Mango Graham Cake |
Ang mga Pilipino, mahirap man o mayaman ay laging may handa tuwing Pasko o ma pa Bagong taon man. Ang iba kahit walang perang pambili ng pagkain ay nakakagawa pa rin ng paraan upang magkaroon ng handa tuwing may okasyon. Kahit simpleng pancit at juice lang ang nakahain sa hapag- kainan, masaya pa din ang buong pamilya dahil sila’y sama- samang nagdiriwang. Para naman sa mga taong may sapat na budget para bumili ng pagkain, malimit na makikita sa kanilang hapag- kainan ang menudo, fried chicken, kaldereta, spaghetti, leche flan, salad at marami pang iba.
Sa aming pamilya, hindi nawawala ang spaghetti, fried chicken, sandwich, kare- kare, buko salad, at higit sa lahat ang mango graham cake. Sa lahat ng aming mga handa, ang graham cake ang pinakapaborito ko. Ako ang madalas na naaatasan upang gumawa nito, kaya naman kabisado ko na ang mga sangkap nito. Kung gusto mo ring gumawa nito, narito ang mga sangkap para dito: graham crackers, crushed grahams, all purpose cream, manggang hinog, at malapot na gatas. Kapag nakumpleto mo na ang mga sangkap , maaari mo nang simulan ang paggawa ng graham cake. Kapag natapos ka na sa paggawa, ilagay mo ito sa freezer ng isa hanggang dalawang araw. Kapag lumambot na ang crackers nito, maaari na itong kainin at tiyak na masisiyahan ang buong pamilya.
Bata man o matanda, siguradong magugustuhan nila ito. Kaya naman sa nalalapit na kapaskuhan, mas pasarapin at mas pasayahin ang inyong pagdiriwang. Maaari niyo rin itong ipangregalo sa inyong mga minamahal at tiyak na magugustuhan nila ito. Napakadali lang gawin nito at isa pa hindi ito mabigat sa bulsa. Makakapagrelax pa kayo habang kumakain nito. Sa tamis at sarap nito, siguradong hindi kayo makakapagpigil na ihanda ito sa tuwing may okasyon. The best talaga ang graham cake! Kaya naman gumawa na din kayo nito. Bukod sa masarap na, may instant cake ka pa!
by: Marianne Joy T. Bolima
masarap yan! the talagang complement nyan ang mangga. kung pwede lang araw arawin eh. ano pa bang masarap na flavor dito?
ReplyDeleteTama ka, tuwing may okasyon o di kaya ay salu-salo sadyang hindi papayag ang pamilyang pilipino na walang handang pagkain sa hapag, kahit simpleng pagkain lang ay gagawa ito ng paraan sa kadahilanan na rin siguro na minsan lamang magkasalu-salo ang pamilya. :)
ReplyDeleteOo nga pala, hindi ko pa natitikman ang mango graham cake, pero natikman ko na yung klase ng paggawa niyan ng walang mango. Gayunpaman, mukhang masarap nga ang mango graham cake. Kung iyong mararapatin, maari magdala niyan sa school. :)
hai perfect tlga ang combinasyon nyang graham at ng mangga..parehas qng paborito yan lalo n at matamis pa... magdala k minsan sa skul para masaya!!hehe -livieen (ui pacomment din nung sken :P)
ReplyDeletewaw. isa rin yan sa mga paboritong kong pagkain kapag mainit ang panahon. naaalala ko pa nung gumawa kame ng kaibigan ko ng mango float at binenta namen ito sa Eco Bazaare. Nalugi kame kase hindi namen nabenta ang aming mango float sa tamang presyo.
ReplyDeleteminsan lang kami gumawa nyan dahil na rin sa kawalan ng oras .. maaari k bang magdala nyan sa eskwelahan? =)
ReplyDeleteWow.. Parang gusto ko nyan.. Turuan mo ko gumawa nyan.. I'll buy the ingredients ha..
ReplyDeletenice... merry christmas.. =)
ayun.. ayos naman lahat.. ^_^
Cake for all seasons! :"> Lahat naman tayo ay hindi magkakaila na basta cake ang usapan, lahat ay naglalaway sa sarap! =))
ReplyDelete♥Kate
wow! mangga, sakto naman at favorite ko sya. at tamang tama magpapasko na, maganda itong irecommend na pang pasko. x]
ReplyDeleteoo masarap ang manggo cake.. :)) instant cake tlga.. pati ung mocha graham masarap din lalo na nung ginawa ni ate un.. first time kong natikman un... grabe.. kya idol ko si graham :))
ReplyDelete-robert kyutz
yuuum! gawa ka naman para sa t1 :D gusto ko na tuloy kumain ng matamis!
ReplyDelete-kimberlyn
Nako Marianne! Ang sarap nga niyan at ang dali pa gawin! :)
ReplyDelete-FOX