Wednesday, November 24, 2010

FROZEN YOGURT :>




Sorbetes na hindi nagpapataba. Yan ang kailangan lalo na sa industriya natin na hinahangad maging flight attendant. Ngayon pwede na natin ma-enjoy ang sorbetes ng hindi iniisip ang dulot nito sa ating katawan! Dahil meron ng FroYo dito sa Pilipinas :) Ang frozen yogurt, o mas kilala bilang froyo, ay isang sorbetes na may yogurt kaya ang lasa nito ay maasim. Ito ay hindi nagpapataba o tinatawag na "guilt-free" kumpara sa regular na sorbetes na nabibili natin sa kung saan-saan.

Una akong nakatikim ng froyo sa V Mall sa Greenhills. Bago pa lang yun ay naririnig rinig ko na ito sa iba kong kaibigan. Ito raw ay sobrang masarap. Hindi naman talaga ako mahilig sa yogurt. Ang totoo nyan, ayaw ko ng lasa nito. Ito ay maasim at walang kasarap-sarap. Kaya hindi ko pinansin ang mga papuring binigay ng aking mga kaibigan sa froyo. Isang araw nadaan kami sa V Mall at meron doong tindahan ng froyo. Ikaw ang mamimili ng toppings mo.  Napakahaba ng pila. Na-intriga kami ng aking tita kaya bumili kami. Ito ay maasim pero mayroong kakaibang lasa na napakasarap! Simula noon ay palagi na akong bumibili nito kapag may nadadaanan na tindahan. 

Kung ako nga, na ayaw na ayaw sa yogurt, e nabaliw sa froyo, kayo pa kaya? Masarap kaya, try mo! :)) Kanina lamang ay galing na naman kami sa Greenhills at syempre hindi namin pinalampas ang pagkakataon upang bumili ng froyo. Ang payo ko lang sa mga bibili, lagyan nyo ng crushed graham :)


JULIANNE CHRISTINE B. CORPUS

6 comments:

  1. Maganda ito para sa mga nag-didiet. Hindi mo kailangang i-deprive ang sarili mo sa sarap dahil 100% less fat naman ito. Paborito ko din 'to lalo na sa Red Mango at The White Hat! :">

    ♥Kate

    ReplyDelete
  2. cj kaya mong magdiet? haha ;) baka naman kinakain mo lang yung yogurt na lasang ice cream sa san lazaro ha :D
    -kimberlyn

    ReplyDelete
  3. Ako man ay hindi rin gaano mahilig kumain ng yogurt subalit ng mabasa ko ang iyong blog ay para tuloy gusto kong matikman ang gawa nung froyo. :) XD

    ReplyDelete
  4. mahilig ako sa ice cream at yogurt kaya siguradong di ko ito palalamasin! :D wag natin basta husgahan ang isang pgkian, tikaman muna! :)

    ReplyDelete
  5. ako din ay ayaw dito noong una. subalit nung natikman ko na, nagbago ang aking isip. ito ay napakasarap! kahit maasim, ikaw ay tama :)

    ReplyDelete
  6. Masarap nga ito:") This can help people to be healthy. Di na kaylangan gumastos ng mahal para pumayat ksi this thing helps to stay fit.I <3 this :)

    ReplyDelete