Saturday, November 27, 2010

Dearest Darla,


Iba’t ibang lahi, Iba’t ibang pananaw, Iba’t ibang kulay, Iba’t ibang ugali, Iba’t ibang layunin, Iba’t ibang misyon, at hindi imposibleng Iba’t iba din ang ating mga panlasa. Sa dinami dami ng tao ay sapalagay ko ay ganun din kadami ang klase at uri ng pagkain.

Ano ang paborito mong pagkain? Napaka simpleng tanong pero napaka daming posibleng sagot. Minsan, ang mga pinaka simple tanong pa ang mga pinaka mahirap na sagutin. Sa aking paggawa ng asignatura na ito ay naka tatlong ulit ako dahil hindi ko lubos maisip kung ano ang paborito kong pagkain. At ang pagkahaba-habang listahan sa aking utak ay bigla nalang nawala at naiwan ang isang pagkain na bumubuo sa aking araw at nakapagpapagaan ng aking kalooban tuwing ako ay nalulungkot. Sa madaling salita, ito ang aking comfort food at isa sa aking mga paboritong pagkain.

Ang Dear Darla ay isang uri ng pizza na mabibili sa Yellow Cab. Ito ay hindi pangkaraniwang pizza na basta basta mo nalang kakainin. Kagaya ng mga usong pizza ngayon, ito ay thin crust ngunit may kakaibang twist dito. Ang crust nito ay may keso, sibuyas, hipon at kabute. Kasama ng order na ito ngunit nasa hiwalay na lagayan ang arugula leaves, alfalfa sprouts at chili oil.

Kakaiba din ang paraan ng pagkain nito. ‘Di tulad ng karaniwang pizza na kakagatin mo na lamang, ang Dear Darla ay may kaunting twist na tiyak na magugustuhan ng kahit sino. Sa isang slice o lapad ng pizza ay ipapatong mo ang mga hiwalay na sangkap at ito ang arugula leaves, alfalfa sprouts at chili oil. Pagkatapos mo ipatong ang mga ito ay irorolyo mo ito na parang isang pita wrap at pwede mo na ito kainin. Kakaibang pizza hindi ba? Isa pang magandang bagay tungkol sa Dear Darla ay hindi ito masyadong nakakapagpataba kagaya ng normal na pizza na gusto ng karamihan sa atin ngayon dahil halos lahat ay weight conscious na.

Bakit ito ang aking comfort food? Sa kadahilanan na, hindi ako marunong magluto kaya’t pakiramdam ko ay ako ay nagluluto na ako kapag pinaglalahok ko ang mga sangkap at nirorolyo ko ang crust (haha). Pangalawa, napaka dali itong makuha. Pwede ka magpadeliver o pumunta ka lang sa kahit anong mall at may makikita ka nang yellow cab dahil merong 50 na sangay sa Metro Manila. Pangatlo, Hindi ko kailangan isipin kung gaano kadami ang aking kakainin dahil masustansya naman ito. At panghuli, para sakin ay, nagbibigay ito ng easy satisfaction at nakakapagpatanggal ng negative vibe sa aking katawan sa bawat subong aking kinakain.

Sa pangkalahatan, ito ay isa sa mga pagkain na masarap at masustansya. Kumbaga ito ay package. Lahat tayo ay iba’t iba pero kailangan natin mabuhay ng sama-sama. Gaya nga Dear Darla siguro, kapag tayo ay nagsama-sama, makakabuo din tayo ng magandang pagsasama at produktibong mga resulta. J


JYN ENRIQUEZ 1T1


36 comments:

  1. yuum! gusto kong magorder ng yellow cab! good job sa blog jyn :)
    -kimberlyn

    ReplyDelete
  2. I like this Jyn! I wanna try a Dear Darla! :)

    ReplyDelete
  3. ang husay naman ng dear darla mo :)) thumbs up :) LIBRE mo kame haha.

    ReplyDelete
  4. tama ka jyn! halos nga lahat ng tao ay weight conscious na at isa na ako dun..hahaha :P buti nalang sinabi mo toh..pwede n ko kumain ng pizza na hindi tataba..yey!!! hahahaha:) try ko nga magorder nito minsan sa yellow cab. :P

    -lau :D

    ReplyDelete
  5. wow ang sarap naman nian.. parang gusto ko tuloy umorder ang pizza ngayon.. nice work jyn! :)

    ReplyDelete
  6. nako..ma-try ngang umorder nyan minsan. Nakakagutom ha! :)

    ReplyDelete
  7. Hindi ako gaano fan ng pizza subalit dahil sa iyong ibinahagi ay medyo nahiwagaan ako sa dear darla at para tuloy gusto ko itong tikman. Napakasarap ng pagkakalarawan mo sa Dear Darla. XD Epektibo ang iyong pagsusulat. :)

    ReplyDelete
  8. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
  9. Nice one! A well-written blog coz you had me read deeper into it. Parang mas effective pa yata tong blog mo to get me interested in trying one Dear Darla than the billboard I see along South Expressway, no kidding. And best thing about it is that it leaves me with a "last thought syndrome" of the pizza! If only it's just a phone call away for a delivery here:-) Looks like a lot of work with the rolling and all but your blog made it quite a fun thing to do before one can enjoy this healthy, delicious pizza!
    And the metaphor & relating it with togetherness at the end is good as pizza is so much better if eaten with a group. Hmm.. Pwede ka rin sa Marketing ha?:-) Keep it up!

    ReplyDelete
  10. mahilig ka din pala kumain sa yellow cab. hindi ko hilig ang dear darla pero sa tingin ko, mukhang masarap ito. ang paborito kong pagkain sa yellow cab ay charlie chan. :)

    ReplyDelete
  11. Wow naman ang sarap. Noon ay di ko gusto ito dahil hassle pero kung matiyaga pwede nadin. Haha. Yummy :">

    - Chesca Solis

    ReplyDelete
  12. Masarap kumain sa yellow cab! Kumain tayo roon minsan. Magandang comfort food yan pero huwag masyado kasi mamantika. Hahaha. Pinag-crave mo tuloy ako niyan. Paborito ko yung cheese doon. Di rin ako marunong magluto masyado kaya napapa-order din ako sa labas. :)

    ReplyDelete
  13. Totoong masarap ito. At isa sa mga paborito ko! Hindi ako nauumay sa t'wing kumakain nito. Magaling, Jyn! >:)<

    ♥ Kate :>

    ReplyDelete
  14. tagay eto na, relaxing experience, enjoyable and satisfying kaya mauulit at re recommend ko ito sa mga kaibigan ko :)will try this again later pag nanuod kami ng mga bata ng hp 7. lastly maintain lang ng yc ang level of service nila at quality of the food at syempre yun environment ba balik balikan sila ng mga parokyano. wly anak

    ReplyDelete
  15. wow ang sarap nga siguro nyan..ita try namin yan..fave ng mga anakis ko ang pizza eh..

    ReplyDelete
  16. wow ang sarap nga siguro nyan..ita try namin yan..fave ng mga anakis ko ang pizza eh..

    ReplyDelete
  17. wow bigla aq ngutom..at nagcrave ng pizza...

    ReplyDelete
  18. a great perspective from a young girl like you. hope to see more of this in the near future. continue writing. you have the potential. :)

    ReplyDelete
  19. mabellepunzalanmarananDecember 1, 2010 at 2:53 PM

    jyn. sa galing ng pagkakasulat mo i want to go home and try it. galing ..keep it up..

    ReplyDelete
  20. Ang galing nang pagkaka describe mo ng Dear Darla. Para tuloy gusto ko nang kumain nyan mamaya. :)

    ReplyDelete
  21. OK yang comfort food mo .... kaka iba nga!!! .... ang galing mo ... para kang naturu-an ni miss "Kapati". Try ko nga lutuin dito yan sa OZ .....hehehe

    ReplyDelete
  22. ako blueberry cheese cake ang comfort food ko... every bite seems always the first bite, iisipin ko pa lang masaya nako... nice blog, i like the term "comfort food"... hehehe

    ReplyDelete
  23. ....tulad ng mga sangkap na naipahiwatig, maaari nating sabihin...."mabuti pa ang dear darla, pag pinag samasama'ng sangkap tunay ngang may kakaibang sarap". pwede pala sa pagkain ang pagkakaisa...pwede din sa atin para sa pagiging produktibo ng lahat :0

    Nice one Jyn!! -tito manny of up tgp

    ReplyDelete
  24. Nakakain na ako sa Yellow Cab, pero di ko pa na try itong Dear Darla. Mahusay at napaka-informative na blog. Try ko yan paguwi ko ng Pinas...hehehe

    ReplyDelete
  25. One of the best pizzas around. Was thinking just now kung anong OK na padeliver for dinner. My son is staying at home today due to fever and walang appetite. Thanks for the idea. Mahanap nga number ng YC na malapit samin. Nice!!

    ReplyDelete
  26. Masarap talaga ang Dear Darla pizza, lalo't kasama mong kumain ang mga mahal mo sa buhay.

    ReplyDelete
  27. nakaka enganiyo naman yung write up, hindi ako madalas kumain ng pizza pero you are right ok siya as comfort food, in addition bagay siya sa mga taong on the go like me hehehe in fact i am going to order one right now hehee hmmmmm

    ReplyDelete
  28. akala ko hindi na makakakain ng pizza because i am hypertensive, itong dear darla pwede pala sa akin. might try it next time i visit a yellow cab, can't wait :)

    ReplyDelete
  29. Dear Darla,,,, Pizza???strange ang pangalan,,,catchy...d mo akalain na its a food. Mag-iipon ako para matikman yan...surely medyo mahal pero sa sinabi mo,,,worth the price yan...Ung comparison mo sa buhay with Dear Darla,,,amazed ako dun sana nga magkasama-sama na yung mga magkakaibang isipan at damdamin,,,,para mas maganda....gud luck and more blogs to read from you...te rofelle to

    ReplyDelete
  30. mukhang masarap talaga nakaka miss tuloy pagkain ng pizza!! --saudi ofw

    ReplyDelete
  31. Maganda ang pagkakasulat,payak at malaman.Gusto ko yun terminolohiyang "Comfort Food" dahil noong panahon ng Hapon ang salitang "Comfort" ay ka-kabit lamang ng "Women" sa kaisipan ng Pilipino.Madaming pwedeng spekulasyon bakit Dear Darla ang tawag sa Pizza na ito,para siguro siya sa nobya,asawa o kabit ng isang mapang-isip na Panadero.Maaari si Darla ay isang kabiyak sa puso na kumpleto at masarap kasama.Mabuti at ang mga Pilipino ay may bagong pagpipilian,mula sa dati-rati na isaw at bituka ng manok sa kanto,chicken-joy ng bubuyog at twister fries ng payaso,ngayon tunay na siya masustansya at may pakinabang sa kalusugan.

    ReplyDelete
  32. Ang Dear Darla ay hango sa pelikulang Little Rascals kung saan dalawa sa mga pangunahing karakter ay sina Darla at Alfalfa. Sa pelikulang ito, mahilig sumulat ng love letter si Alfalfa kay Darla, na ang bating panimula ay 'Dear Darla'. Pansinin ninyo na isa sa mga pangunahing sangkap ng Dear Darla pizza ay alfalfa sprouts.

    ReplyDelete
  33. sanay ang aking panlasa sa pizza hut, shakey's at greenwich dahil sa may kamahalan ang yellow cab...pero dahil sa mga katagang iyong tinuran, aking susubukan ang "dear darla" pizza...dial 789-9999 for delivery....extra arugula leaves please.

    perry - uplbtaa

    ReplyDelete
  34. nice one. it makes me wonder why i never thought of buying one, dahil dito bibili na ako hehehe

    ReplyDelete
  35. The Dear Darla thing is amazing. Just the name would be intriguing enough to entice the most speculative customer before asking what it may be in the first place. I just had to try one myself. Keep it up Jyn! - Brad Pantig

    ReplyDelete