Wednesday, November 24, 2010
Ka-adik adik na Caramel Flan :))
Ang Flan ay galing sa isang Pranses na salita na ang ibig sabihin ay custard tart. Ang Caramel Flan o Leche Flan ay ang aking pinakapaboritong dessert na inihahain sa'akin ng aking nanay, hinding hindi ito nawaala sa hapag-kainan kapag aking kaarawan, pasko at bagong-taon. Alam nating lahat na ang caramel flan ay ubod ng tamis, at ito ang nagustuhan ko dito, naghahalo ang lasa ng tamis at pagiging ma-krema nito kung kaya naman sarap na sarap ako dito. Hindi ko din mapigilan ang pag-bili nito sa iba't ibang grocery stores kapag ako'y nakakakita ng isa.
Kapag ako ay malungkot o nakakaramdam ng mga negatibong bagay, ang Caramel Flan ang unang unang hinahanap ko, dahil kapag nakakakain ako nito ay bumubuti ang aking pakiramdam. Ang mga kakaibang ingredients nito ang nagbibigay din ng kakaibang kasiyahan sa'akin, tulad ng: asukal/kondensada- ito ang nagdudulot ng matamis na lasa nito, vanilla- ang nagbibigay ng malinamnam na aroma dito, itlog- ang sangkap na hindi pwedeng kalimutan, at ang nutmeg- na nagbibigay ng higit na kakaibang sarap. Masasabi kong ako ay adik sa Caramel Flan, oo! ako ay adik. :)) Dahil hindi ko mapigilan ang aking sarili na kumain nito kahit alam kong saobra na, kaya ako ay adik :D Alam ko sa aking sarili na ang labis na pagkain ng Caramel Flan ay pwedeng magdulot ng diabetes sa taong kumakain nito, kaya naman siguro ganon nalang ang pagpigil sa akin ng aking mga magulang kapag ako ay nasosobrahan na sa pagkain ito.
Ang Caramel Flan ay nagdudulot ng kakaibang satisfaction sa'akin kapag ako ay kumakain nito, kaya ganoon na lamang siguro ang aking pagka-adik dito. ohyeah! ako ay tunay na adik sa Caramel Flan! :))
--Magkasi, Allets Jan C.
1T1
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
wow, ang sarap naman ng leche flan, gustong gusto ko yan dahil ang tamis kaso lang nakaka diabitis yan kaya hinay hinay lang :)...hmmm...parang gusto ko din kumain niyan sa aking kaarawan...masabi nga sa aking inay XD
ReplyDeletewow! yum-yum!
ReplyDeletenaaalala ko noon nang gumawa kami ng lola ko ng Leche Flan... dahiul sa Caramel Flan na iyan, naalala ko yung mga panahon na iyon... =']
ako tuloy ay biglang nagka-craving para dyan!
Sarap niyan. Paborito ko rin yang leche flan :D
ReplyDeletewow! eto una kong hinahanap pag may handaan. sarap kasi e. paborito ko. lalo na yung gawa ng tita ko. PANALO! :) ay. lalo na sa halo-halo :D waa. sana summer na para matikman ko ulit leche flan ng tita ko :3
ReplyDeleteGrabe, tunay ngang masarap ang leche flan, Naaalala ko tuloy tuwing may handaan ay hinahanap ko rin ito. Napakasarap kasi at napakatamis. Marahil, ito ang aking pinakapaboritong dessert. :)
ReplyDeleteBagay na bagy nga naman sa PASKO. :) at kahit anumang panahon, dahil sa tamis nito na nagpapahiwatig ng tamis ng pagmamahalan.
ReplyDeleteHuwag kang mag-alala dahil hindi lang naman ikaw ang na-aadik sa Caramel/Leche Flan! Hindi ka nag-iisa dahil marami kang karamay; isa na ako dun. Kakaibang satisfaction talaga ang matatamo natin sa pagkain nito. Hay! na-iimagine ko tuloy na kumakain ako at sarap na sarap sa Leche Flan! :)
ReplyDeleteWow, caramel flan:) Tunay na nga itong nakaka-adik;)Good job!
ReplyDelete-Alyza Dumlao
May naalala ko sa CARAMEL! HAHAHA! =)) Maiba tayo, masarap talaga ito. T'wing pasko hindi p'wedeng mawalan ng Leche Flan sa hapag-kainan! Di na ko makapag-hintay sa Pasko! Ha, ha! :P
ReplyDelete♥Kate
Wow! Ang sarap ng Leche Flan lalo na kung kumain ka nito at ikaw ay busog na busog. Tamang pampatanggal umay.
ReplyDelete-FOX
miss ko na kumain ng leche flan :| talaga namang basta matamis ay nakakabuhay ng loob tulad nitong caramel flan :)
ReplyDelete