Wednesday, November 24, 2010

Magpalamig tayo!

Mainit, malamig, sobrang init, sobrang lamig... whew! Talaga namang hindi na natin maintindihan ang pagbabago ng panahon. Sa malamig na panahon, maaari tayong magkape o kaya humigop ng mainit na sabaw. Sa panahon naman kapag sobrang init, dapat tayo ay magpalamig. Tiyak na naiisip niyo na ang naiisip ko... Tamaaaa! HALO-HALO!

Iba't ibang kulay ng sago, matamis na saging at langka, nata de coco, pinipig crunch, masustansiyang gatas, kinaskas na yelo at mayroon pang masarap na leche flan at ube na sorbetes sa tuktok.. Ganyan ang gusto kong halo-halo. Tamang tama sa mainit na panahon kapag summer. Sa aming tahanan, malimit kaming gumagawa nito upang maibsan naman ang init na nararamdaman. Lahat kami na miyembro ng aming pamilya, masayang kumakain nito. Mayroon kaming kanya-kanyang paboritong sangkap nito. Sabi ng nanay ko, hindi daw kumpleto ang halo-halo kung walang sago, sapagkat ito daw ang nagbibigay kulay sa simpleng itsura nito. Ayon naman sa kapatid ko, ang sorbetes ang pinaka-gusto niya sa halo-halo sapagkat nagbibigay daw ito ng dagdag na linamnam. Sa aking panlasa, sumasarap ang halo-halo kung lalagyan ito ng maraming gatas. Hindi lamang sa sustansiyang taglay nito kundi dahil ito ang nagbibigay buhay sa lahat ng sangkap ng halo-halo. Gaya ng sa Razon's, may kakaibang timpla ang kanilang gatas na siyang dahilan kung bakit mabenta ito.

Sa dati kong paaralan, kapag uwian na ay dadaan muna kami ng aking mga kaibigan sa isang tindahan malapit doon. Matapos kasi ang maghapon, tiyak na pagod na pagod at init na init na kami. Kaya naman, oorder kami dun ng halo-halo na kanilang specialty. Kapag kumakain na ako nun, tila nawawala ang aking pagod at di mapigilang mapangiti sa sarap nito. Sabi nga ng iba, "You are what you eat." Lahat ng mahirap na trabaho at matinding pag-aaral ay kailangan ng pahinga o relaxation. Ganyan din ang buhay, may pagkakataong sinusubok tayo at nagiging mainit ang ulo. Minsan naman, maganda ang mood at sobrang cool. Ngunit, tandaan na kapag mainit ang panahon
o ang ulo, magpalamig tayo! :)


- Nicole Audrey D. Caralian
1T1


15 comments:

  1. Whoa. Halo-Halo ! Tunay ngang masarap ito lalong lalo na kapag mainit ang panahon. XD Sa aming lugar sa Tondo ay may masarap ring bilihan nito sa murang halaga na talaga namang dinadayo pa ng mga tao. :)
    Lubos na nagcocomplement ang iba't ibang klase ng sahog na ilagay dito samahan pa ng ice cream ! Wala talagang makakatanggi dito. :)

    ReplyDelete
  2. common sa pilipino ang pagkain ng halo halo lalo na pagdating ng buwan ng taginit dahil naiibsan nito ang init na dala ng araw sa ating katawan.at sa pagsubo ng halo halo lumalasa sa dila at damhin ang sarap nito,ramdam ang gumuguhit na lamig na dala ng yelo sa lalamunan :) wow!
    Ang ibat ibang sahog na dinadagdag sa halo halo,ay
    sya nga naman nakakapang akit,sa mata ng mga tao.

    ReplyDelete
  3. talagang ang halo-halo ay isa sa pinaka hinahanap ng mga pinoy tuwing tag-araw! sa tingin ko, sa bawat pag kain mo ng iba't ibang sangkap nito, unti-unting naiibsan ang pagid n iyong nararamdaman. tamaaa diba? :) kaya't tamang tama sa HALO-HALO sa TAG-ARAW. XD

    ReplyDelete
  4. Wow naman! Ang sarap! Desert! :) Kahit anong panahon, masarap ang halo-halo! Good job!
    -Alyza Dumlao

    ReplyDelete
  5. Napaka sarap kumain ng HALO-HALO sa panahon ng tag-init.Sa panahong iyon ay parating sayang saya tayo kumain ng halo-halo. Isa ang Halo-Halo sa pinaka sikat na pagkain ng mga Pilipino. Hindi ito nawawala sa ating tradisyon. Ibang iba talaga ang lasi ng ating halo-halo.
    Sa mga sangkap pa lang ng halo-halong Pinoy ay talagang wala tayo masasabi. Sobrang Sarap. Lalo na kpag punong puno ito ng gatas at yelo. Kaya naman WOW! WOW! Halo-Halong Pinoy the best sa panlasa ng bawat isa. :)

    ReplyDelete
  6. Lahat naman tayo paborito 'to. :) Hinahanap=hanap ko ang HALO=HALO! HAHAHA! :P

    ♥Kate

    ReplyDelete
  7. wow. Napakasarap kumain nito lalo na kung tama ang lasa at maraming sahog, lalo na sa napaka init na panahon.

    -FOX

    ReplyDelete
  8. Tunay na ang halo halo ay isang desert na gawang Pinoy. Masarap na meryenda kapag summer. Da best.

    ReplyDelete
  9. sarap nga kumain ng halo-halo.
    kahit anong panahon. haha.




    -tenenen

    ReplyDelete
  10. Ang paborito ko sa halo-halo, yelo at gatas, dahil ito lang ang pinagkaiba nito sa ginataang halo-halo. Tama ka. Kapag mainit ang panahon, lalo na ang ulo, mainam talagang kumain ang halo-halo. Tag-init man o tag-ulan, walang kupas ang ultimate pinoy dessert/merienda na ito. Go halo2x!!!

    ReplyDelete
  11. sana summer na ulit para marami na magbenta nito ulit :D tunay ngang masarap ito. kahit mga dayuhan ay nabibihag sa lasa ng halo-halo :)

    ReplyDelete
  12. masarap talaga ang halo halo lalo n kung marami itong lahok at syempre kung may ice cream.:) hinahanap hanap s panahong mainit pang tawid s katwang ng-iinit. bawat kanto kakakitaan ng mga ngttnda ng halo halo at talaga nmng maya't maya ang bilihan ng mga tao..kay sarap tlga ng halo halo=9 swak dn s budget=)

    ReplyDelete
  13. masarap talaga ang halo halo lalo n kung marami itong lahok at syempre kung may ice cream.:) hinahanap hanap s panahong mainit pang tawid s katwang ng-iinit. bawat kanto kakakitaan ng mga ngttnda ng halo halo at talaga nmng maya't maya ang bilihan ng mga tao..kay sarap tlga ng halo halo=9 swak dn s budget=)

    ReplyDelete
  14. ang pagkain ng halo2x tunay na nakakawala ng pagod. kahit anong oras o panahon man masarap kumain ng halo2x.. :))

    ReplyDelete
  15. Sa panahon ngayon, ang dami nang sumusulpot na mga bagong desert, pero hindi pa din mawawala ang halo-halo! The best pa din ito! :)) Samahan pa ng umaapaw na gatas at patong-patong na icecream, AYOS! ;)

    ReplyDelete