Totoo nga talagang napakasarap kumain, at isa ako sa mga taong sumasang-ayon dito. Ikokonsidera ko ang aking sarili bilang maingat sa aking pangangatawan, at kung minsan ay naglilimita ng dami ng kinakain. Ngunit, iba pa rin ang tawag ng mga masasarap na pagkain sa atin, lalo na kung ito ay ang ating paborito. At kung ako ay inyong tatanungin, marami din ako’ng paboritong pagkain. Ang takaw ko hindi ba? Pero ngayon na ako ay tumungtong sa kolehiyo, naging sigurado ako sa isang pagkaing talagang kinahiligan ko.
Simula ng mapunta ako sa Maynila ay namulat ang aking mga mata sa iba’t ibang klaseng putahe. Aaminin ko na kinahiligan ko ang pagkain. Narito ang napakaraming lutong bahay na pwedeng kainin gaya ng adobo, kaldereta, chopsuey, sinigang, mechado at marami pang iba. Pero ang nangibabaw sa lahat ay ang sisig. Iba talaga ang sarap nito! Ika nga ay, nakapaglalaway ang sarap Talagang mainit at umaamoy pa ang mga sangkap na nilagay sa sisig. Meron itong baboy, sibuyas, bawang, suka, liquid seasoning, mantika at ang pinaka-nakapagpapasarap dito, mga maaanghang na sili. Lahat ng sangkap na ito ay lasang-lasa sa sisig. Sa katotohanan, halos araw-araw ko itong kinakain kasama ang gulay. Tinatanong na nga ako ng mga kasama ko sa dorm kung hindi na ba ako nagsawa rito, pero ang paulit-ulit ko’ng sagot ay, “Hindi. Masarap e.” Kadalasan, palagi ako’ng nasasabik kumain, lalo na’t ito ang aking kakainin kasama ng gulay, mainit na kanin at malamig na tubig. Tila ba ay nasa langit na ako! Ibang saya at sarap ang naibigay sa akin nito. Nakakabusog talaga!
Alam ko’ng dapat ay magdahan-dahan ako sa pagkain nito, pero ano pa nga ba’ng magagawa ko. Ako’y bihag na ng isa sa mga pinamasarap na putaheng Pinoy! Basta ba’t kapares nitong mga pagkain ay makababalanse sa sustansya na makukuha ng ating katawan, huwag ng mabahala pa! Sapagkat ‘pag ika’y kumain nito, ikaw ay tiyak na mabubusog at SISIGla!
- Samantha Immanuel F. Dacanay, 1T1
Naglaway na ko dahil sa pagbabasa nito, kahit di ako kumakain ng sisig, pakiramdam ko ay mapapakain na ko nito. :)
ReplyDeleteMasarap nga talaga ang sisig. Dahan-dahan nga lang sa pagkain neto.
ReplyDeletepaborito ko din yan. lalo na yung tinitinda sa carpark ng uste.
ReplyDeletetama sam! hindi ito nakakasawa! siguro dail na rin magandang pagkahalo at agsasamasama ng sangkap nito at ang masarap na amoy nito, lalo na kung malutong tiyak di talaga nakakasawa! :)
ReplyDeletemagkapareho tayo ng napiling potahe. sang ayon ako sa lahat ng sinabi mo. napakasarp nito. lalo na kapag may durog na sili. haha! grabe, magkapareho pa tayo ng letrato para sa sisig. lol .:))
ReplyDeleteTunay na masarap ito. Nakakawala ng pagod. :)
ReplyDeleteyan ay masarap lalo na kung mas maraming sili! wow! hahahaha! :))
ReplyDeletetalaga namang nakaka-siSIGLA ang ginagawang mong pagkain ng gulay, kasabay ang sisig. Gusto ko rin ang sisig pero kadalasang ang sisig lamang na luto sa aming tahanan ang aking kinakain, dahil sigurado na ako sa lasa nito na talaga namang kay sarap, (sa Ate eva's grill alam ko masarap ung sa kanila):)
ReplyDeleteSisig! aba'y kay sarap nga eh! hindi pa nakakasawa..
Kahit kailan ay hindi pa ko nakakakain ng sisig subalit dahil sa pagkakalarawan mo ng sisig ay napakasarap nito, naeenganyo tuloy akong kumain nito. :)
ReplyDeleteHindi ka lang SISIG-la, SISIG-aw ka pa sa saraaaaap! =)) Libre mo ko! HAHAHA! :P
ReplyDelete♥ Babe :>
Ang sarap naman ng paborito mong pagkain! Isang beses sa isang buwan ako kumakain nito.
ReplyDelete-FOX