatalo pa. 


By: Mary Gillene Violago. 1t1

Saturday, November 27, 2010

AJEJEDASHI TOFU!

Sinasabi ng mga eksperto na ang tofu ay masustansya at mabuti sa kalusugan ng isang tao. Ako ay sumasang-ayon dito. Ang tofu ay gawa sa coagulating soy milk at saka ito pinagsama-sama upang magdikit dikit at saka hahatiin ng parisukat o parihaba. Nagtataglay ito ng maraming iron, kaunting calories at fat. Ang isa pang katawagan para dito ay beancurd. Ang salitang ito ay ginamit simula 1840.

Napakasarap ng tofu lalo na kung ito ay gawa ng Intsik. Sa Tsina kasi unang naimbento ito noong Han Dynasty pa. Kaya org na orig. Madalas akong nakakakain nito sa Teryaki Boy, Saisaki, Chowking at sa iba't-ibang Asian food establishments. Ang pinaka-paborito ko na luto o klase ng tofu ay ang Agedashi Tofu. Mula sa pangalan nito na agedashi, makukuha mo ang salitang "aged" na nagangahulugang ito ay naka-preserve ng mahabang panahon bago ito ihain sa hapag-kainan. Ito ay parisukat na tofu na may potato starch at saka ipinirito hanggan ito ay maging golden brown. Pagkatapos nito ay lalagyan na ito ng mainit na Tentsuyu. Ang tentsuyu ay isang espesyal na sauce na gawa sa toyo ng Hapon at spring onion. Kapag ako ay mag-oorder, automatic na yun sa mga magulang ko na gusto ko ng ganun. Minsan talaga ay pinagdadamot ko na ito sa aking mga kapatid sa sobrang gusto ko na malasap ang bawat kagat. Hindi ko matigilan ang pagkain nito lalo na kung pwedeng-pwede at walang pumupigil saking umorder. Hindi naman ito nakakataba kung kaya't okay lang. Sa Ingles nga, guilt-free ito na comfort food. Ngunit, aking ipinagtataka ay kung bakit ganito parin ang aking katawan. Hindi mapayat, hindi mataba. Chubby lang. Pa-humble pa! Naniniwala ako na hindi yun nadadaan sa kung ano ang korte mo, nasa loob mo at nararamdaman mo naman kung ikaw ay malusog o hindi. Para sa akin, nakatutulong ang tofu sa paglilinis ng toxins at pampalusog ng katawan.




Ang tofu ay ginagamit din sa ating paboritong taho. Wala naman sigurong Pilipino ang hindi pa nakakatikim nito. Kawawa naman siya kung ganoon. para sa mga hindi nakakaalam, ang taho ay gawa sa fresh tofu na hinaluan ng sago at tinunaw na asukal o syrup sa Ingles. Kung mayroon lang sa UST na murang bilihan ng Agedashi Tofu, hinding-hindi ko ito titigilan. Kahit ako lang ang customer ay okay lang. Aaraw-arawin ko ang pagbili hangga't sa magsawa ako at magmukha na rin akong tofu. Sana marami din akong maimpluwensya sa pagkain ng tofu kahit wala naman talaga itong lasa kung di mo sasamahan ng sauce. Isaisip sana nila na maganda ang nutritional content na nilalaman ng tofu. :)

Anna Francesca Solis, 1T1

Mapapabokbokbok ka sa sarap ng Tinolang Manok !



 Kung tatanungin mo ang isang tao kung ano ang kanyang paboritong pagkain, paniguradong hindi lang isa ang masasagot nito. Katulad ko marami akong paboritong pagkain at isa na rito ang Tinolang Manok.

 Ang Tinolang Manok ay isang masustansyang uri ng pagkaing Pilipino na may sabaw at sinasahugan ng laman ng manok, luya , luntiang papaya at iba pang gulay. Ito rin ay minsang sinasahugan ng malunggay at maraming nutisyon ang nakukuha rito gayun din sa mga ibang sangkap nito. Ang putaheng ito ay madalas makita sa mga carinderia at talaga namang abot kaya ang presyo.

Isa ito sa aking paboritong pagkain sa kadahilanan na ito'y masarap at malasa at dahil na rin mahilig ako sa anumang putahe na may laman ng manok. Tuwing nagluluto ang aking nanay ng ganitong putahe tuwing tanghalian, sobrang nasisiyahan ako at napapadami ang aking kain na kahit busog na ako ay kain parin ako ng kain.

Para sa akin, isa ito sa pinakamasarap na pagkain sa buong mundo at kahit kailan hndi ako magsasawa kumain ng Tinolang Manok. Kaya mag paluto na at kumain ng Tinolang Manok upang mapabokbokbok na rin kayo sa sarap at linamnamn nito!



Vica Vernice S. Samonte
1T1

AMPAborito ko!





Ang bawat tao sa mundo ay may kanya-kanyang pangarap, pananaw sa buhay, kahinaan, kalungkutan, kinatatakutan at kasiyahan. Sa madaling salita, ang bawat indibidwal sa mundo ay may pagkakaiba sa ayaw man natin o sa gusto at isang halimbawa ng ating pagkakaiba ay ang ating mga panlasa sa bawat pagkaing ating natitikman. Mayroong pagkakataon na ang pagkaing iyong kinahihiligan ay siya namang kinasusuklaman ng iba at halos masuka-suka na sa tuwing ito ay kanilang naamoy o nakikita pa lamang at kung minsan nama’y kung ano pa ang iyong pinakaayaw na pagkain at kulang na lamang ay isumpa mo ito dahil sa ayaw ito ng iyong panlasa ay siya namang kinahihiligan ng iba at sarap na sarap pa sa pagkain nito. Tunay nga namang iba-iba tayo ng panlasa pagdating sa pagkain at kung paguusapan natin ang mga bagay patungkol dito nais kong itanong ang isang bagay sa iyo. Ano nga ba ang paborito mong pagkain?

    Nais kong ibahagi sa inyo ang pinakapaborito kong pagkain sa balat ng gulay este lupa pala (haha!). Sa totoo lang gusto ko talaga ang pagkain ng mga gulay ngunit sa lahat ng mga gulay na natikman ko ito talaga ang pinakagusto ko, ang ginisang ampalaya na may itlog! Hindi ko malaman kung bakit sa lahat ng mga gulay na kinakain ko sa bawat araw ay ito ang napili ko basta ang masasabi ko lamang ay napakasarap nito at dahil sa hilig ko nga itong ulam na ito ay umabot sa puntong nagpaturo pa ako sa aking ina kung papaano ito lutuin, natutunan ko ang pagluto nito noong nakaraang sembreak lang at napagalaman kong napakadali lamang pala ng proseso ng pagluto nito. Gusto niyo bang malaman kung papaano ito? Simple lang, una, igigisa mo muna ang bawang, sibuyas at kamatis sa kawali pagkatapos ay ilagay na rin ang karneng hiniwa ng maliliit na hugis pahaba at lagyan ng kaunting patis atsaka muna ito takpan upang lumambot ang karne at matunaw ang kamatis. Matapos lumambot at matunaw ang karne at kamatis ay maari mo ng ilagay ang hiniwang ampalaya pero huwag mo ito masyadong haluin upang hindi lumabas ang pagkapait nito. Hayaan muna ito ng ilang minuto at pagkatapos ay lagyan na ito ng itlog. O diba, napakadali lamang lutuin tiyak na hindi ka pagpapawisan at hindi lamang iyan alam niyo ba na ang ampalaya ay nagbibigay ng iron, folic acid, phosphorous at calcium  sa katawan isama mo pa ang taglay nito na bitaminang A, B at C kung kaya’t napakasustansya rin nito. Kaya’t kumain na ng ampalaya ng ika’y sumigla!

    Hindi man kaaya-aya sa paningin ang mga gulay gaya ng ampalaya di hamak naman itong masustansya kumpara sa ibang mga pagkaing katakam-takam na dulot naman ay komplikasyon sa kalusugan.  Subalit  sa kabila ng mga komplikasyong dulot ng mga pagkaing hindi masusustansya, napakalungkot isipin na mas pinipili pa itong kainin ng mga tao kumpara sa mga masusustansyang pagkain gaya ng mga gulay. Ngunit hindi rin naman natin masisisi ang ating mga sarili kung mas gugustuhin natin ang pagkain ng masasarap na dulot lamang ay pagbibigay timbang at pagdadagdag taba sa ating katawan dahil ang mga pagkaing ito ay hindi maikakailang napakasarap naman talaga kumpara sa mga gulay na lasang mga dahon lamang pero ang masasabi ko lang ay dapat pa rin nating pangalagaan ang ating mga sarili at panatilihin itong malusog kahit na humaharap tayo ngayon sa panahon kung saan nagkandarapa na sa paglaganap ang mga pagkaing masasarap na walang sustansyang maidudulot sa ating katawan. Dapat alam nating balansehin ang lahat ng mga bagay na ating kinakain at alam din natin kung kalian kokontrolin ang ating sarili sapagkat kung hindi, sa bandang huli, ang ating murang katawan ang siya ring mahihirapan.

                                                            - Laurene H. Leonardo 
                                                                        1T1 :)


Ang Pizza ng buhay ko


           Ang Pilipinas ay isang bansang mayaman sa kultura. Ang isa sa nagpapayaman ng ating kultura ay ang pagkain ating kinakain sa araw araw. Kagaya ng ibang bansa, maraming masasarap na pagkain ang matatagpuan sa Pilipinas. Bagama’t hindi local na pagkain ang Pizza, ito ay ang aking pinakapaboritong pagkain. Ang Pizza ay isang pagkain na orihinal na nagmula sa gitnang silangan. Ngunit paglipas ng panahon, ang pagkain ito ay kumalat na isa iba’t ibang lupalop ng mundo. At ngayon, kasalukuyang tinatangkilik ng mga tao na may iba’t ibang edad lalong lalo na ng kabataang tulad ko.

            Ang Pizza ay isang pagkain na karaniwang pabilog sa itsura. Ngunit, paminsan naman ay niluluto ito na pakuwadrado. Madalas, ang pizza ay may karne, keso at tomato sauce. Subalit sa panahon natin ngayon, marami ng uri ng pizza ang makikita .  Paborito ko ang Pizza dahil sa maraming katangian tinataglay nito. Una, nagtataglay ito ng kakaibang sarap. Ang sarap na ito ay malalasahan mo lamang tuwing sa kakagat ka sa pagkain ito. Ang sarap na ito ay mararamdaman mo na dumadaloy sa iyong buong katawan. Ikalawa, ang halimuyak ng amoy nito ay magbibigay sayo ng kakaibang gana upang kumain. Ang amoy nito ay napakabango na magdudulot sayo ng pagkabusong kahit hindi mo pa natitikaman ang pagkain ito. Ikahuli, ang saya nagdudulot sa pagkain ng pizza ay ang pinakaimportante para sa akin. Ang simpleng pagkagat lamang nito ay nagbibigay na sa akin na kasiyahan sa buong araw. Ang kasiyahang ito ay nagbibigay lakas sakin upang maipagpatuloy ko ang aking mga gawain sa isang araw.

            Sa araw na araw na pamumuhay ng isang Pilipino, hindi mawawala ang pagkahilig nito sa pagkain. Ang pagkain ay isang bagay na magbibigay sa kanya ng lakas sa araw na iyon. At ang isa sa mga pagkain nakapagbibigay ng lakas at saya sa mga tao ay Pizza. Maaring hindi ito isang local na pagkain sa ating bansa, subalit hindi ito dahilan upang hindi ito magustuhan ng tao. Kung gusto mo makaramdam ng kakaibang sigla at saya, subukang kumain ng pizza at siguradong hindi ka nito bibiguin. Busog ka na, Masaya ka pa.



- Anne Agustin, 1T1

Dearest Darla,


Iba’t ibang lahi, Iba’t ibang pananaw, Iba’t ibang kulay, Iba’t ibang ugali, Iba’t ibang layunin, Iba’t ibang misyon, at hindi imposibleng Iba’t iba din ang ating mga panlasa. Sa dinami dami ng tao ay sapalagay ko ay ganun din kadami ang klase at uri ng pagkain.

Ano ang paborito mong pagkain? Napaka simpleng tanong pero napaka daming posibleng sagot. Minsan, ang mga pinaka simple tanong pa ang mga pinaka mahirap na sagutin. Sa aking paggawa ng asignatura na ito ay naka tatlong ulit ako dahil hindi ko lubos maisip kung ano ang paborito kong pagkain. At ang pagkahaba-habang listahan sa aking utak ay bigla nalang nawala at naiwan ang isang pagkain na bumubuo sa aking araw at nakapagpapagaan ng aking kalooban tuwing ako ay nalulungkot. Sa madaling salita, ito ang aking comfort food at isa sa aking mga paboritong pagkain.

Ang Dear Darla ay isang uri ng pizza na mabibili sa Yellow Cab. Ito ay hindi pangkaraniwang pizza na basta basta mo nalang kakainin. Kagaya ng mga usong pizza ngayon, ito ay thin crust ngunit may kakaibang twist dito. Ang crust nito ay may keso, sibuyas, hipon at kabute. Kasama ng order na ito ngunit nasa hiwalay na lagayan ang arugula leaves, alfalfa sprouts at chili oil.

Kakaiba din ang paraan ng pagkain nito. ‘Di tulad ng karaniwang pizza na kakagatin mo na lamang, ang Dear Darla ay may kaunting twist na tiyak na magugustuhan ng kahit sino. Sa isang slice o lapad ng pizza ay ipapatong mo ang mga hiwalay na sangkap at ito ang arugula leaves, alfalfa sprouts at chili oil. Pagkatapos mo ipatong ang mga ito ay irorolyo mo ito na parang isang pita wrap at pwede mo na ito kainin. Kakaibang pizza hindi ba? Isa pang magandang bagay tungkol sa Dear Darla ay hindi ito masyadong nakakapagpataba kagaya ng normal na pizza na gusto ng karamihan sa atin ngayon dahil halos lahat ay weight conscious na.

Bakit ito ang aking comfort food? Sa kadahilanan na, hindi ako marunong magluto kaya’t pakiramdam ko ay ako ay nagluluto na ako kapag pinaglalahok ko ang mga sangkap at nirorolyo ko ang crust (haha). Pangalawa, napaka dali itong makuha. Pwede ka magpadeliver o pumunta ka lang sa kahit anong mall at may makikita ka nang yellow cab dahil merong 50 na sangay sa Metro Manila. Pangatlo, Hindi ko kailangan isipin kung gaano kadami ang aking kakainin dahil masustansya naman ito. At panghuli, para sakin ay, nagbibigay ito ng easy satisfaction at nakakapagpatanggal ng negative vibe sa aking katawan sa bawat subong aking kinakain.

Sa pangkalahatan, ito ay isa sa mga pagkain na masarap at masustansya. Kumbaga ito ay package. Lahat tayo ay iba’t iba pero kailangan natin mabuhay ng sama-sama. Gaya nga Dear Darla siguro, kapag tayo ay nagsama-sama, makakabuo din tayo ng magandang pagsasama at produktibong mga resulta. J


JYN ENRIQUEZ 1T1


Balot na Balot sa Sarap





Matibay ba ang iyong sikmura ? Gusto mo bang tumibay ang iyong mga tuhod ? May isang yunik na pagkaing pinoy ang makakasagot sa iyong matagal ng paghahanap ng eksotik na pagkain.

Hindi ka tunay na pinoy kung hindi mo alam ang aking tinutukoy. Bata man o matanda, may ngipin man o wala. Basta hindi ka maarte sa katawan nakatikim ka na nito. Wala ng iba kung hindi ang sikat na balot. Sino ba naman ang hindi maiintriga sa pagkaing ito. Mukang nakakatakot ngunit kapag ito'y iyong sinubukang tikman hindi ka na titigil sa pagkain.

Ano nga ba ang nagpapasarap sa balot ? Simple lang, magandang kalidad ng itlog ng itik, maayos na pagkakaluto at isang napakasarap na suka na may kasamang sibuyas, sili, bawang at paminta. Daig mo pa ang napunta sa paraiso kapag nakakain ka nito.

Halos araw-araw ako kung kumain nito. Mahina na ang dalawang balot kada araw. Kadalasan lima hanggang sampung balot ang kaya kong ubusin kada araw. Hindi ko alam kung anong gayuma ang mayroon sa pagkaing ito at tila ako'y masyadong nahumaling. Pakiramdam ko ay kulang ang araw ko kapag hindi ako nakakatikim nito. Sa tuwing ako'y may problema napapanatag ang aking loob kapag nakakakain ako nito.

Kaya ano pang hinihintay mo ? Bakit hindi mo subukang kumain ng balot. Hindi lahat ng panget sa paningin ay masama na ang lasa, minsan may ikinukubli din itong sarap kung ito ay iyong nanamnamin.


Trixie Rivera, 1T1

Dahil sa Hot Ka, I Ribs You!


            Bawat tao, bata o matanda, babae o lalaki, ay may kanya-kanyang hilig sa pagkain. Mayroon tayong kinagugustuhang lasa at mayroon din namang kinaaayawan. Hindi ko maitatanggi ang pagkahilig ko sa pagkain dahil, maniwala ka man o sa hindi, likas na sa akin ang pagiging matakaw. Sa labimpitong taong pamumuhay ko sa mundong ito, nakatikim at nakakain na ako ng iba’t ibang klase ng pagkain, mapa-lutong Pilipino man o banyaga.

            Napakarami kong gustong pagkain dahilang hindi ko na ito maisa-isa pa. Ngunit sa dami nito, hinding hindi ko makakalimutan ang pagkaing pinakaumayon sa aking panlasa, walang iba at walang katulad – ang Pork Barbecue Ribs. Nakilala ko ito dahil sa pinakamatalik kong kaibigan na taga-Estados Unidos. Nang siya ay bumisita dito sa Pilipinas, tinreat niya ako sa isang restawran at ipinatikim ito, isa rin sa kanyang mga paboritong pagkain. Sa kagutom-gutom na itsura at mabangong amoy pa lang ay mukha nang masarap, ano pa kaya kapag natikman ko na? Napatigil ako sandali at walang ibang nasabi kung hindi “Ang sarap!”. Ang Pork Barbecue Ribs ay isang kilalang American cuisine at isa ito sa pagkaing paborito ng mga bansang nagluluto nito. Gawa ito sa pork ribs at espesyal na barbecue sauce. Kahit mataas ito sa saturated fat at kolesterol, ito’y mainam din na source ng protina at selenium. Sa pagtikim pa lang, malalasahan mo na sa iyong bibig ang pinaghalong tamis at anghang na nakabalot sa karne, at lalo pa itong sasarap kapag sinamahan ng french fried potatoes at malamig na juice.

            Iba talaga ang pakiramdam sa tuwing iyong kakainin ang paborito mong pagkain lalo na para sa akin. Bukod sa binubusog ako nito, natatanggal din pati ang pagod ko. Kumbaga, para akong nasa Cloud 9! Kaya hindi ako pumipili ng oras sa pagkain nito, mapaumaga man, mapatanghali o mapagabi.

- Raizele Gomez
:-)

Ang Cheesy Mo!




       Isa sa pinakamahalagang pangangailangan ng tao ay ang pagkain.  Noong mga unang panahon, ito ay kinakailangan upang  mabuhay.  Sa kasalukuyan, halos lahat ng tao ay kumakain na lamang para sa katuwaan. Tulad ngayon, napakaraming okasyon ang nagaganap araw-araw. Iba't ibang lasa ang hinahanap ng tao: matamis, maasim, maalat, o kaya naman maanghang.  Sa dami ng klaseng pagkain sa mundo, minsan hindi na natin malinawagan ang saktong lasa ng mga ito. 
        Ang paborito kong pagkain ngayon ay ang "baked macaroni". Una ko itong natikman nung pinaglutuan ako ng nanay ko noong bata pa ako.  Sarap na sarap ako sa unang tikim pa lamang.  Ang sahog na nagpapasarap dito ay ang queso.  Napakacheesy nya! Ngayon ko lang nalaman na mahirap pa la siyang gawin. Hihimayin muna ang manok habang pinapakulo yung macaroni.  Dalawa ang sauce nito, isang pula at isang puti, na isasama lamang sa huli na bago mo ilalagay sa oven para i-bake.  Napakatsyaga pala ng nanay ko! Lagi namin ito niluluto tuwing may okasyon.
       Ganon pa man, sa hirap ng buhay ngayon, hindi lahat ay nakakaranas ng ganitong ginhawa. Marami paring nabubuhay sa kakulangang makabili ng maaayos at masasarap na pagkain. Masuwerte narin tayo dahil nakakakain tayo ng tatlong beses sa isang araw, minsan higit pa. At sa  modernong pamumuhay ngayon , marami nang nakapalibot na restawran sa atin.

-Kimberlyn Dy Tan 1T1

Friday, November 26, 2010

Sumisid sa kakaibang sarap ng lutong dagat











Sa dinami-rami ng aking mga pagkaing natikman tulad ng lechon, mga gulay, mga baka at iba’t iba pa ay hindi parin mapapantayan ang sarap na naibibigay sa akin ng paborito kong halabos na hipon at alimasag lalo na kung luto ng aking tita at lola. Masarap itong kainin kasabay ng mainit-init na kanin,at habang bagong luto pa. Ang ganitong putahe ang aking paborito sa tuwing mayroong handaan sa amin Hindi kamahalan ang kasangkapan nito at kadalasang hindi katagalan ang paggawa nito kaya’t tamang tama sa mga handaan. Tunay ngang marami ang nahihilig din sa pagkain nito dahil sa taglay nitong sarap at linamnam na naibibigay sa pag kain nito.
Ang kasangkapan ng isa sa aking paboritong pagkain na halabos hipon, ay ang hipon, sprite na pantangal ng lansa sa hipon at nagbibigay ng kaunting tamis, bawang at ang mantikilya, na mga panimpla. Ang pagluto naman nito ay simple lang dahil ginigisa lamang ang bawang sa mantikilya at pagkatapos ay ilalagay ang hipon at ang sprite. Ang kasangkapan naman sa pagluluto ng paborito kong halabos na alimasag ay halos katulad lamang din ng sa hipon na ang mismong alimasag, ang bawang at ang sprite. Una ay nililinis ang alimasag tapos ay ilalagay sa kaldero na mayroong tubig o sprite at bubudburan ng asin at paminta at pagkatapos ay pakukuluan na ng sampu hanggang labin-limang minuto.
Hindi lamang masasarap ang mga pagking ito, maganda rin ang nagagawa nito sa kalusugan ng isang tao.Ang pagkain ng hipon ay mababa sa fat content at nagbibigay rin ng Vitamin D. Ang alaimasag naman ay magandang pinagkukunan ng Omega3 acid na nagpapababa ng blood pressure at nagpapababa ng panganib ng pagkakaroon ng atake sa puso. Kaya’t ano pa ang hinihintay niyo tikman na ang sarap ng paborito kong pagkain, Ang Halabos na Hipon at Alimasag.


-JAN JOSHUA C. NARAJA, 1T1

Paboritokoito!





Ang tao sa mundo ay may iba ibang klase ng panlasa. May mga gusto ng maanghang, may gusto ng maasim, may iba naman ay matamis at ang iba naman ay gusto na maalat. Iba iba rin ang klase na gusto ng tao tulad ng mga Amerikano, Chinese, Hapon, Koreano at Filipino. Sa iba't ibang dako ng mundo, bawat tao ay may hinahanap na kakaibang lasa na makapupuno sa kanilang mga kumakalam na sikmura o kaya naman sa mga gusto lamang tumikim ng bagong pagkain.
Sa tanang aking buhay, ang pinakamasarap na pagkain na natikman ko na siguro ay ang lasagna. Naaalala ko pa ang unang beses na ako ay nakakain nito sa Greenwich. Sa sobrang sarap ay pakiramdam ko, sa bawat subo ay may fireworks na nagliliparan sa langit at may mga naririnig pa ako na mga anghel na humuhuni ng iba't ibang tunog. Sa katunayan ay sinubukan ko na din gumawa ng lasagna sa sobrang kagustuhan ko dito. Ito ay kilala na sa buong mundo at nakikita o nabibili natin sa mga restaurants at ilang piling lugar tulad ng Greenwich, Pizza Hut, French Baker, Dulcinea, Sbarro, Goldilocks at marami pang iba. May mahal at mayroon din na mura. Marami na rin ang nagtangkang baguhin ang timpla o lasa nito. Iba’t ibang lasagna na ang aking natikman, mayroong masarap, mayroong di naman gaano at mayroon din naman na sakto lang ngunit, ano nga ba ang lasagna?  
Ang Lasagna ay isang uri ng Italian dish na binubuo ng pinagpatongpatong na pasta, meat sauce, cream sauce at cheese. Lulutuin mo sa iba’t ibang lutuan ang bawat layer. Ang meat sauce ay pinaghalong bawang, ground beef, paminta, oregano, bacon, tomato sauce at tomato paste sa isang lutuan. Ang cream sauce naman na gawa sa evaporated milk, butter, oregano at beef broth cubes sa isa pang lutuan. Pagkatapos pakuluan ang pasta na pang lasagna at gayatin ang keso ay pwede na ilagay sa isang glass pan. Unahin ilagay ang pasta, sunod ang meat sauce, cream sauce at cheese at ihelera ng paulit hanggang sa makamit ang inaasam na taas ng lasagna. Lutuin sa oven ng ilang minuto at puwede na kainin. Masasabi natin na sa unang tingin pa lamang ay matatakam ka na. Bawat subo ay umaapaw ng kasarapan at hindi lamang sarap kundi sustansya din dahil ito ay may gatas na nagbibigay ng Calcium para sa buto at ngipin, tomatoes na nagbibigay ng lycopene para sa puso, protein mula sa karne at carbohydrates mula sa pasta nito. Ang isang putol ng lasagna ay may mataas na fat content ngunit kung pang okasyon, hindi pangaraw-araw na pagkain at sa tamang mederasyon, mairerekomenda ito sa mga naghahanap ng masarap na kakainin.
Maraming masasarap na pagkain hindi lamang dito sa ating bansa kundi sa buong mundo na din. Mayroong iba’t ibang paraan ng pagluto, iba’t ibang mga nilalaman at iba’t ibang mga itsura. Ano man ang mangyari, ang pagkain, kahi sino pa man ang kumain, sigurado ay may paborito. Ano man ang sabihin ng iba, para sa akin, wala pa ring tatalo sa lasagna. :)                                                                                     
                                                                               Bejar, Cecille Bianca A.                                                                                                          1T1