Tuesday, November 23, 2010

Ang Star ng Aking Pesto =)


     
     Marami akong paboritong pagkain at seasonal ang pagkahilig ko sa pagkain. Kung napagtripan ko ang de-latang tuna, ito ay maari kong makain araw-araw sa loob ng isang linggo; sa susunod na linggo, iba naman. Naalala ko pa na isang beses ay nahilig ako sa nilagang itlog, at araw-araw ko itong kinain. Kapag ako ay sinusumpong ng katakawan, madalas ay nasasabi ko sa aking ina na, “Ma, gusto ko ng ganito, gusto ko ng ganyan.” Kaya madalas niya akong tinatanong na, “Anak, naglilihi ka ba?” Sa kabilang banda naman, kapag kakain kami sa isang restawran kasama ang aking pamilya, ako madalas ang nag-oorder ng pagkain.

     Ang aking paboritong pagkain all-year-round ay pasta, lalong-lalo na pag pesto. Sabi ng karamihan, madali lamang ito lutuin. Ang mga pangunahing sangkap dito ay pasta at pesto; ang iba pang sangkap ay durog na paminta, olive oil, sibuyas, at syempre hindi mawawala ang keso. Pwede rin ito patakan ng dayap upang magbigay kiliti sa ating panlasa. Ang iba pa ay naglalagay pa ng inihaw na manok sa ibabaw na mas nagpapasarap dito. Ito ay nabibilang sa continental foods kaya’t kadalasan ay mabibili ito sa American at European restaurants gaya ng The Old Spaghetti House, Pancake House, at Chaikofi. Ito rin ay mabuti sa kalusugan dahil may sangkap itong olive oil na nakapagpapababa ng kolesterol at nakakatulong upang maiwasan ang sakit sa puso.

     Sa tuwing ako’y makakain ng pesto, nagugunita ko ang mga matatamis na alaala kasama ang aking mga pinakamamahal na kaibigan noong hayskul, dahil sila ang kasama ko noong unang beses kong natikman ito. Habang ninanamnam ang sarap nito, naalala ko kung paano kami magtawanan, magkantyawan, at mag-iyakan. Bagamat kami’y mga kolehiyo na at may kanya-kanya ng landas ng tinatahak sa aming buhay, gumagawa kami ng paraan upang magkita-kita muli, magkamustahan, at sabay-sabay na gunitain ang mga alaala na nakatatak sa aming isip at puso habang kinakain ang aking paboring putahe.

                                                                                        -Adrienne G. Kiong, 1T1

13 comments:

  1. pesto pasta is not my favorite pasta...but the taste of the pesto is so good..very delicious..hahaha..<3

    gudluck adrienne..<3

    ReplyDelete
  2. talga ngang napaka sarap ng mga pasta kaya isa rin ang pasta sa aking mahabang listahan ng paboritong pagkain. Talagang nakakagutom ang iyong mga isinulat dito kaya mas maganda kung magdadala ka para matikman ng buong klase ang sarap ng paagkaing ito.

    ReplyDelete
  3. ayoko din nyn, heheheheh. :) pero para sayo ittry kong magustohan ;)) buti ka p seasonal pagka hilig mo sa food ;)

    ReplyDelete
  4. aba eh. ngayon ko lang nalaman na marami ka palang paboritong pagkain kaya lang e huwag naman ito araw araw kainin at baka ikaw ay magsawa. ang masasabi ko lang ay sana pagbutihin mo ang iyong pagaaral, pagluluto at gawin ang lahat ng takdang aralin na pinapagawa ng inyong propesor o propesora. hangang sa susunod. paalam.

    ReplyDelete
  5. Kiong, ang nice ng sinulat mo. :) How sweet:) <3 I love pasta although I'm not a fan of pesto pasta. Lahat halos ng nakasulat dito sa blog na ito brings back our high school memories. <3

    Good luck Kiong... mwuah!!! <3

    ReplyDelete
  6. Naks kapatid! Noong una ko tong nabasa ay natawa ako.. Pero likas ka ngang matakaw at napakahilig mo sa pesto. May health benefits naman pala to, pero hinay pa din sa pagkain. Pagluto mo naman ako pag marunong ka na.

    ReplyDelete
  7. Tama ka Adrienne. Talagang masarap ang pesto. Sa katunayan, iyan din ang paborito kong klase ng luto sa pasta lalo na kung ito'y mainit pa. :)

    ReplyDelete
  8. Natuwa naman ako sa ginawa mong title ng iyong blog. HAHAHA
    Maraming salamat sa pagbabahagi ng iyong paboritong ulam, bagama't hindi pa ako nakakakain niyan, damang-dama ko na masarap iyan. Paalala, hindi masamang magbahagi nito sa ating klase. HAHAHAHHAHA. :))

    ReplyDelete
  9. tama, masarap nga yan at masustansiya pa. pero mas tama si kris. hindi masamang magbhagi nito sa ating klase. haha. joke. btw, nice work. :)

    ReplyDelete
  10. alam mo kiong kung anu ang tunay na nagasarap sa iyong paboritong pagkain? yun ay ang mga alaala at mga ors na kasama mo ang iyong mga kaibigan :) sana ay matikman ko din ito :)

    ReplyDelete
  11. Nice Kiong! sabi mo pa saakin naiiyak iyak ka habang ginagawa mo ito. :D Nung binabasa ko ang blog mo, nagugunita ko ang mga masasayang araw na tayo ay magkakasamang magkakaibigan. Naaalala ko rin ang araw na una mong natikman ang pesto. nakita ko na sarap na sarap ka rito. :) Pareho tayong mahilig sa pagkain kaya naman ay madali tayong nagkakasundo. Susubukan kong magluto ng Pesto para sayo. :P -marielle <3

    ReplyDelete
  12. Gusto ko makatikim! Ito ay isa sa mga pasta na di ko pa natitikman! :( Parang sa deskripsyon mo dito, nagutom ako! I WANT ONEEEE! =))))

    ♥Kate

    ReplyDelete
  13. Akala ko chinese food ang paborito mo! Pahingi naman ako nyan Gong!

    -FOX

    ReplyDelete