Ano nga ba ang Chicken Teriyaki? Masarap ba ito? Makakapunta ka bang langit kapag ito ay natikman mo? Sulit nga ba ang binayad mo? Tataba ka ba dito? Ano ang benepisyo nito sa katawan mo? Tunay nga ba itong nakaka-akit kung ito ay titignan pa lamang? Yaan ang mga tanong na noon ay hindi ko masagot. Noong ako ay nasa huling taon ng pag-aaral ng hayskul ay natagpuan ko ang isang kainan sa Eastwood na nag ngagalan na Jacksloft. Narinig ko ang mga haka-haka ukol sa Pinagmamalaki nitong Chicken Teriyaki na naglalaman ng hiwa-hiwang karne ng manok na binalutan ng “breading”, espesyal na sauce, “veggies” na nakalagay sa ibabaw ng kanin.
Ang Chicken Teriyaki ay isang pagkain na galing sa bansang hapon. Masasabi kong nahagkan ko ang langit noong ito’y matikman ko na tumatayo pa ang aking balahibo sa sobrang sarap na hindi ko maintindihan at wala na kong masabe dahil ito ay napaka-perpekto para sa aking pang-lasa. Napag-alaman ko din na ito ay hindi makaka-apekto sa paglaki ng ating mga katawan o pagtaba sapagkat ito ay umaayon sa “2000 calories diet”. Malinamnam na, masustansya pa, sapagkat ayon sa aking research ang white meat na nanggagaling sa mga manok ay nakakatulong upang hindi tayo magkaron ng colon cancer dahil ito ay mabilis na naipoproseso sa ating katawan di katulad ng mga karne galing sa baka o mga baboy. Ang mga “veggies” din ay nakakatulong upang tayo ay magkaron ng “balanced diet”.
Sa kabuuan, Ang pagkain ko ng Chicken Teriyaki ay mahahalintulad ko sa isang panaginip na ayaw ko ng magising dahil sa sarap na natitikman ko habang kinakain ito. Makakain mo ang Paborito kong Chicken Teriyaki sa mga Kainan ni Jack o Jack loft sa Trinoma, Eastwood at Il Terrazo sa Morato. Damahin ang langit at humalakhak, Tara na at kumain ng Nakakapag-pangiti na Chicken Teriyaki!
♥ RODELINA ANGELA R. DARIO
- 1T1
favorite! :)) Miss ko na Jack's Loft. :(
ReplyDeletew0w! mukhang napaka sarap nga ng Chicken Teryaki na yan. At siguradong kahit sinong makakabasa nito ay maaakit at matatakam na bumili nito sa Jack Loft. Napaka ganda ng blog mo at ako ay nakumbinse mo :)
ReplyDeletehindi maipagkakailang isa ito sa pinakamasarap na pagkain sa jack's loft. :) siguradong binabalikbalikan ang pagkaing ito. :)) ang sarap! :>
ReplyDeleteTunay nga na masarap ang teriyaki. Mahilig rin akong kumain nito subalit hindi ko alam ang tungkol sa Jacksloft. Gayunpaman, dahil sa iyong binahagi ay para ngang ang sarap sarap ng lasa nito. :) XD
ReplyDeleteSa katunayan, hindi ko pa nalalasap o natitikman ang ipinagmamalaki nilang Chicken Teriyaki. Ngunit sa larawang ipinakita mo rito, at mga pahayag na ibinahagi mo, tila nais ko nang tikman ito at marating rin ang langit na sinasabi mo. Maraming salama kaibigan sa pagbabahagi nito. :D
ReplyDelete- Paul Temperante
Totoong ngang masarap ang Chicken Teriyaki. Ngayon ko lamang nalaman na ito ay masustansya rin. Magandang pagbabahagi. Siguradong isa ito sa mga babalik balikan kong pagkain :)
ReplyDeleteI never tasted anything so delicious that is more greater than Chicken teriyaki. Thanks for the info now I can enjoy my favorite meal more. :)
ReplyDeletewaw. ganda ng pamagat ah. pero totoo ngang masarap ang chicken teriyaki lalo na sa Teriyaki Boy.
ReplyDeleteAng galing naman ni Rode:) Tama yan. Masarap talaga ang chicken teriyaki. :)
ReplyDelete-Alyza Dumlao
subukan ko nga kumain nian minsan parang masarap! haha :P
ReplyDelete- lau leonardo
Wow! :"""> Hindi pa ko nakakakain sa Jacksloft pero dahil sa blog mo, mukhang nais kong subukan! Mukhang hindi ako magsisisi! =))
ReplyDelete♥Kate
nakakatakam.. isa rin ito sa aking mga paborito. :)
ReplyDeleteHindi pako nakakakain dito, pero yung litrato pa lamang ay sadyang nakakabighani na't nakakatakam. ♥ Good job! :bd
ReplyDeleteFavorite natin yan sa Jack's loft e. :)) Nakakamiss kumain jan lalo na pag kayo kasama at si. Hihi. Kkain namna tayo jan minsan. Yung sa Il terrazo? Haha. Galing ng blog, ganda ng mga nilalaman lalo na yung gumawa. :)
ReplyDelete- Abby
Sarap naman. Mahilig ako sa japanese food. At isa ang chicken teriyaki sa mga gusto kong lasa :)
ReplyDelete