Itong pagkain na ito ay panapanahunan lang. Masarap at malambot. Ito ay matuturingang "only in the Philippines" at kung tatanungin mo ang nakararami, tiyak, alam nila ito. Ang kakanin ay tradisyunal na meryenda ng mga Pinoy. Ang bibingka ay sumisimbolo na malapit na ang araw ng Pasko. Aba'y, sa amoy palang ay mahahalina ka na!
Ang bibingka na hinahanap-hanap ko ay matatagpuan lang dito sa amin, sa tindahan ng tita ko. Tradisyunal pa ang pagluto dito at ito'y nangingibabaw sa iba dahil sa taglay nito na kakaibang lasa. Ang sangkap nito ay nagmula pa sa lola ng lola ko at ngayo'y ipinagpapatuloy ng mommy at tita ko. Maliban sa madali lang gawin at madali itong maluto, mura na, masarap pa, kung kaya't maraming bumibili nito. Kung sa amoy pa lang ay mahahalina ka na, ang amoy ng para bang tinapay na matamis na may halong vanilla, papano pa kaya kung ito ay matitkman mo? Ang lasa nito ay matamis, at kung ang ispesyal naman ay matamis na mayroong halong alat. Tiyak, pag ito'y natikman mo, mapapa-"mmmm" ka sa sarap! Kung kaya't ito'y binabalik-balikan ng marami!
Sa sobrang pagmamahal ko sa pagkain na ito, di lang dahil ito'y masarap kundi dahil din sa sentimental na halaga nito, ako ay tumutulong sa mommy at tita ko sa pagbenta nito. Umaga, tanghali at gabi, tiyak hindi ka magsasawa! Walang kapantay ang lasa ng bibingka na ito dahil ang bibingka na ito ay number one! Tuwing ako ay kakain nito, di lang ako natutuwa dahil sa sarap pero, dahil dito, nagbabalik alaala ako nung narito pa ang mahal kong lola.
-Krishtel O. Felismino
1T1
Tunay na napakasarap ng bibingka! Nakakalambot din ng puso ang iyong kwento. Lalong tumitindi ang pagkamalinamnam ng bibingka kapag may kahalong mga matamis na alaala. Tiyak na mas masarap pa ang bibingkang inyong niluluto kaysa sa ibang bibingka!
ReplyDeletedahil sa iyong bibingka, pinaalala mo sakin na malapit na nga ang Pasko! gusto ko na ulit kumain ng bagong luto at matamis na bibingka. sana matikman ko ito na ikaw nmn ang nagluto! :)
ReplyDeletewaw. hindi ko akalain na bibingka ang paborito mo. akala ko ang paborito mong pagkain ay takoyaki ng TAKEO. :))
ReplyDeletePaborito ko rin ang bibingka ! Tuwing pasko ay ito ang ang inaabangan. Sarap ito lalo na kung may kasamang mainit na tsaa. :) XD
ReplyDeleteNice:) Bibingka, masarap kapag simbang gabi:) tiyak ito ay matitikman ko na naman:) Good job! :)
ReplyDelete-Alyza Dumlao
kaya pala noong tayo ay kumain may dala kang bibingka. Sa susunod magdala ka ulit at siguradong titikman ko na dahil sa pagkakaalam ko nagmamadali tayo nung mga oras na nilabas mo ang bibingka mo
ReplyDeleteBasta kakanin, siguradong pagkaing-PINOY! :-bd Malagkit at masarap! Hahanap-hanapin mo! =))
ReplyDelete♥Kate
wow! basta gawaing pinoy, Napakasarap naman talaga!
ReplyDelete-FOX
SOBRANG SARAP. kaka kain ko lamang kanina. hinahanap hanap ko ito, at inaabangan tuwing pasko. :))
ReplyDelete♥ LOra Cavestany