Bawat tao, bata o matanda, babae o lalaki, ay may kanya-kanyang hilig sa pagkain. Mayroon tayong kinagugustuhang lasa at mayroon din namang kinaaayawan. Hindi ko maitatanggi ang pagkahilig ko sa pagkain dahil, maniwala ka man o sa hindi, likas na sa akin ang pagiging matakaw. Sa labimpitong taong pamumuhay ko sa mundong ito, nakatikim at nakakain na ako ng iba’t ibang klase ng pagkain, mapa-lutong Pilipino man o banyaga.
Napakarami kong gustong pagkain dahilang hindi ko na ito maisa-isa pa. Ngunit sa dami nito, hinding hindi ko makakalimutan ang pagkaing pinakaumayon sa aking panlasa, walang iba at walang katulad – ang Pork Barbecue Ribs. Nakilala ko ito dahil sa pinakamatalik kong kaibigan na taga-Estados Unidos. Nang siya ay bumisita dito sa Pilipinas, tinreat niya ako sa isang restawran at ipinatikim ito, isa rin sa kanyang mga paboritong pagkain. Sa kagutom-gutom na itsura at mabangong amoy pa lang ay mukha nang masarap, ano pa kaya kapag natikman ko na? Napatigil ako sandali at walang ibang nasabi kung hindi “Ang sarap!”. Ang Pork Barbecue Ribs ay isang kilalang American cuisine at isa ito sa pagkaing paborito ng mga bansang nagluluto nito. Gawa ito sa pork ribs at espesyal na barbecue sauce. Kahit mataas ito sa saturated fat at kolesterol, ito’y mainam din na source ng protina at selenium. Sa pagtikim pa lang, malalasahan mo na sa iyong bibig ang pinaghalong tamis at anghang na nakabalot sa karne, at lalo pa itong sasarap kapag sinamahan ng french fried potatoes at malamig na juice.
Iba talaga ang pakiramdam sa tuwing iyong kakainin ang paborito mong pagkain lalo na para sa akin. Bukod sa binubusog ako nito, natatanggal din pati ang pagod ko. Kumbaga, para akong nasa Cloud 9! Kaya hindi ako pumipili ng oras sa pagkain nito, mapaumaga man, mapatanghali o mapagabi.
- Raizele Gomez
:-)
Ako'y sumasang-ayon, Raizele. Masarap nga talaga ang iyong matalik na kaibigan na taga-Estados Unidos! :-bd Amoy pa lamang, bubusugin ka na! HAHAHA! =))
ReplyDelete♥Kate
tama :)) amoy pa lang busog na kgad :))
ReplyDeletesya nga naman tignan muh palang masarap na tignan panalo pa lasa nyan... samahan pa ng iced tea boooomm!!!! perfect
ReplyDeletetingin pa lang busog ka na, panu pa kaya kung tinikman mo na. :P
ReplyDeletenakakagutom naman kahit di ko pa natitikman ay nalalasahan ko na ang sarap nito sa larawan at iyong binigay na paliwanag.
ReplyDelete-NARAJA-
Sa larawan pa lang maaakit ka na sa linamnam ng Pork Barbecue Ribs. Paano pa kaya kung ito'y iyong tinikman?
ReplyDeleteTalaga namang sa itsura pa lamang ay mabubusog ka na. XD Napakalaking tukso nito para sa mga highblood. Mahihirapan silang magpigil lalo na kung ito ang nakahain sa kanilang harapan. XD Nakakawili ang iyong blog. ;]
ReplyDeleteThat looks sensational! It truly does make you feel full after several hours of eating... Can't wait for spring to do some serious rib-grilling outdoors! Awesome article[: Makes me wanna go to T.G.I. Friday's or Claim Jumper right now and binge eat on pork bbq ribs
ReplyDeletehindi pa ko nakakain niyan, sa iyong mga sinabi parang gusto ko tuloy makatikim niyan! nakakatakam! :D
ReplyDeletewaw. yan pala ang paborito mong pagkain. akala ko pa naman tuna pesto dahil yun ang laging kinakain mo. :)
ReplyDeleteMukang masarap ang Pork Barbecue Ribs, sa unang tingin mo nakakabusog na.
ReplyDeletewow! yummers!
ReplyDeletevery nice blog!
ReplyDelete