Ang Pilipinas ay isang bansang mayaman sa kultura. Ang isa sa nagpapayaman ng ating kultura ay ang pagkain ating kinakain sa araw araw. Kagaya ng ibang bansa, maraming masasarap na pagkain ang matatagpuan sa Pilipinas. Bagama’t hindi local na pagkain ang Pizza, ito ay ang aking pinakapaboritong pagkain. Ang Pizza ay isang pagkain na orihinal na nagmula sa gitnang silangan. Ngunit paglipas ng panahon, ang pagkain ito ay kumalat na isa iba’t ibang lupalop ng mundo. At ngayon, kasalukuyang tinatangkilik ng mga tao na may iba’t ibang edad lalong lalo na ng kabataang tulad ko.
Ang Pizza ay isang pagkain na karaniwang pabilog sa itsura. Ngunit, paminsan naman ay niluluto ito na pakuwadrado. Madalas, ang pizza ay may karne, keso at tomato sauce. Subalit sa panahon natin ngayon, marami ng uri ng pizza ang makikita . Paborito ko ang Pizza dahil sa maraming katangian tinataglay nito. Una, nagtataglay ito ng kakaibang sarap. Ang sarap na ito ay malalasahan mo lamang tuwing sa kakagat ka sa pagkain ito. Ang sarap na ito ay mararamdaman mo na dumadaloy sa iyong buong katawan. Ikalawa, ang halimuyak ng amoy nito ay magbibigay sayo ng kakaibang gana upang kumain. Ang amoy nito ay napakabango na magdudulot sayo ng pagkabusong kahit hindi mo pa natitikaman ang pagkain ito. Ikahuli, ang saya nagdudulot sa pagkain ng pizza ay ang pinakaimportante para sa akin. Ang simpleng pagkagat lamang nito ay nagbibigay na sa akin na kasiyahan sa buong araw. Ang kasiyahang ito ay nagbibigay lakas sakin upang maipagpatuloy ko ang aking mga gawain sa isang araw.
Sa araw na araw na pamumuhay ng isang Pilipino, hindi mawawala ang pagkahilig nito sa pagkain. Ang pagkain ay isang bagay na magbibigay sa kanya ng lakas sa araw na iyon. At ang isa sa mga pagkain nakapagbibigay ng lakas at saya sa mga tao ay Pizza. Maaring hindi ito isang local na pagkain sa ating bansa, subalit hindi ito dahilan upang hindi ito magustuhan ng tao. Kung gusto mo makaramdam ng kakaibang sigla at saya, subukang kumain ng pizza at siguradong hindi ka nito bibiguin. Busog ka na, Masaya ka pa.
- Anne Agustin, 1T1
waw. mahilig ka pala sa pizza. kung sa bagay masarap itong miryenda kapag nababagot ka sa bahay. ako rin gusto ko ang pizza. lalo ng ang pizza sa Pizza Hut. :)
ReplyDeleteDahil sa iyong pagkakasalaysay, parang gusto kong kumain sa Pizza Hut. Tara Anne kain tayo. Now na! =)) Kain buong linggo tayo kumain okay lang ;)
ReplyDelete- Chesca Solis :)
Mahusay ang pagkkagawa mo ANNE! :)mahilig din ako sa pizza. kaya manglibre kna sa tuesday. :))) - Pam
ReplyDeleteWow! Pizza-raaaap! :> Paborito ko 'to. Mahusay, Anne! :-bd
ReplyDelete♥ Kate :>
Ang pizza ng buhay mo ay buhay ko rin. Tayo na't kumain ng pizza! Sa tuesday, ika'y manglilibre. Tama? :))
ReplyDelete♥ Lora Cavestany
Paborito ko din ang pizza. At dahil tama ang lahat ng sinabi mo, ako ay sumasang-ayon sa mga iyan.
ReplyDeleteYes! Pizza@-) isa yan talaga naman sa aking mga paborito:) Good job! :)
ReplyDelete-Alyza Dumlao