Likas sa ating mga Pilipino ang ating pagkahilig sa pagkain. Kaya nga nakakagawa tayo ng mga pagkain na tanging sa Pilipinas lang matatagpuan. Dahil na din sa iba’t-ibang mga bansa na sumakop sa atin nag-iwan sila ng iba’t-ibang impluwensya sa ating kultura tulad ng pagkain na kanilang ipinakilala sa atin. Isa na sa mga dinala na pagkain ng mga espanyol ay ang kaldereta na sa paglipas ng panahon ay nakagawa tayong mga Pilipino ng ating sariling bersyon.
Ang kaldereta ay kilalang kilala sa Pilipinas lalo na sa parteng Luzon. Madalas itong ihanda sa mga okasyon tulad ng kaarawan,kasalan at kahit sa mga pyesta. Ang mga pangunahing sangkap nito ay karne ng kambing, baka o kaya ng baboy, tomato paste o tomato sauce at liver spread pero sa metro manila nagdadagdag pa sila ng patatas dito. Talagang napakasimple lang ng mga sangkap nito pero nagi itong isa sa mga paborito nating mga Pilipino. Ang kaldereta ay isang lutong bahay kung saan ang ating nanay o kaya ang ating tatay ang nagluluto nito pero marami na ring mga restawrant ang inilalagay ang kaldereta sa kanilang menu. Mas patok parin itong itinda sa mga carinderia o turo-turo dahil marami sa atin lalo na sa syudad ang umay na sa mga pagkain ng mga fastfood kaya naghahanap sila ng mga lutong-bahay tulad ng kaldereta. Kung titingnan natin ang itsura ng kaldereta malamang ang iba ay matakot dahil sa kulay nitong pula na medyo orange dahil baka maisip nila na mukha itong dugo, pero siguradong pagkanila na itong natikman mag-iiba ang kanilang persepsyon dahil sa kakaibang lasa nito. Karamihan pa nga sa atin ay gusto ang kaldereta na lagyan pa ng halang. Siguradong mamahalin ng mga mahihilig sa karne ang kaldereta dahil karne ang pangunahing sangkap nito. Hindi tulad ng ibang pagkain ang kaldereta ay hindi masama sa ating kalusugan maliban na lang kung masama sa atin ang pangunahing sangkap nito tulad ng tomato sauce. Ang kaldereta rin ang hinahanap-hanap ng mga pinoy tuwing sila’y uuwi rito. Ito rin ang hinahanap-hanap ko tuwing uuwi ako sa quezon dahil isa ako sa mga nahalina sa lasa at sarap nito. Hindi mawawala ang kaldereta tuwing nagdaraos kami ng mga handaan. Kaya nga hinahanap-hanap ko ang luto ng aking tatay pag nabalik na ako dito sa maynila.
Likas akong mahilig kumain lalo na pag nakuha ng pagkain ang aking panlasa pero Iba ang kawilihan na nadudulot sa akin pag ako ay nakakakain ng kaldereta. Isa ito sa mga pagkaing nagsisilbing taga wala ng aking pagka-stress. Siguro para sa iba isa lamang itong ordinaryong pagkaing pinoy pero para sa akin at sa iba pang taong mahal at paborito ang pagkain na ito may natatago pa itong sarap na nais ko rin ninyong madiskubre.
by: Livieen Audrey R. Bico
tama. masarap nga yang kaldereta, masustansya pa. :)) nice work.
ReplyDeletegaling audrey! sa quezon ay napakagaling magluto ng aking tito nito at talagang di ko ito tititgilan at tama rin ang iyong sinabi. hindi nga ito mawawala sa mga handaan dahil tiyak kahit ito lang ang kanilang iulam ay busog at lawlaw ang tiyan sa sarap :)
ReplyDeleteNang dahil sa putaheng iyong isinulat ay mas lalo kong na-miss ang aking nanay na napakasarap magluto nito -jane
ReplyDeleteLinuluto rin ito sa aming bahay.. Pero hindi ako kumakain ng kambing kaldereta, malansa kasi. Magdala ka para pyesta ang T1.
ReplyDeletePaborito ko rin ang pagkaing ito. Grabe, malakas akong kumain kapag ito ang ulam. Namiss ko tuloy ang pagkain nito. Naalala ko rin, kadalasan ay kapag may okasyon rin kami nagluluto nito. Parang gusto ko na tuloy magpasko. :))
ReplyDeleteHindi mawawala ang kaldereta tuwing mayroong espesyal na okasyon sa amin! Talagang pinoy na pinoy ito at masasabi kong masarap tlaga ito. :)
ReplyDeleteMatagal na kong di nakakakain nito! Dahil sa blog mo, gusto ko ulit makatikim! :( =))
ReplyDelete♥Kate
talagang masarap ang kaldereta lalo na sa mahilig sa meat.. ang isa pang paborito kong kaini dito sa kaldereta ay ang patatas.. masarap itong durugin sa kanin at lagyan ng sabaw ng kaldereta..nagutom nmn ako sa iyong blog:)
ReplyDeleteNATATAKAM AKO SA SOBRANG SARAP NG KALDERETA. HAHA
ReplyDeleteGOOD JOB. :-)
-JYN
awwww..gusto ko rin ng kaldereta! naiimagine ko na tuloy yung lasa niya.haha :P matagal na din akong hindi nakakakain ng kaldereta.. :D
ReplyDelete- lau :)