Saturday, November 20, 2010

Sinigang sa agahan, tanghalian at hapunan





Sa isang minuto, isipin mo ang iyong paboritong pagkain. Isipin mo na nasa harap mo ito. Malamang ngayon ay nagugutom ka na, maaari ring ikaw ay natatakam, nangangasim o naglalaway na.  Ngunit maaari naman  na nahirapan ka rin mag-isip kung ano ang iyong paborito sa lahat ng pagkaing gusto mo dahil sa dami dami ng gusto mong pagkain, ay hindi ka makapili ng isa, na siyang matatawag mong “paboritong pagkain”. Bagamat iba’t iba ang ating kagustuhan sa pagkain, magkakasundo tayo sa aking sasabihin na ang pagkain ng favorite food o paboritong pagkain ay may magandang dulot sa bawat isa satin. Ito ay nagtatanggal ng stress, nagtatanggal ng antok, nagsisilbing pampagana sa ating mga katawan, at higit sa lahat, ito ay nagdudulot ng kasiyahan.


Kinailangan kong isa-isahin at ilista bawat isa ang mga gusto kong pagkain bago ako nakapili ng siyang paborito ko sa lahat  -  ang sinigang na baboy. Bagamat nakalakihan ko ang pagkain ng Korean food ay mas nagustuhan ko ang sinigang  na pagkaing Pinoy. Ang nagustuhan ko sa sinigang ay ang maasim na sabaw nito, ito ay matipid, ito ay madaling lutuin, at ito ay naaayon sa panlasang Pilipino dahil sa  ito ay ginagamitan ng  sampalok, kalamansi, at kamatis. Itong mga ito rin ang siyang nagpapaasim sa sinigang. Ang iba pang sangkap nito ay  bawang, bagoong isda, katamtamang  gabi, sitaw, labanos, dahon ng kangkong at siling pari.  Ang sinigang ay karaniwang  mabibili sa mga karinderya.  Ito ay kadalasang makikita sa hapag-kainan ng mga tahanan, ito rin ay ulam sa mga piyesta, salu-salo, at sa mga handaan. Ang pagkain ng sinigang ay maganda sa katawan sapagkat ang kaasiman nito ay nagbibigay ng Vitamin C sa ating katawan, ito ay pampalakas ng resistensiya laban sa sakit dahil sa marami itong sangkap na gulay at ito ay higit na masustansiya dahil sa kumpletong sangkap nito na nagtataglay ng protina, bitamina at carbohydrates

Talaga namang ang ulam na ito ay hindi lang masarap kundi masustansiya rin sa katawan. Pakiramdam ko, gumagaan ang pakiramdam ko sa bawat higop ko ng sabaw ng sinigang. Kaya naman ito ay talagang paborito ko sa lahat ng mga pagkaing gusto ko. Kahit pa ito ang maging ulam namin sa agahan, tanghalian at hapunan ay tiyak na hindi pa rin ako magsasawa. Sa sobrang sarap nito ay gusto kong ito ay maging “Pambansang Ulam” nating mga Pilipino. Gayunpaman,  lagi akong umaasa na balang araw ay makakapagluto ako ng sarili kong  special sinigang at maipapatakim ko ito sa aking pamilya, mga kaibigan, at sa aming katulong na nagluluto ng sinigang para sa amin.  Malakas ang tama ko sa sinigang dahil wala itong katulad. Mapa-agahan, tanghalian o hapunan man, hinding hindi ko ito tatanggihan. =)



Je-Min P. Choi 


 

18 comments:

  1. Napakasarap talaga at lutong pinoy na maipagmamalaki ang Sinigang. Nakakagutom naman
    -jane

    ReplyDelete
  2. maaari ngang gawin ang sinigang na pambansang ulam dahil popular ito at maraming sangkap na gulay na nakatatakam. lahat ata ng pinoy ay alam ang ulam na ito na maasim at napakamaumami. iniisip mo pa lang ay nangangasim ka na.uhm asim!

    ReplyDelete
  3. wala talagang tatalo sa sinigang :) anumang klaseng sinigang ay tiyak na mabubusog ka pero siyempre sinigang na baboy ang aking paborito sa lahat ng sinigang :) kahit mainit man o malamig ang panahon ay hindi matatanggihan ang sinigang! almusal, tanghalian o hapunan pa ang itagal! :D

    ReplyDelete
  4. Oh My Gosh! grabe! sobrang sang ayon ako. nakaka-addict nga yang sinigang. lalo na kapag napakaasim!! :D

    ReplyDelete
  5. i love sinigang!! swear. :) lalo pg tanghalian tapos sobrang init niya. :) uuhh.. ng ccrave tloy ako, sarap kaya nean lalo pag maasim talaga :)

    ReplyDelete
  6. wah..ol time favorite q rin ang sinigang!! lalo na ung maaasim talaga tska madaming nakalagay na kung anu anu.. gsto ko my hipon din.. namiss ko tuloy sa quezon sa resto na kinakainan nmen dun.. grabe heaven.!:))

    ReplyDelete
  7. nakakatakam namn!sarap ng sinigang lalo na kung maasim tlga!kakagutom :)

    ReplyDelete
  8. Isa rin ito sa paborito kong pagkaing pinoy. Napakamahilig ko sa maasim na pagkain. Sabaw palang swak na swak na. Mas healthy ito kung gagamitan ng kamias kaysa sa powder lamang

    ReplyDelete
  9. wow! ang sarap naman niyan! nababasa ko pa lang, nangangasim na agad ako. At isa pa, tama ka. Masustanya talaga ang sinigang. hmmm. Hindi ko pa nasusubukang maging agahan ito, pero susubukan ko din gawin iyon! :D

    ReplyDelete
  10. Ako man ay fan ng Sinigang. Ang sarap sarap higupin ng sabay niyan lalo na kapag mainit! Nakakaalis ng stress at problema. Dahil sa iyong kinuwento tungkol sa sinigang, naalala ko tuloy ang commercial ng aking crush na si Sam Concepcion. XD Nagugutom naman tuloy ako ngayon. HAHAHA. :)

    ReplyDelete
  11. OMG. Ang gondoo ng iyong panimula. Haha. Tama ka nga ang pagkain ng masarap ay nakakatanggal ng stress lalo na kung tungkol sa pag ibig. haha. Nice one. Ako rin paborito ko rin ang sinigang. Haha. Yun nga lang ito ay nakakataba.

    - Evrissa Santos

    ReplyDelete
  12. waw. nakakatuwa namang isipin na ang isang banyagang katulad mo ay pagkaing pinoy ang hilig.

    ReplyDelete
  13. parang hindi ko naman trip yung sinigang sa umagahan.haha.maasim agad:/ pero masarap toh,big time:)) buti naman at pagkaing pinoy pa din ang mas masarap para sayo<3 :">

    ReplyDelete
  14. ansarap naman nkakagutom je-min :) sa pagbasa palang ay nakakagutom na....

    ReplyDelete
  15. grabe!alam mo bang nadala ako sa iyong mga nasabi tungkol sa sinigang. Ako ay nagugutom at napapalasap sa iyong paglalarawan sa mga sangkap at kung gaano ito kasarap. Mahilig rin ako sa sinigang lalo na kung ito ay Hipon. Ay! talaga namang masarap! (Aigooo..masitneun!!trip magkorean eh) :p

    ReplyDelete
  16. Kahit na anong luto ng Sinigang, tiyak namang kalasaplasap ang sarap! :-bd

    ♥Kate

    ReplyDelete
  17. wow namiss ko tuloy kumain ng sinagang! yummm. hahah

    ReplyDelete
  18. Uhmmm,,, one of my favorites ulam, really like it, it's yummy for all seasons.

    ReplyDelete