Saturday, November 27, 2010
Mapapabokbokbok ka sa sarap ng Tinolang Manok !
Kung tatanungin mo ang isang tao kung ano ang kanyang paboritong pagkain, paniguradong hindi lang isa ang masasagot nito. Katulad ko marami akong paboritong pagkain at isa na rito ang Tinolang Manok.
Ang Tinolang Manok ay isang masustansyang uri ng pagkaing Pilipino na may sabaw at sinasahugan ng laman ng manok, luya , luntiang papaya at iba pang gulay. Ito rin ay minsang sinasahugan ng malunggay at maraming nutisyon ang nakukuha rito gayun din sa mga ibang sangkap nito. Ang putaheng ito ay madalas makita sa mga carinderia at talaga namang abot kaya ang presyo.
Isa ito sa aking paboritong pagkain sa kadahilanan na ito'y masarap at malasa at dahil na rin mahilig ako sa anumang putahe na may laman ng manok. Tuwing nagluluto ang aking nanay ng ganitong putahe tuwing tanghalian, sobrang nasisiyahan ako at napapadami ang aking kain na kahit busog na ako ay kain parin ako ng kain.
Para sa akin, isa ito sa pinakamasarap na pagkain sa buong mundo at kahit kailan hndi ako magsasawa kumain ng Tinolang Manok. Kaya mag paluto na at kumain ng Tinolang Manok upang mapabokbokbok na rin kayo sa sarap at linamnamn nito!
Vica Vernice S. Samonte
1T1
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
yeeess naman. napapabokbokbok n me sa picture palang ng tinolang manok ;)) . sarap sa panang halian lalo kapag mainit ng sobra ;)
ReplyDeleteTama ka! Marami ngang sustansya ang nakapaloob sa Tinolang Manok. Sa katunayan, iyan ang ulam namin ngayong araw na ito. Masasabi kong masarap talaga ang putaheng iyan. :)
ReplyDeletemasarap kumain ng tinloang manok lalo na kapag malamig ang panahon. pinakamasarap din ito kainin kapag sa sariling bahay niluto at kinain. hehe. :)
ReplyDeletetotoo nga namang masarap ang tinolang manok. nakakatuwa naman dahil ito ang paborito mo. akala ko kase mga banyagang pagkain ang gusto mo dahil nga sa ibang bansa ka lumaki. :)
ReplyDeletenapakasarap nga naman ng sabaw ng Tinolang Manok. Masustasiya pa.
ReplyDelete-FOX
Masarap at malinamnam ang tinolang manok. Isa rin iyan sa mga ulam na aking paborito ! :)
ReplyDeleteNakakagutom naman 'to, Sis! =)) Paborito ko din 'to. Masustansya kasi may gulay pa. Masarap higupin ang mainit na sabaw! :-bd
ReplyDelete♥ Kate :>
go go BEBE vica! hahaha! masarap nga naman ang tinola, lalo na kung may kasamang malunggay. paniguradong masustansya nga ang kakalabasan nito. =))
ReplyDelete<3 ALLETS JAN MAGKASI
tama!talagang masarap ang tinolang manok. Lalo na kapag lutong bahay at salu-salo kayong kumakain ng buong pamilya mo :)
ReplyDelete