Ang bawat tao sa mundo ay may kanya-kanyang pangarap, pananaw sa buhay, kahinaan, kalungkutan, kinatatakutan at kasiyahan. Sa madaling salita, ang bawat indibidwal sa mundo ay may pagkakaiba sa ayaw man natin o sa gusto at isang halimbawa ng ating pagkakaiba ay ang ating mga panlasa sa bawat pagkaing ating natitikman. Mayroong pagkakataon na ang pagkaing iyong kinahihiligan ay siya namang kinasusuklaman ng iba at halos masuka-suka na sa tuwing ito ay kanilang naamoy o nakikita pa lamang at kung minsan nama’y kung ano pa ang iyong pinakaayaw na pagkain at kulang na lamang ay isumpa mo ito dahil sa ayaw ito ng iyong panlasa ay siya namang kinahihiligan ng iba at sarap na sarap pa sa pagkain nito. Tunay nga namang iba-iba tayo ng panlasa pagdating sa pagkain at kung paguusapan natin ang mga bagay patungkol dito nais kong itanong ang isang bagay sa iyo. Ano nga ba ang paborito mong pagkain?
Nais kong ibahagi sa inyo ang pinakapaborito kong pagkain sa balat ng gulay este lupa pala (haha!). Sa totoo lang gusto ko talaga ang pagkain ng mga gulay ngunit sa lahat ng mga gulay na natikman ko ito talaga ang pinakagusto ko, ang ginisang ampalaya na may itlog! Hindi ko malaman kung bakit sa lahat ng mga gulay na kinakain ko sa bawat araw ay ito ang napili ko basta ang masasabi ko lamang ay napakasarap nito at dahil sa hilig ko nga itong ulam na ito ay umabot sa puntong nagpaturo pa ako sa aking ina kung papaano ito lutuin, natutunan ko ang pagluto nito noong nakaraang sembreak lang at napagalaman kong napakadali lamang pala ng proseso ng pagluto nito. Gusto niyo bang malaman kung papaano ito? Simple lang, una, igigisa mo muna ang bawang, sibuyas at kamatis sa kawali pagkatapos ay ilagay na rin ang karneng hiniwa ng maliliit na hugis pahaba at lagyan ng kaunting patis atsaka muna ito takpan upang lumambot ang karne at matunaw ang kamatis. Matapos lumambot at matunaw ang karne at kamatis ay maari mo ng ilagay ang hiniwang ampalaya pero huwag mo ito masyadong haluin upang hindi lumabas ang pagkapait nito. Hayaan muna ito ng ilang minuto at pagkatapos ay lagyan na ito ng itlog. O diba, napakadali lamang lutuin tiyak na hindi ka pagpapawisan at hindi lamang iyan alam niyo ba na ang ampalaya ay nagbibigay ng iron, folic acid, phosphorous at calcium sa katawan isama mo pa ang taglay nito na bitaminang A, B at C kung kaya’t napakasustansya rin nito. Kaya’t kumain na ng ampalaya ng ika’y sumigla!
Hindi man kaaya-aya sa paningin ang mga gulay gaya ng ampalaya di hamak naman itong masustansya kumpara sa ibang mga pagkaing katakam-takam na dulot naman ay komplikasyon sa kalusugan. Subalit sa kabila ng mga komplikasyong dulot ng mga pagkaing hindi masusustansya, napakalungkot isipin na mas pinipili pa itong kainin ng mga tao kumpara sa mga masusustansyang pagkain gaya ng mga gulay. Ngunit hindi rin naman natin masisisi ang ating mga sarili kung mas gugustuhin natin ang pagkain ng masasarap na dulot lamang ay pagbibigay timbang at pagdadagdag taba sa ating katawan dahil ang mga pagkaing ito ay hindi maikakailang napakasarap naman talaga kumpara sa mga gulay na lasang mga dahon lamang pero ang masasabi ko lang ay dapat pa rin nating pangalagaan ang ating mga sarili at panatilihin itong malusog kahit na humaharap tayo ngayon sa panahon kung saan nagkandarapa na sa paglaganap ang mga pagkaing masasarap na walang sustansyang maidudulot sa ating katawan. Dapat alam nating balansehin ang lahat ng mga bagay na ating kinakain at alam din natin kung kalian kokontrolin ang ating sarili sapagkat kung hindi, sa bandang huli, ang ating murang katawan ang siya ring mahihirapan.
- Laurene H. Leonardo
1T1 :)
1T1 :)
Wow! Gulaaaaay! Maganda 'yan para sa pagdidiet mo, Lau. :-bd Masustansya't malinamnam! Mahusay! :)
ReplyDelete♥Kate
Ang SARAAAAAP naman ng pagkaka-described sa ampalaya! Ang sarap talagang gawing bisyo ang pagkain^_^ LAu! bring home your AMPaboritong food mo and let's munched on that intriguing AMPALAYA!
ReplyDelete~sheena=P
Mukhang mapapakain ako ng ampalaya ng wala sa oras. Ito'y ,ayroon pa lang nakakatakam na paraan ng pagluto. Mahusay Laurene!
ReplyDelete♥ RODE ;>
Lau, i agree.:D naniniwala nga ako na lahat tayo ay iba iba sa panlasa dahil sa sinabi mo. Hindi pa ako nakakatikim ng ampalaya sa buong buhay ko. dahil siguro sa impression na mapait DAW ito. Pero dahil sa article mong to, titikman ko.:)) try kong kayaning kainin para maging healthy nako.:)) THANKS SA MGA INFO LAU.:D
ReplyDelete---pat.:)
GULAY QUEEN. HAHAHA. JOKE. GOOD JOB LAU. :-) GUSTO KO DIN NG AMPALAYA. :P
ReplyDelete-JYN
Oh My GULAY! :p alam mo ba na hindi ako masyadong kumakain ng gulay lalo na ang ampalaya; inaamin ko na matikman ko pa lang ito ay masuka-suka na ako, kaya nga kung ito ay nakahain sa aming mesa na niluto na may kasamang itlog, ay pinipili ko ang itlog kahit nahihirapan na ako, upang makakain lamang ako.
ReplyDeleteDahil sa iyong blog, ay sisikapin kong makakain ng paborito mong ampalaya! :)
wow kahit hindi ako nahihilig sa pagkaing iyan ay mukhang nakaka enganyong kumain dahil mukhang napaksarap nga nito
ReplyDelete-NARAJA-
Talaga namang masustansya ang ampalaya. XD Hindi ko alam pero kahit kailan ay hindi ako nahilig kumain nito, gayong maraming nagsasabi na masarap ito. XD Maraming salamat sa pagbabago mo, dahil na.open na naman ang idea ko na subukan kumain nito. XD :)
ReplyDeleteMay karamay ka.. Paborito ko rin yan! Hindi ko rin alam bakit gusto ko siya pero para sa akin sobrang sarap.. Nageenjoy ako sa gulay. Pag kumakain ako ng gulay eg feeling healthy ako, hehe. Pagluto mo ako next time, ha! :)
ReplyDeletetama! tama lau! isa na ko dun sa mga hindi mahilig sa gulay, pero alam ko din naman na masama sa kalusugan ang mga paborito kong foods. pero tama ka na dapat tlgang pangalagaan ang ating mga sarili, hindi lamang sa pag-eexercise, kundi sa pagkain ng tama, mas magiging malusog pa ang ating mga katawan! health is wealth nga naman! khit ndi nila gusto ang pagkain, marami naman jang mga iba pang pangsarsa na nagpapasarap dito, gaya ng example mo lau, kung saan nabigyang lasap ang pagkain ng ampalaya. dapat unahin ng mga tao ang kanilang kalusugan kesa sa mga materyal na bagay. :))))
ReplyDeletenice one lau! im proud of you! turuan mo ko ng healthy way ng pagdadiet. :))
-karla :)
waw naman. mahilig ka pala sa ampalaya. medyo gusto ko rin kumain ng ampalaya kapag merong isda kasi para sa akin masarap na kumbinasyon ito. :))
ReplyDeleteTama ka nga. di ko rin gusto ang itsura ng gulay. napakagandang entry.
ReplyDelete-FOX