Hmm. Nakakagutom diba? |
Nakaka-WOW talaga :) |
Hindi maikakaila na sa ating mga Pilipino ang hilig sa pagkain, kung ano man ang makita diyan diyan, saan ito mabibili o kahit anong oras, walang pinipili, ngunit isa lang ang ating na kasanayan tuwing gabihan, ito ay ang kanin at ulam, na puwedeng tuyo o masabaw, ngunit sa karamihan sa atin, ang may sabaw ang gusto; kakapit na sa kulturang Pinoy. Kilala rin tayong mga Pilipino na mahihilig sa pagkaing malalasa, matatamis o maaasim, nakabubusog at abot kaya ng bulsa. Ano nga ba ang S.N.B? Ano sa inyong palagay?
Ito lang naman ang isa sa pinakasikat na putahe na nagmula sa ating bansa; ang Sinigang Na Baboy; pinaasiman na timpla ng baboy, ngunit isa pa rin itong misteryo para sa akin, kung kailan, paano, at sino nga ba ang mga nakabuo ng napakasarap na lutuing ito. Basta sa aking kaalaman at sa aking natatanging tiyan, isa ito sa pinakamasarap na putahe na iswak sa aking panlasa at maipagmamalaking maihahain ng isang Pilipino sa kusina.
Sitaw, kangkong, sampaloc, baboy; ilan lamang iyan sa mga sangkap kapag gusto mong magluto ng sinigang. Masasabi kong hindi biro ang magluto nito dahil nasubukan ko nang magluto nito noon, at talagang dapat ay tantsado mo ang lasa, asim at linamnam na tama lang sa iyong gustong maasam, dahil kapag nasobrahan ka sa asim o linamnam nito ay ikaw na naman ay magdadagdag nang kung ano pa man upang magbalanse ulit ang lasa. Ang karaniwang ginagamit na pangpaasim dito ay sampaloc, na ayon sa aking mga nabasa, ito pala ay nakakatulong sa mga sakit sa tiyan. Ang maganda rin sa putaheng ito, ito ay naglalaman ng iba’t ibang gulay, katulad nung mga binanggit ko sa itaas, at puwede pa itong dagdagan ng iba pang gulay ayon sa inyong kagustuhan; na nagbibigay ng mga kaukulang sustansiya sa mga kumakain nito. At kung wala ka namang baboy diyan sa bahay mo, ay puwede rin naman ang hipon o manok ang ilagay, ngunit iba pa rin talaga kung baboy, dahil sa aking palagay, mas nakakapagbigay ito ng lasa, na siksik sa mga laman nito.
Sa aking opinyon, tila nga isa na ito sa madaming madaming lutuin dito sa Pinas, ang tiyak na hahanap-hanapin ng mga 1st time pa lang na makatikim nito; katulad ng mga dayuhan, dahil iba talaga ito kung ikukumpara sa pagkain sa kanilang bansa at sa ibang mga pagkain na matatagpuan lamang dito. Ito ay kakaiba o iba ang dating, lasa pa lang; talagang ikaw ay mapapasigaw na sa sarap o mapapatayo sa tuwa, dahil sa halo ng asim ng sampaloc, na sasamahan pa ng tamang lambot ng baboy, tunay na ngang kay sarap. Matuturingan ko na rin itong isa sa pinaka-paborito kong pagkaing Pinoy, dahil parang ito na rin ang nagpapaalala sa akin na tayong mga Pinoy ay hindi lang puro matatamis o puro maaanghang ang gustong kainin ngunit gusto rin naman natin makatikim ng onting asim o sarap sa ating buhay kusina. Siguradong kung tamang-tama ang timpla, at sakto ang pagkaluto sa mga gulay at sangkap nito, tiyak! amoy pa lang, ulam na. Kaya, sinigang na baboy, ngayon at kailanman, siguradong, hindi kita malilimutan.
-ALYZA DUMLAO, UST-CTHM.1T1
Nung pagtingin ko sa pamagat ng iyong artikulo ay talaga namang naintriga ako. :)) hahaha.
ReplyDeleteMahilig rin akong kumain ng Sinigang, yung tipong sobrang init, dahil dito ay napakasarap higupin ng sabaw. :) Masasabi ko rin na comfort food ko ito. Masarap ito lalo na kapag malamig ang panahon. :) Maraming luto ng sinigang, subalit ang sinigang na baboy ay ang aking pinaka-paborito. :)
hindi ako mahilig sa sinigang pero parang ang ganda ng pagpapaliwanag mo tungkol sa sinigang.mukhang nakakatakam. :)
ReplyDeletegrabe, ang matagal na pagbabasa ko ng mga gawa niyo ay nagpapakalam sa aking sikmura.. isa ang sinigang sa mga paborito kung ulam dahil sa malinamnam na sabaw nito... marunong kbng mgluto nito? ako kasi hindi! ahahah... =D.. good work... maganda ang paliwanag.. =D
ReplyDelete-R.A. (maganda! ako!.. po!)
Napakagandang blog naman nito Alyza! :) Tunay na napakasarap ng Sinigang na Baboy lalo na kung ubod ng asim! :>
ReplyDelete-Krisly Rayo
Ang ganda naman ng blog na to, sis! Goodjob! Isa rin ito sa paborito kong pagkain:) Convincing:)
ReplyDeleteHindi ko pa man basahin ang sanaysay mo talagang alam ko sa sarili ko na talagang masarap ito. Gustong gusto ko ung maasim dahil masarap higup higupin ang sabaw noon. at paborito ko rin yan
ReplyDeleteMagaling at Mahusay ang iyong blog. Bigla ako natakam sa Sinigang na Baboy. woohoo.Yan uulamin ko mamaya. Sana magpost ka pa ng mga Filipino Delicacies. :))
ReplyDeleteWOW!!!!! nice article dumi! it made me want to eat sinigaaang :)) nagpaluto na ako sa nanay ko oh! haha! joke :D but really, well written alyza! good job! it's very enticing :> good job! >:D<
ReplyDelete-rona
"Kaya, sinigang na baboy, ngayon at kailanman, siguradong, hindi kita malilimutan."
ReplyDelete-- Ganda ng ending!
Well written Dumi :D. Pwede ka ng makata :>
- Joana Mantiquilla, UST College of Commerce
Tumpak, Alyza! :D Iba talaga ang SNB! Paborito ito ng nakararami sa atin! Iba ang asim nitooo! :"> Malinamnam, Masustansya, Masarap! =))
ReplyDelete♥Kate
pag sinigang wala ng diet diet! :)))
ReplyDelete-Pam 1T1
Masarap ito kainin kapag umuulan o kapag malamig ang gabi. :"> Pagandahan pa tayo ng mukhasim sa asim. Haha. Magluto ka Alyza, kakainin ko yan ng walang alinlangan :))
ReplyDelete- Chesca Solis :)
Napakagaling ng pagkakasulat. Ako'y naeengganyo kumain ng S.N.B! =P~
ReplyDelete-holly garcia
Siguradong mas maraming Pilipino at dayuhan ang ma-eengganyong kumain ng sinigang na baboy! :)
ReplyDelete-Mitchelle Diones
Magaling ang pagkakasulat ng iyong sanaysay ngunit mas mabuti yata kung gagamit ka ng mga salitang mas karaniwan tulad ng hapunan para sa salitang gabihan sa talata 1 dahil impormal naman ang iyong sanaysay. mas mabuti rin kung unang pagkakataon nalamang ang gamitin mo kaysa sa 1st time para tagalog lahat ng salita. mabuti rin siguro kung hahatiin mo ang ibang mga pangungusap dahil ang iba'y mahahaba at maraming isinasaad na diwa para maging mas malinaw ang gusto nitong sabihin. maliban sa mga ito, masasabi kong maganda ang sanaysay na iyong isinulat dahil talgang mula ito sa puso. :)
ReplyDelete-Jill Escondo