Napakasarap ng tofu lalo na kung ito ay gawa ng Intsik. Sa Tsina kasi unang naimbento ito noong Han Dynasty pa. Kaya org na orig. Madalas akong nakakakain nito sa Teryaki Boy, Saisaki, Chowking at sa iba't-ibang Asian food establishments. Ang pinaka-paborito ko na luto o klase ng tofu ay ang Agedashi Tofu. Mula sa pangalan nito na agedashi, makukuha mo ang salitang "aged" na nagangahulugang ito ay naka-preserve ng mahabang panahon bago ito ihain sa hapag-kainan. Ito ay parisukat na tofu na may potato starch at saka ipinirito hanggan ito ay maging golden brown. Pagkatapos nito ay lalagyan na ito ng mainit na Tentsuyu. Ang tentsuyu ay isang espesyal na sauce na gawa sa toyo ng Hapon at spring onion. Kapag ako ay mag-oorder, automatic na yun sa mga magulang ko na gusto ko ng ganun. Minsan talaga ay pinagdadamot ko na ito sa aking mga kapatid sa sobrang gusto ko na malasap ang bawat kagat. Hindi ko matigilan ang pagkain nito lalo na kung pwedeng-pwede at walang pumupigil saking umorder. Hindi naman ito nakakataba kung kaya't okay lang. Sa Ingles nga, guilt-free ito na comfort food. Ngunit, aking ipinagtataka ay kung bakit ganito parin ang aking katawan. Hindi mapayat, hindi mataba. Chubby lang. Pa-humble pa! Naniniwala ako na hindi yun nadadaan sa kung ano ang korte mo, nasa loob mo at nararamdaman mo naman kung ikaw ay malusog o hindi. Para sa akin, nakatutulong ang tofu sa paglilinis ng toxins at pampalusog ng katawan.
Ang tofu ay ginagamit din sa ating paboritong taho. Wala naman sigurong Pilipino ang hindi pa nakakatikim nito. Kawawa naman siya kung ganoon. para sa mga hindi nakakaalam, ang taho ay gawa sa fresh tofu na hinaluan ng sago at tinunaw na asukal o syrup sa Ingles. Kung mayroon lang sa UST na murang bilihan ng Agedashi Tofu, hinding-hindi ko ito titigilan. Kahit ako lang ang customer ay okay lang. Aaraw-arawin ko ang pagbili hangga't sa magsawa ako at magmukha na rin akong tofu. Sana marami din akong maimpluwensya sa pagkain ng tofu kahit wala naman talaga itong lasa kung di mo sasamahan ng sauce. Isaisip sana nila na maganda ang nutritional content na nilalaman ng tofu. :)
Anna Francesca Solis, 1T1
Wow. Napakasarap nga at sustansiya ng Taho. Ngayon ko lang nalaman na may Tofu pala sa taho. magaling che!
ReplyDelete-FOX
Tunay ngang masustansya ang tofu. Subalit kahit anong anong gawin ko ay hindi ako naging fan nito. XD Pero aaminin ko, ako man ay mahilig rin sa taho, lalo na kapag mainit at maraming syrup! :) XD
ReplyDeleteGusto ko makatikim nito, Che! :> Mabuti sa katawan ang tofu. Mahusay na blog! :-bd
ReplyDelete♥ Kate :>
Hindi ako mahilig sa tofu, pero dahil sa iyong blog, natakam ako bigla. Magaling Che! :)
ReplyDelete- Lora Cavestany
masarap nga ang tofu! hahaha. paborito ko din 'yan lalo na kunh may kasamang baboy. :)) tapos ang sawsawan ay toyo na may kalamansi. =))
ReplyDelete<3 ALLETS JAN MAGKASI
Che, usually, hindi ako kumakain ng tofu, pero dahil sayo, natakam ako@-) Good job! \:D/
ReplyDelete-Alyza Dumlao