Chicken Adobo |
Marahil saan man sulok ng mundo ay may Pilipino. Nagsasakripisyo ng kalungkutan at nagsusumikap sa buhay para lamang matugunan ang pangangailangan ng pamilya na naiwanan dito Pilipinas. Lingid sa kaalaman ng mga naiwan dito, napakahirap mamuhay sa isang bansang banyaga. Iba’t ibang tao ang iyong dapat pakisamahan at bagong kulturang dapat iyong matutunan. Kinakailangan mo ring mag.adjust sa pagkaing iyong nagustuhan at magpaalam panandalian sa panlasang iyong nakalakihan subalit huwag niyo nang pansinin ang lahat ng sinabi ko, dahil ang talagang ikukwento ko ay ang lutong Pinoy na aking paborito.
Likas na sa mga Pilipino ang maging magaling sa larangan ng pagluluto at siyempre ang pagiging malakas kumain. Gayunpaman, hindi ko alam kung bakit, pero mukhang kahit isang ugaling nasabi ay hindi ko nakuha. Pihikan ako sa pagkain, piling-pili lang talaga ang mga pagkaing aking kinakain. Kung kaya’t tuwang-tuwa ang aking ina noong nalaman niyang mayroon akong naging paboritong pagkain. Mayroong isang ulam na lubusan kong nakahiligang kainin at ‘yun ay marahil pamilyar at pinaka-sikat sa lahat ng Pinoy. Ito ay ang Chicken Adobo. Ito ay isang klase ng luto ng adobo na ang primary na luto ay yung manok. Masarap at nag.iisa ang lasa nito. Maalat na medyo maasim ito gawa nung toyo at suka na pinagsama bilang gawing sabaw at may bawang, paminta at dahon ng laurel. Grabe, makakalimutan mo ang iyong pangalan lalo na kung ito ay iyong iteterno sa kanin na sobrang init. Madali lang ito lutuin, basic na basic kumbaga. Maari itong lutuing may sabaw o wala, depende sa iyong panlasa. Masarap rin daw itong gawing pulutan kapag umiinom ng alak base sa aking tito.
Ang lasa ng Chicken Adobo na luto ng aking ina, lolo, ninong at tita ay hindi mapapantayan, dahil para sakin amoy palang nito ay ulam na. Naaalala ko, nung ako’y minsa’y mahimbing na natutulog, ako ay nagising sa masarap na amoy ng Chicken Adobo at dahil doon ay naging maganda ang aking “mood” buong araw. Mababaw ba? Siguro nga, pero ganoon talaga eh. Marahil, masasabi ko na ang adobo ang aking “comfort food” kapag malungkot ako, gustong gusto ko kumain nito lalo naman kapag ako ay pagod na pagod galing eskwelahan. Ang amoy palang nito sa aking pagpasok sa aming bahay hanggang sa unti-unti kong kainin at maubos ay walang kapantay na pakiramdam. Iba eh. Wala nang tatalo pa sa sarap ng Chicken Adobo. Walang duda. 100% Pinoy talaga ako.
-Ma. Kristina O. Javier, 1T1
isa yan sa mga gusto kong ulam. masarap yang adobo masustansiya pa.=)) ipagluto mo kami. haha. =) btw, nice blog kris. :)
ReplyDeletealam mo kris ang adobo ay 100% pinoy food talaga :) an amoy talaga nito ay talagang napakasara di lamang sa sikmura kundi sa pakiramdam :)
ReplyDeleteMmm... Masarap yang adobo. Pinakamasarap na natikman ko eh yung luto ng Tito ko. Grabe. Pag natikman mo yun, lasang adobo. No preservatives added. :))
ReplyDeleteisa din ito sa mga paborito kong ulam na ndi aq magsasawang kainin.. natutu na din akong magluto nito nung gsp pa aq kso nalimutan ko n din..tama ka napakasimple lang tlga ang pagluluto nito..namiss ko tuloy ang luto ng aking ama.. -livieen
ReplyDeleteisa rin yan sa mga paborito kong ulam lalo na pag matamis yung sabaw. madali nga itong iluto.
ReplyDeleteahahay! CHICKEN ADOBO MASARAP talaga! amoy pa lamang ay mapapakain ka na. Alam mo ba na sa lahat ng klase ng Adobo ay natatanging ang manok/ Chicken Adobo ang paborito ko. Kapag ito ay aking kinakain ay wala ni isang sangkap nito ang masasayang. Sarap naman oh! nakakagutom! :)
ReplyDeleteSa blog mong ito siguradong sigurado na talagang paborito mo talaga ang adobo. At sang ayon ako sayo dahil ito ay masarap talaga. ako naman ang gusto ko ung adobo na walang sabaw at saka isasaw-saw ito sa patis at kalamansi.
ReplyDeletetunay namang halos lahat ng Pinoy ay kinahihiligan ang Adobong Manok. Isa na ko doon. Ang ating Takdang Aralin sa Asignaturang ito ay talaga namang nakaka-gutom -Jane
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeletemagaling kriz.. maganda ang napili mong pagkain, nagugutom tuloy aq. maraming klase ng luto ng adobo, yung iba ay matamis pa ang timpla, ngunit ms gus2 q ung hndi matamis. =) magandang gawa. - R.A. (maganda ako!.. po!)
ReplyDeleteWOW. ANSARAP! Gusto ko rin ng adobo! :) Good job, kriz! :) Nagugutom na talaga ako@-)
ReplyDelete-Alyza Dumlao
Gusto ko din nito, Kriz! :""""> Adobong manok o baboy, basta ADOBO, nagugutom ako! =))
ReplyDelete♥Kate
Paboritong lutuin ng lola ko ang Adobo. Ito'y napakasarap nga naman talaga.
ReplyDelete-FOX