Thursday, November 25, 2010

Leche Flan na kay tamis!




                 Ano nga ba ang mararamdaman mo kapag nakakain ka nang isang pagkain na pinakagusto mo? Kadalasan, ang nararamdaman natin ay tuwa. Tuwa dahil masaya tayo at nakain natin ang ating pagkaing nakapagbibigay ngiti sa atin. Ito ang aking nararamdaman sa tuwing ako ay nakakakain ng Leche Flan. Kadalasan, ang Leche Flan ay nakikita at inihahanda satuwing may isang espesyal na okasyon tulad ng kasal, bertday o binyag, o maaarin kahit sa isang simpleng araw. Kaya naman sa tuwing kami ay pupunta sa isang handaan, ang aking unang hinahanap ay ang aking paboritong Leche Flan.


                  Saan gawa at paano nga ba ginagawa ang Leche Flan? Ang Leche Flan ay gawa sa gatas na kondensada, gatas na ebaporada,pula ng itlog,vanilla essence at caramel syrup o arnibal. Una, kailangan lang haluin ang gatas na kondensad, ebaporada, vanilla essence at pula ng itlog ng mabuti. Pagkatapos ay ibuhos ang pinagsamasamang sangkap at ilagay sa isang malinis na liyanera na may arnibal at iluto sa pamamagitan ng steaming sa loob ng 20 minuto. Kapag naluto na ito ay hihintayin nating lumamig at pagkatapos ay maaari nang kainin. Simula pa noong aking pagkabata ay mahilig na ako sa Leche Flan dahil sa tuwing kakain ako nito ay nasasambit ko ang mga salitang "SIYAKS, ang sarap". Ngunit alam nating lahat na lahat ng sobra ay masama. Kaya naman sa tuwing ako ay kakain ng Leche Flan ay pinagsasabihan ako ng aking ina na hinay-hinay lang sa pagkain dahil baka daw tumaas ang aking sugar level. Ang Leche Flan ay maaari ring ipansahog sa Halo-halo na isa rin sa aking paborito. Naaalala ko pa na sa tuwing ako ay kumakain ng Halo-halo ay una kong kakainin ang Leche Flan at isusunod ang iba pang sahog at pagkatapos noon ay ibibigay ko na ito sa aking magulang.


                Isa lamang ang Leche Flan sa aking mga paboritong pagkain, ngunit aking nagagarantisa na ito ay napakasarap at magbibigay sa mga tao ng ibang saya.Marami pang ibang tao ang may gusto nito, kaya masasabi ko na iba talaga ang sarap ng Leche Flan. Kaya tara na't kumain tayo ng napakasarap na Leche Flan!


- Mary Abigayle L. Manalili

10 comments:

  1. sumasang ayon ako sa iyong mga sinabi.. ang leche flan ay isang pagkaing hindi natin kayang tanggihan sa tuwing makikita ito sa mga handaan. Isa ito sa mga malalaking tuksong iniiwasan ng mga taong may diabetes,,.. =D

    ReplyDelete
  2. Grabe, sa lahat siguro ng matamis na pagkain ngayon, ang leche flan pa rin ang aking paborito. Tama ang sinabi ni Rose Anne, isa nga iyang malaking tukso sa mga may sakit na diabetes. Sino ba naman kasi ang makakatanggi sa masarap at matamis na lasa ng leche flan? Tipong makakalimutan mo ang iyong pangalan kapag ito ay iyong natikman. XD

    Maraming salamat sa pag.post mo nito, nais ko tuloy kumain ng leche flan ngayon. HAHAHA :)

    ReplyDelete
  3. ang ganda naman ng larawan ng leche flan. naala ko dati na dahil sa nagustuhan ko ang tamis ng leche flan, nagpaturo akong gumawa nyan. buti nalang masarap yung nagawa ko. :)

    ReplyDelete
  4. parehas tayo ng paboritong pagkain! hahahaha! ako ay sumasang-ayon sa iyong mgha sinabi. :))

    ReplyDelete
  5. BEAmana! :)

    alam mo bang isa rin itong LECHE FLAN sa aking paboritong panghimagas sunod sa tsokolate. Kapag natitikman ko ito ay napapa-"SIYAKS, ang sarap" rin ako, pakiramdam na parang nasa lanit na ako. :) Matapos kong basahin ito, ay para bang na-engganyo akong gumawa nito, upang makatikim ulit ng napakatamis at napakasarap na Leche-Flan!

    ReplyDelete
  6. TAMA! Ang Leche Flan nga ay isa sa mga pinamasarap na putahe ng mga Pilipino! Isa din yan sa mga paborito kong putahe, kaso masyadong matamis. Nakakakot na, baka magka-Diabetis pa ako. Haha

    ReplyDelete
  7. paborito ko to lalo na yung madaming arnibal! hindi ako magsasawa kahit ilang lanera kainin ko. Mahusay!:)

    ReplyDelete
  8. LECHE-RAAAAP! =)) All-time favorite ko 'to! Pahingeeee? :"> HAHAHAHA! :P

    ♥Kate

    ReplyDelete
  9. Napakatamis niyan Bea. Baka magkasakit ka kapag sumobra ka nyan.

    -FOX

    ReplyDelete
  10. ay0s! Sumasang-ay0n ako sa mga sinabi mo dahil paborito ko din ang leche flan lalo na pagka ang nanay ko ang may gawa.

    ReplyDelete