Tuesday, November 23, 2010

Makihigop na ng SINIGANG NA HIPON! :) :P

                
            
                                            
                  Marami ng lutuing Pinoy ang nadiskubre at nakahuli sa panlasa nating mga Pilipino, lalo na sa panlasa ko, ngunit para sa akin, sa kabila nito, ay wala pa rin nakakatinag sa paborito kong Sinigang na Hipon lalo na yung luto ng aking Papa at yung nabibili sa Max's. Hindi naman ito masyadong kamahalan, di tulad ng iniisip ng karamihan. Masasabi kong "affordable" naman ito dahil nagdudulot ito ng kakaibang sarap na nakakapagpa-ngiti sa bawat taong kumakain nito.Isa din ito sa mga dahilan kaya binabalik-balikan ng mga tao ang restawran na aking nabanggit. Sigurado ako dyan, dahil Sinigang na Hipon din ang dahilan ko sa pagbalik ko sa Max's. 


            Binubuo ito ng iba't ibang sangkap na nagbibigay ng kakaibang lasa at sustansya, tulad ng kamatis, kangkong, sampalok, sibuyas, patis, siling berde, at syempre hindi maaaring mawala ang pinaka-bida sa lahat ang hipon! Ang pagluluto nito ay sadyang napakadali lamang. Nag-uumpisa ito sa pagpapakulo ng tubig hanggang sa ilagay na ang pinakahuling sangkap. Bagamat madali lamang itong maluto ay kakailanganin mo naman ng pasensya sa pagkain nito dahil sa pagbabalat ng hipon, ngunit masasabi ko namang sulit ang pagod ninyo sa pagbabalat dahil sadyang napakasarap talaga ng hipon lalo na kung sasabayan mo ng paghigop ng mainit nitong sabaw at mainit na kanin."Para ka nga talagang nasa heaven!". 


            Marami din itong naitutulong sa mga tao dahil sa mainit nitong sabaw at bawat sangkap nito. Sadyang nakakapagpaginhawa ito ng pakiramdam lalo na sa mga may sakit at anumang karamdaman, pati na din sa mga taong sobrang stress sa buong araw. Sa kabila nito, marahil may iba pa ding tao ang hindi masyadong nasisiyahan sa lasa nito ngunit sasabihin ko pa ding kahit anumang panahon ang lumipas ay wala pa ding makakapantay sa sarap na idinudulot nito sa akin. Ang maasim-asim at linamnam na naibibigay nito ay sadyang nakaka-inlove! Para sa akin, ito pa din ang pinakamasarap sa lahat at hindi lamang masarap, masustansya pa. Kaya't kung sino man ang naka-imbento nitong lutuing ito ay lubos ko siyang pinapasalamatan. "Kaya ano pang hinihintay mo? Halika na! Makihigop ka na ng Sinigan na Hipon!"


-Ma. Rabbi D. Rosales, IT1

13 comments:

  1. Mukha ngang masarap talaga.. Allergic naman ako sa Hipon. :((( Maganda ang pagbabahagi mo!

    ReplyDelete
  2. litrato palang natatkaam na ko. (:

    ReplyDelete
  3. ang linamnam ng sabaw ay napakasarap dahil na din sa hipon :) kahit pa mahirap magbalat nito ay sige lang! :D saraaaap!

    ReplyDelete
  4. paborito ko din ito lalo na yung sabaw pero kinakain ko lang yung hipon kapag nabalatan na ito.tamad kasi ako magbalat.HAHA.

    ReplyDelete
  5. mahal na mahal ko ang sinigang. lalo na kapag karne at napakaasim!! ngunit di ako masyadong nakakakain ng sinigang na hipon sapagkat bawal sa aking kapatid. haaayyy...:(

    ReplyDelete
  6. wagas na pagkaing pinoy. talaga namang kay sarap nito habang hinihigop ang umuusok-usok pang sabaw sa isang maginaw na panahon... :)

    ReplyDelete
  7. ang sarap naman niyan lalo na kapag ulam sa tanghali at nakakamay
    -jane

    ReplyDelete
  8. Napakasarap talaga ng Sinigang na Hipon. Sabaw pa lang ulam na. :)

    ReplyDelete
  9. wow... madalas yan iluto sa amin kapag kumpleto kami dito sa bahay.. bagamat mahirap magbalat ng hipon ay nakapagtatakang ang dame q nakakain kapag yan ang ulam. =)

    ReplyDelete
  10. ay! paborito ko din yan!masarap yan lalo na kapag maasim!

    ReplyDelete
  11. Ay! Maria Rabbay!! :p talagang masarap ang sinigang na Hipon! alam mo bang iyan ang pumapangalawa sa aking mga paboritong pagkain sunod sa Kare-Kare. Gusto ko rin kasi ang maasim-asim na lasa ng sabaw nito na talaga namang nakakatanggal ng stress. Sinigang na Hipon! Ay! nakaka-inLove nga naman oh!

    ReplyDelete
  12. INUNAHAN MO KO SIS! =)) HAHAHA! Paborito ko talaga 'to. Kahit anong luto sa Hipon, basta Hipon! :P Iba talaga ang nagagawa sa'kin ng hipon! Gumaganda ang araw ko! :">

    ♥Kate

    ReplyDelete
  13. Rabbi! napaka-sarap nga naman ng hipon. Lalo na kung madaming hipon ang sahog!

    -FOX

    ReplyDelete