Kanya-kanya ang ating panlasa. Matanda man, lalo na ang mga kabataan, hindi pwedeng sabihing wala tayong paboritong pagkain. Sa ating mga Pilipino, pagkain ang kadalasang laman ng ating mga isipan, bukang-bibig sa bawat kwentuhan o maari rin na pampalipas oras. Talaga naming hindi maiiwasan sa atin ang sadyang mahalin ang pagkain, di ba?
Nakakatawa man isipin pero Fried Chicken pa din ang aking paborito, mula noon, hanggang ngayon (commercial?). Sa dinami-dami ng pagkaing natikman ko, di ko parin maawat ang sarili ko sa pagsandok ng kanin ng sunud-sunod kapag ito ang ulam sa aming bahay. Gustong-gusto ko ito dahil sa malasa nitong laman at balat na dahilan din kung bakit ito ang unang-unang pagkain na kadalasan ay paborito ng mga bata. Ito ay mina-marinate ng matagal bago lutuin para maging malasa, pagkatapos ay lulutuin ng nakababad sa mantika. Ang iba ay nilalagyan muna ito ng cornstarch o breading para lumutong at mas magkaroon a ng lasa. Ngunit kahit lagyan man o hindi ng breading yung manok kakainin ko parin ito dahil ito ay talagang masarap. Hindi rin mahirap humanap nito. Halos lahat ng restaurant, fast food chains, kahit nga sa kalye ay mayroon na din. Natikman ko na nga ang fried chicken na tinitinda lamang sa kalye eh. Lolo ko pa nga ang bumili sa akin noon, nung siya ay buhay pa, kaya salamat lolo! J Hindi naman kasi ako ganoon kapihikan pagdating sa pagkain, basta manok. Sa tuwing magkikita at magsasalo-salo ang aking pamilya at kami ng aking mga kaibigan ay hindi pwedeng mawala ang fried chicken sa hapag-kainan. Sa totoo nga ay nakakadalawang manok ako na sunud-sunod. Ganito ko kamahal ang fried chicken!
Karaniwan man ang aking paboritong pagkain, hindi ito ang mahalaga. Para sa akin, ang mga hindi ko malilimutang karanasan kasama ang aking pamilya at mga kaibigan, at ang saya at agkabusog na aking nararamdaman sa tuwing fried chicken ang aking ulam ang mas lalong nagpapasarap nito paulit-ulit ko man kinakain mula pagkabata hanggang sa aking pagtanda. Ngayon at kailanman, fried chicken, the best na ulam!
- Anna Lea M. de los Santos
Lea! tama ka na ngayon at kailanman, fried chicken talaga ang the best. Lahat ng tao ay paborito ito dahil simula sa una palang kilala na ito at talagang kahit balat lamang ang kainin mo malalasap mo na ang sarap, ano pa kung pati ang laman db? lahat ng sinabi mo ay tugmang-tugma sa fried chicken. ayos!
ReplyDeleteisa rin yan sa mga paborito kong pagkain aside from siomai syempre..hehe..masarap naman kasi talaga ang friend chicken lalo na kung may ketchup o kaya gravy na kasama..mapaparami talaga ung kain mo,at lalong hindi mawawala sa mga handaan ang friend chicken..tama si cha, tugmang-tugma ang mga sinabi mo tungkol sa fried chicken:)
ReplyDeleteTama isa itong "all time favorite" ika nga. Sa aking palagay karamihan sa tao ay Fried Chicken ang kauna unahang paboritong pagkain.
ReplyDeletegustong gusto ko rin ang fried chicken simula bata.. lalo n ang balat nito pag subrang lutong..:)
ReplyDeleteNapakasarap din nito. Nagugutom na ko kakabasa ko ng blog. Pero hinay hinay lang sa pagkain dahil makolesterol to. :)
ReplyDeletehindi na bago ang pagkapaborito ng chicken sino ba ang hindi mahihilig sa sarap ng pagkaing iyan nakakagutom tuloy dahil sa mga sinabi mo sa at tila nalalasahan ko pa ang chicken :P
ReplyDeletetama! hindi talga nakakasawa ang pagkain ng fried chicken, kahit ako napaparami ang pagkain ko ng kanin kapag fried chicken ang ulam! haha :))
ReplyDeleteBata pa lamang ako, wala na kong bukambibig kundi, Fried Chicken! :> Sabi ng mga magulang ko baka lumipad na daw ako! HAHAHA! Hanggang ngayon, I'm proud to say: "Laking Chicken 'to!" =))))))
ReplyDelete♥Kate
Mula noon, hanggang ngayon ay paborito kong pagkain ang manok. Kahit anong klaseng luto pa yan. Mapa.prito man o lagyan man ng sabaw. XD Subalit talaga namang ang isa sa pinakamasarap na luto niyan ay yung fried! Sa bawat okasyon, piyesta at party ay laging may fried chicken na kasama sa hapag, tunay nga naman kasi na masarap at paborito ito ng lahat ! Maraming salamat sa pagsulat mo ng blog at ako ay nagugutom na ngayonn. :) XDD
ReplyDeleteIsa din ito sa mga paborito ko! napakasarap at di ako nauumay dito.
ReplyDelete-FOX
Paborito ko rin ang fried chicken! Kahit saan at sawsawan nito. Lagi ko ito nakakain kapag may bertday at handdan. The best ulam talaga! :)
ReplyDelete