Friday, November 26, 2010

I-Scream!



Napakainit sa Pilipinas kaya hindi na bago sa atin na makakita ng mga tindahan ng mga pampalamig sa bawat kanto saan mang sulok ng ating bansa. Para sa akin, wala nang mas sasarap pa sa pagkain ng ‘Ice cream’ o sorbetes sa kainitan ng panahon ngayon na dulot ng ‘climate change.’

      Halos lahat ng mga Pilipino – matanda o bata, mahirap o mayaman, ay mayroong tinatawag na “sweet tooth.” Masasabi kong kabilang ako sa kanila. Ako ay mahilig sa matatamis lalo na sa ‘Ice cream.’ Masarap na, mura pa! Akalain niyong may mabibili ka nang sorbetes sa halagang P5 lamang.

     Walang pinipiling edad sa pagkain ng Ice cream. Ito ay nagbibigay ng kasiyahan sa mga kumakain nito. Kahit ang mga may diabetes ay pwede na ring kumain ngayon dahil mayroon nang Ice cream na ‘sugar-free.’ Hindi ito nawawala sa mga handaan tulad ng kaarawan, binyag, anibersaryo, pasko, bagong taon at iba pa. Masasabi kong ito ay isa sa mga inaabangan ng mga bisita bilang panghimagas.

      Halos linggo linggo ay kumakain ako ng Ice cream: sa bahay at kahit sa aking paaralan. Madalas kaming bumibili nito sa Ministop sa Dapitan matapos mananghalian. Tamang tama ito para mapawi kahit papaano ang nararamdamang init sa Maynila. Kulang pa ang mga salita upang ipahayag ang tuwang nararamdaman ko tuwing ako ay nakakakain ng Ice cream. Nababago nito ang aking mood; halimbawa, kung ako ay nalulungkot, ang pagkain ng Ice cream ay makapagdudulot ng ngiti sa aking mga labi. Ang pinakapaborito ko ay ang Ice cream na mabibili sa Dairy Queen (DQ).

      Kaya't kung ikaw ay naiinitan, tumakbo na agad sa pinakamalapit na tindahan at sabihing "I-SCREAM FOR ICE CREAM!"


Krisly Anne C. Rayo
   1T1

15 comments:

  1. waw. totoo nga naman na masarap kumain lalo na pag mainit ang panahon. nakakawala din ng lungkot ito minsan. totoo ring masarap ang ice cream sa DQ. :)

    ReplyDelete
  2. Gumagaan din ang aking pakiramdam pag kumakain ng ice cream! Kahit na may kamahalan sa DQ ay ayos lang dahil sulit naman at talagang masarap ang kanilang mga produkto. :) -cheska.

    ReplyDelete
  3. tama ang iyong sinabi... napakainit talaga ng panahon ngayon,.. naaala2 ko tuloy ang mini stop moments natin sa dapitan... ahahaha.... dati rin akong nagplano na maghanda ng sorbetes sa aking kaarawan kaso hindi natupad dahil wala kaming makitang vendor... =D ... good job....
    - R.A. (maganda! ako!.. po!) =D

    ReplyDelete
  4. Ayan:)) Nasa cthm1t1 na;) Masarap talaga yan, ice cream. Pampatanggal ng stress=)))) lalo na kung sa DQ. Good job!
    -Alyza Dumlao

    ReplyDelete
  5. nakita ko pa lang yung picture,two thumbs up agad.masarap talaga yan.wala ng duda:)) good job and nice choice:)

    ReplyDelete
  6. Iba talaga ang ice cream, lalo na pag galing sa DQ. Malamig at masarap, bagay na bagay kainin pag summer o sa mga panahon na mainit. Totoo din na nakakapagdulot ito ng ngiti lalo na kapag na realize mo na ANG SARAP TALAGA NG ICE CREAM. :)

    ReplyDelete
  7. "Halos lahat ng mga Pilipino – matanda o bata, mahirap o mayaman, ay mayroong tinatawag na “sweet tooth.” Masasabi kong kabilang ako sa kanila. Ako ay mahilig sa matatamis lalo na sa ‘Ice cream.’ Masarap na, mura pa! Akalain niyong may mabibili ka nang sorbetes sa halagang P5 lamang."

    Krisly Anne C. Rayo,
    Tama lahat ng sinabi mo. Ice Cream talaga ang hinahanap-hanap ng mga Pilipino dahil sating mainit na klima. Pero sa totoo lang, hindi lang naman kapag mainit ang panahon kumakain ng Ice cream eh, kahit tuwing tag-ulan gusto ko pa ring kumain ng Ice Cream kasi masarap nga ito. Gaya rin ng sinabi mo, walang pinipiling "social status" ang Ice cream, kumbaga, "Everybody loves Ice Cream" kaya naman kahit saan nakakakita tayo ng mabibilhan nito.
    Nga pala, gusto ko yung "I SCREAM FOR ICE CREAM", talagang pinag-isipang mabuti, isang tunay na "CATCHY PHRASE"
    Sana matikman ko isang araw ang Ice cream na binebenta mo.
    Isang Ice Cream lover,
    Kimpertooooosh. :))

    ReplyDelete
  8. " Nababago nito ang aking mood; halimbawa, kung ako ay nalulungkot, ang pagkain ng Ice cream ay makapagdudulot ng ngiti sa aking mga labi."

    Ako ay lubos na sumasang-ayon sa iyong pahayag. Sa tuwing kumakain ako ng napakasarap na sorbetes, lagi rin akong napapangiti. Ngunit mas masaya ang kumain ng sorbetes nang may kasama kang mga mahal sa buhay dahil sa iyong pagngiti, marami ring mga ngiti ang iyong masisilayan.

    Natutuwa rin ako sa "I-SCREAM FOR ICE CREAM." Ipinapahayag nito na talagang gustong-gusto mo ang pagkaing ito. Katulad din ng sinabi ni Kim, it's a really catch phrase. Magling magaling. :)

    Umaasang makasabay kita sa pagkain ng ice cream.

    -Jen :D

    ReplyDelete
  9. pareho tayong may sweet tooth kung tawagin at matatawag din itong kahinaan natin dahil malamang kapag tayo ay may kagalit o katampuhan madaling madali lang mawala ito. :)) At ang dairy queen talaga ay masarap. at ako ay sumasang-ayon

    ReplyDelete
  10. Tama nga naman ang lahat ng iyong sinabi. Sino ba naman ang makatitiis na hindi tumikim ng pagkasarap-sarap na sorbetes? Hinihintay ko rin ito pag may handa, umaasang makatikim ng masarap na dessert. Hmmmmmm, tunay ngang nakakahalina! Lalo na iyong DQ na pinaespesyal pa ng iba't ibang matatamis na sangkap. Minsan nga naman ay kailangan natin ito bilang pampalamig at pampasaya ng pakiramdam. I-Scream for Ice Cream! Siguradong yan ang nasa isip ng lahat.

    ReplyDelete
  11. Oh-myyy! :"> Blizzarrrrrrrd! =)) Miski ano'ng ice cream ay kinakain ko! Hindi talaga maitatanggi ang sayang dulot sa akin sa t'wing makakatikim ako ng ice cream lalo na sa DQ! :-bd

    ♥Kate

    ReplyDelete
  12. Tunay ngang kahit sinong tao ang iyong alukin nang icecream ay hindi tatanggi. Napakasarap nito at tila ba parang gamot na giginhawa ang iyong pakiramdam. :)

    ReplyDelete
  13. Gusto ko rin sana. Paborito ko yan noong bata ako kaso ako'y nagguilty tuwing kumakain nito :)) Sinamahan mo pa ng litrato ng Dairy Queen. Nakaka-tempt sobra. :| :))

    - Chesca Solis :)

    ReplyDelete
  14. Nako Kaibigan! tunay na masarap ang ice cream ngunit nawawala ang aking pagdidiyeta sa pagkaing iyan. :(

    -FOX

    ReplyDelete
  15. Noong una kong nabasa ito ang unang pumasok sa aking isipan ay....

    "Basta driver, sweet lover."

    Hindi ko rin alam kung bakit.

    Sa kabilang dako, hindi ka man driver, ikaw naman ay sweets lover. With the S. Like Scream. For Ice Cream.

    Sige, ikakain ko nalang ito ng ice cream.

    Tulad mo, sa dinami-dami ng "sweets" ay isa ang Ice Cream sa aking mga pinakapaborito. Siguro dahil naparami nitong "variants" o flavor, napakaraming klase, nakaraming pwedeng pagpilian, kahit ako yung tipo ng taong stick to one! Oha. Sa Ice Cream lang ako nangangaliwa.

    Natatandaan kong parati mong sinasabi sa aking gusto mo ng Ice Cream at wala lang. Nasabi ko lang.

    Ibig sabihin nga siguro ay ganun ka talaga natatakam rito.

    Tara na't um-Ice Cream para sa maliwanag na kinabukasan.

    ReplyDelete