Sa dinami-rami ng aking mga pagkaing natikman tulad ng lechon, mga gulay, mga baka at iba’t iba pa ay hindi parin mapapantayan ang sarap na naibibigay sa akin ng paborito kong halabos na hipon at alimasag lalo na kung luto ng aking tita at lola. Masarap itong kainin kasabay ng mainit-init na kanin,at habang bagong luto pa. Ang ganitong putahe ang aking paborito sa tuwing mayroong handaan sa amin Hindi kamahalan ang kasangkapan nito at kadalasang hindi katagalan ang paggawa nito kaya’t tamang tama sa mga handaan. Tunay ngang marami ang nahihilig din sa pagkain nito dahil sa taglay nitong sarap at linamnam na naibibigay sa pag kain nito.
Ang kasangkapan ng isa sa aking paboritong pagkain na halabos hipon, ay ang hipon, sprite na pantangal ng lansa sa hipon at nagbibigay ng kaunting tamis, bawang at ang mantikilya, na mga panimpla. Ang pagluto naman nito ay simple lang dahil ginigisa lamang ang bawang sa mantikilya at pagkatapos ay ilalagay ang hipon at ang sprite. Ang kasangkapan naman sa pagluluto ng paborito kong halabos na alimasag ay halos katulad lamang din ng sa hipon na ang mismong alimasag, ang bawang at ang sprite. Una ay nililinis ang alimasag tapos ay ilalagay sa kaldero na mayroong tubig o sprite at bubudburan ng asin at paminta at pagkatapos ay pakukuluan na ng sampu hanggang labin-limang minuto.
Hindi lamang masasarap ang mga pagking ito, maganda rin ang nagagawa nito sa kalusugan ng isang tao.Ang pagkain ng hipon ay mababa sa fat content at nagbibigay rin ng Vitamin D. Ang alaimasag naman ay magandang pinagkukunan ng Omega3 acid na nagpapababa ng blood pressure at nagpapababa ng panganib ng pagkakaroon ng atake sa puso. Kaya’t ano pa ang hinihintay niyo tikman na ang sarap ng paborito kong pagkain, Ang Halabos na Hipon at Alimasag.
-JAN JOSHUA C. NARAJA, 1T1
Wow! pareho tayo. paborito ko ang dalawang nabanggit mo. Simula bata ako ay kumakain na ako niyan at ako pa mismo ang naghihimay. Noong nakita ko ang mga litrato naalala ko ang luto ng aking nanay.
ReplyDeleteYummy! :) Tama, para maiba naman sa karne ng baboy, baka, manok ay magseafoods tayo. :) Hindi lamang ito masarap kundi nagbibigay din ng ibang mahalagang sustansiya para sa ating katawan. :)
ReplyDelete- Nicole Caralian
waw. mukhang masarap yan ah. lalo na siguro yung sarsa nyan. maraming ganyan sa seaside. talagang sariwa at sobrang sarap.
ReplyDeletetalaga ngang masarap yan. hindi lang masarap, sobrang sarap na plus masustansya pa. o di ba?^^ kaya nga paborito namin yan ng kapatid ko. basta seafood, go lang:)
ReplyDeletePaborito ko din 'to, Joshua! :-bd Mas nakakahigit ang sustansya nito kaysa sa manok, baka o baboy. Seafoods FTW! =))
ReplyDelete♥Kate
sarap yan lalo na yng laman ng talukap. masarap na, maganda pa ang epekto nito sa ating kalusugan! :)
ReplyDeleteAlimasag = SOLB! :-bd
ReplyDeletemahilig rin ako sa hipon at crab :) kaso nakakatamad magbalat mas lalo na yung crab :D
ReplyDelete-kimberlyn
Simple yet delectable. These Filipino dishes is truly embedded to the Filipino culture and to the Filipino heart :]
ReplyDeleteMAPAPASISID AKO SA SOBRANG SARAP HAHA
ReplyDeleteGOOD JOB JOSHUA. :-)
-JYN
mahusay ang blog na ito. nagugutom tuloy ako :))
ReplyDeleteako ay sangayon sa sinabe ni binibining katherine caparroso. wala na akong masabeng iba pa. ito ay bebenta.
ReplyDeletenapakasariwa at malinamnam
ReplyDeletemalulunod ka tlga sa busogg
Paborito ko rin ang nasabi mong pagkain. XD Bukod sa masustansya na ang mga ito, hindi mo maitatanggi talaga namang masarap! :)
ReplyDelete