Monday, November 22, 2010

French Fries sa Mcdo

Hmmm... Sa Sobrang dami ng paborito kong mga pagkain, kinailangan kong pumili lamang ng isa. Pinag isipan ko talagang maigi kung ano ba talaga sa lahat ang pinaka gusto ko, maraming katanungan ang lumabas sa isipan ko isa rito ay ang, "sa lahat ng gusto mo, ano ba ang madaling maluto at madali mong makakain agad-agad?" At ang french fries ng McDo ang pinaka akmang kasagutan sa mga katanungan ko.


Umaabot pa ng lima hanggang sampo ang nagagamit kong sachet ng ketchup upang maubos ang isang "large fries".Ito ang gusto ko dahil sa sarap, at dahil nababago nito ang mood ko. Gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing nakaka kain ako nito. Ang lasa ng french fries na ito ay naiiba sa lahat dahil sa mantikang kanilang ginagamit, ito ay ang cottonseed oil at ang beef tallow. Ito ang higit na nagbibigay sa kanila ng kakaibang lasa. Ang fries na ito ay niluluto at umaabot sa temperaturang 190C.


Bagamat masarap at tunay na malasa, ang pagkain ng french fries ay kinakailangan  ding limitahan sa pagkain  sa kadahilanang ito rin ay nakakasama sa ating kalusugan kapag nasosobrahan dahil sa mga kasangkapan nito tulad ng, sodium at saturated fats. Maaari tayong maka kuha ng mga malulubhang sakit kapag hindi natin na control ang pagkain ng sobra nito, tulad na lamang ng tumor, cancer, at ang malubha pa ay maaari itong makamatay.


Dapat nating tandaan na kahit marami tayong gustong kainin,kahit gaano pa ito kasarap at katakam takam,dapat sinusuri  muna natin kung ito ba ay makaka buti sa ating kalusugan o hindi.


                                                                         ZARAH MAE F. PRIMA
                                                                                   1T1

28 comments:

  1. sobrang sang ayon ako. napakasarap nga naman ng french fries. lalo na kapag bagong luto ito. malutong at malasa pa. hehe! :D

    ReplyDelete
  2. Wow. Fries ng Mcdo. masarap nga talaga yan. :)) Kahit di na gaanong malutong ay masarap pa din. :) ibang klase. Haha. =) Hinay hinay lng tayo dyan kasi masama nga yan sa katawan pag nasobrahan ng kain :) nice blog! :)

    ReplyDelete
  3. hindi ko gusto ang french fries ng mcdo:) pero may ilan na alam kong kinagigiliwan itong kainin. lahat ng sobra ay nakakasama. kung hindi man natin kayang iwasan ang pagkain nito, ang paglimita sa pagkain ng french fries ay ang dapat nating gawin.
    nice blog:)

    ReplyDelete
  4. Tunay na masarap ang french fries ng Mcdo ngunit kelangan limitahan ang pagkain nito sapagkat ito ay makakasama sa ating katawan.

    ReplyDelete
  5. ako"y nasiyahan nung na basa ko ang blog:) sadyang masarap at mapapa ulit ka sa pg bili ng Frech fries sa mcdo :) kahit ako ay nkakaubos dn ng 10 na ketchup :) ..
    sa grupo ang tawag samin ay FRench fries girls :)

    ReplyDelete
  6. nakakatakam nga naman ang fries ng mcdo kung kaya't ito'y binabalik-balikan. Ngunit kahit gaano pa kasarap ito, kailangan pa rin tlagang isaalang-alang ang mga maaaring idulot nito sa ating kalusugan :)

    ReplyDelete
  7. Tama! Kahit anong pagkain masarap talaga lalo't ito'y kawili wili sa ating mga paningin. Ang french fries sa McDo ay walang kaduda dudang masarap talaga. Alm din nating may mabubuting naidudulot ito sa ating katawan, ngunit dapat malaman din natin ang masamang epekto nito. Dahil hindi lahat ng pagkain ay mapagkakatiwalaan. Maging maingat sa pagkain. Wag dapat pakasosobra.

    ReplyDelete
  8. Tama ang lahat ng mga nabanggit sa mga naunang komento at sa blog na ito. Masarap man ang French Fries ay malubha talagang nakasasama sa katawan ito. Ngunit kung ating pupunahin hindi lang naman talaga ang french fries ng McDo ang dapat nating sisihin sa mga pagkakaroon ng mga nasambit na sakit tulad ng kanser.Sapagkat sa ibang bansa, tulad na lamang ng Estados Unidos, mas marami ang namamatay dahil sa pagka-obese kaysa sa kanser. At ang puno't dulo ng pagiging obese, na siyang sinisisi ng siyensya ngayon, ay ang sandamakmak na Fast Food Chains na naglipana sa lahat ng siyudad na kung saan kahit saan ka man tumingin ay may Fast food chains na magkakatabi. Isa sa may pinakamaraming branch ng fast food chains ay ang McDonald's. Kahit dito sa Pilipinas ay kitang-kita ang ebidensya, maraming outlets ang nasabing establisimyento. At sa kanilang patuloy na pag-iinovate ay mas marami ang kumakain ng kanilang produkto. Kaawa-awa para sa ating henerasyon sapagkat marami na ang nahihilig dito, di man natin napupuna ngunit napapadalas ang ating pagpunta sa kanila at ang ating pagkain ng kanilang Budget Meals lalong lalo na ang French Fries na mabibili mo na sa mababang halaga na sulit talaga sa bulsa ng kabataan. At ngayon, di lamang ang kalusugan ng mga tao ang naaapektuhan ng pag-usbong ng Fast food Chains kun'di ang mga trabaho rin ng mga nag-aaral talaga ng pagluluto at mga chefs. Unti-unting nawawala ang mga taong tumatangkilik ng kanilang mga niluluto na siyang tunay at masusustansya hindi tulad ng french fries na puro preserbatibs at kung anu-ano pa mang additives. Ang buhay ng tao ay nakasalalay rin sa kanya at wala nang iba. Nasa atin na kung paano natin pangangalagaan ang ating kalusugan. Maging silbing gabay sana ng mga tumatangkilik ng Fast food Chain, lalong lalo na ang mga kabataan, ang aking komento. :) <3

    ReplyDelete
  9. favorite ko yang fries. hehe sa totoo lang kahit anong fries. pero walang tatalo sa fries ng mcdo. lalo na pag may asin at napakaraming ketchup. masarap din kung ididip mo yun sa sundae. sobrang masarap talaga. tama lahat ng nasa blog mo! walang tatalo. nice :)

    ReplyDelete
  10. Sakto! Fries ng Mcdo. <3 Ang kinaadikan kong pagkain ngayon. Sabihin na natin na mabigat sa bulsa ng isang estudyante ang french fries ng McDo pero di ko pinapansin ito sapagkat mapagastos man ako ng malaki solb naman ako. Sa katunayan, kulang sakin ang isang order ng french fries. Halos nakakatatlo akong large fries. May ketchup man o wala, swak pa rin sa panlasa ko basta galing sa Mcdo ang fries. Subalit, masarap man ito, kelangan pa rin natin alalahanin ang ating kalusugan. Pero tiyak na babalik-balikan ko ang french fries ng McDo hanggat gusto ko! :D

    ReplyDelete
  11. ,,,masarap talaga period..................

    ReplyDelete
  12. Nakakagutom na blog :) Ako man ay isang matinding taga-hanga ng napakasarap na French fries. Ngunit, mas gusto ko ang lasa ng fries sa Jollibee. Sa katunayan, kamakailan lang ay pumunta ako sa nasabing fastfood chain kasama ang aking mga kaibigan at nakaubos ako ng tatlong LARGE fries. Mantakin mo yun! Nawala sa aking isipan na LAHAT NG SOBRA AY MASAMA. Dahil sa sobrang sarap ng aking pinakamamahal na french fries. Hindi ko alam ang mismong hangarin ng blog na ito, pero ang isang tiyak na bagay lamang ay, namulat akong muli sa mga kapahamakan na pwedeng maidulot ng pagkain ng isa sa aking pinakapaboritong nguyain at isubo...
    ang FRENCH FRIES.
    Kaya hinay-hinay tayo mga kapatid..
    Kaso ang SARAP TALAGA kaya hindi ko talaga mapipigilang hindi kumain :)

    SALAMAT SA BLOG NA 'TO :)

    ReplyDelete
  13. alam mo zarah french fries lang ng mcdo ang gusto kong french fries dahl mas maalat ito kesa sa iba at mas gusto ko yun :D at tama ka nakaakilang ketchup nga kaag kumakaen nito! :)

    ReplyDelete
  14. Lahat ng sobra ay nakakasama. Masarap talaga ang french fries lalo na kung galing sa Mcdo. maging ako ay nahuhumaling sa katakam-takam na lasa ng pagkaing ito. salamat po pala sa inyong blog at aking napagtanto kung bakit may kakaibang hindi mo maintindihan na aking nalalasahan tuwing kakain ako nito. Yun pala yun. dahil sa cottonseed oil at beef tallow. Hsss. Oo, ang ketchup talaga ay isa pang dahilan kung bakit hindi mawala-wala ang kaadikan ng isang tao sa french fries. Ako rin, hindi kumpleto ang fries ng walang sawsawan. Paborito ko kaya yun. :) Ngunit, sabi ko nga, lahat ng sobra ay may maidudulot na masama. Kung nasobrahan ka nga ng pag-inom ng tubig ay may mararamdaman kang kakaiba sa iyong kaloob-looban, pa'no pa kaya ang fries? Ang tubig ay sinsabi na nilang masustansya, ang french fries kaya? hayyy, nagugutom na tuloy na ako. Sgie po, tama na'to. : Kakain muna ako ng fries, ayy, wala palang Mcdo dito, saka nlng tuloy. :P pero, hinay-hinay lang. ;)))

    ReplyDelete
  15. `paborito ko eto! :))
    -- nakakagutom tuloy. prang gusto kong kumain lalo na kung ang sawsawan ay gravy. wow sobrang saraaaap! pero sabi nila. hndi daw masarap kung gravy ang sawsawan. hindi kse ko mahilig sa ketchup kya mas pinili ko ang gravy at fries. :)
    Sa katunayan, nakakadalawang order ako neto ng large fries at sakin lang yun wlang dpat huminge. :) ngunit, may kasabihan ngang ang lahat ng sobra ay masama, kaya ako mismo ay napa isip na dpat limitahin ko din ang pagkain neto upang makaiwas ako sa sakit na dulot ng pagkain neto. kya guys.. hinay- hinay lang tayo :))

    ReplyDelete
  16. haha..paborito ko rin ang french fries ng McDo..diya kami madalas tumambay kapag walang pasok at ang order ko madalas ay fries tapos ang dip ay hot fudge sundae kaysa ketchap..pero siyempre, kailangan talagang limitahan ang pagkain nito..

    ReplyDelete
  17. Napakaganda naman ng iyong layunin, makakatulong ito upang mas lalo pang mapalawak ang ating kaalaman lalung -lalo na sa mga batang wala pang ideya kung ano ang masamang naidudulot nito sa kanilang kalusugan.

    Talaga naman na masarap ang french fries sino ba ang aayaw ng pagkain na ito? Ngunit dapat talagang limitahan natin ang pagkain nito sapagkat nakakasama ito sa ating kalusugan dahil sa mga kasangkapan nito, bilang isang estudyante ng nutrition and dietetics kailangan pangalagaan natin ang ating kalusugan at piliin natin ang ating kakainin.:))

    ReplyDelete
  18. Ang sarap naman neto, pero tama ka.. Masama sa katawan pag madami.

    ReplyDelete
  19. Mahilig rin ako sa fries ng mcdo at hilig ko itong i.sawsaw sa sundae. Perfect Match!

    Grabe, very informative ang iyong sanaysay. Maraming salamat sa iyong paalala at ito ay aking lubos na pinahahalagahan.

    ReplyDelete
  20. totoo nga namang mas nakakatakam ang french fries ng mcdo. sang-ayon ako sa blog mo. pagbutihin mo pa.

    ReplyDelete
  21. TAMA!! napaka-sarap nga namn talaga ng French Fries sa MCDO! Kapag magkakasama nga kami ng mga kaibigan ko noong hayskul, ito ang unang nauubos at kadalasang pinag-aagawan pa namin. Pero alam kong marami talaga ang nahhumaling dito kaya dapat lamang na maging disiplinado tayo at limitahan natin ang pagkain ng mga pagkaing nagbibigay ng fats at carbohydrates. French Fries! Love Ko 'To <3 :p

    ReplyDelete
  22. Sa umaapaw ba namang comments sa blog mo, hindi naman siguro maipagkakaila at maitatangging lahat tayo, paborito ito! MCDO FRIES FTW! =))

    ♥Kate

    ReplyDelete
  23. Murang Mura at napakasarap pa!

    -FOX

    ReplyDelete
  24. ayos! :-bd
    kamanghamangha! :D hindi lamang ako natakam sa French Fries na akin ding paboritong pagkain, nabusog pa ako sa mga impormasyong naidulot sa akin ng blog na ito. :) Wala pa naman akong tigil tuwing napapasarap na ang aking kain ng French Fries sa Mcdo kung kaya ako'y naalarma din nang aking mabasa ang post na ito. Anumang sobra nga naman ay nakakasama; masama na sa kalusugan, mabigat pa sa bulsa. :P

    ReplyDelete
  25. hahahahaha! talaga nga naman hanggang dito yan ang paborito mo! samahan pa ng maraming ketchup! :)

    Ana Lituanas

    ReplyDelete
  26. Yung totoo commentators.... Kelangan paulit ulit sa "favorite" at "lahat ng sobra masama/ limitahan ang pagkain ng fries"
    Anyways tnx to this blog.. Very informative :-)

    ReplyDelete
  27. pamamaraan ng illuminati yan para mga matay ang tao

    ReplyDelete