Kasalukuyan ko lamang natuklas na paborito ko pala ang sisig. Nagsimula ito nung ako’y walang mahanap na makainan at napansin ko matagal na akong di nakakakain ng sisig. At ako’y nabighani sa sarap nito. Ngunit kailangan ko iwasan ang pagkain nito palagi sapagkat hindi rin maganda ang maidudulot nun sa aking kalusugan. Ito ang kakaibang katangian ng Sisig. Dahil kahit dapat ay paminsan minsan itong kainin, sa sandaling kainin mo ito pagkatapos ng kaytagal na panahon, kakaiba pa rin ang sarap at saya na naidudulot nito.
Ang sisig ay madaling matagpuan dito sa Pilipinas. Mula sa pinakasimpleng karinderya, hanggang sa pinaka sosyal na mga restaurant at mga ihawan. Isa sa pinakasikat na naghahain nito ay ang Geri's Grill kung saan ko pinakaunang natikman ang tunay na Sisig.
Dahil sa ito ay napakamalasa, masarap ito iulam sa kanin. Hindi ito masyadong mahirap gawin ngunit hindi din gaano kasimple sapagkat may mga kasangkapan na di natin laging ginagamit. Ito ay gawa sa tinadtad na mga bahagi ng baboy. Tapos nilalagay sa mainit na mainit sa pinggan kasama ang sili, atay, sibuyas, tapos tinitimplahan ng calamansi at suka. Hindi lamang baboy ang pwede gamitin sa potahe na ito. Maaari din gumamit ng manok, chorizo, bangus, o tofu. Masarap ito iulam sa kanin, at uminom ng malamig na palamig, beer o iced tea. Alin mang paborito mong panulak.
Dahil sa ito ay napakamalasa, masarap ito iulam sa kanin. Hindi ito masyadong mahirap gawin ngunit hindi din gaano kasimple sapagkat may mga kasangkapan na di natin laging ginagamit. Ito ay gawa sa tinadtad na mga bahagi ng baboy. Tapos nilalagay sa mainit na mainit sa pinggan kasama ang sili, atay, sibuyas, tapos tinitimplahan ng calamansi at suka. Hindi lamang baboy ang pwede gamitin sa potahe na ito. Maaari din gumamit ng manok, chorizo, bangus, o tofu. Masarap ito iulam sa kanin, at uminom ng malamig na palamig, beer o iced tea. Alin mang paborito mong panulak.
Napakasarap man ng potahe na ito, lalo pa ito sasarap kapag pinagsaluhan ng isang barkada o isang pamilya. Ano pang hinihintay mo? Kung matagal ka nang di kumakain nito, o hindi mo pa natitikman, pumunta ka na sa pinakamalapit na ihawan! Ngunit hinay hinay lang…J
By: Marion Coleen Dimabayao
By: Marion Coleen Dimabayao
Wow. I miss eating sisig :D
ReplyDeletetsk. masarap nga talaga ito. lalo na kapag mayroong itlog sa ibabaw at pinigaan pa ng kalamasi. xD
ReplyDeletemaari mo rin banggitin ang ilang suhestyon kung saan kainan inihahain ang sisig, o kung san mo ito natikman.
ReplyDeleteNag-crave tuloy ako, LOL! Sisig FOREVER!
ReplyDeleteperfectly said. i love Sisig. it's yummy for me tummy! :)
ReplyDeleteA well said description for a sisig. :D It made me crave for a sisig.
ReplyDeleteIto ang aking all-time favorite. Tuwing lalabas kame ng barkada or pamilya, hindi nawawala ang sisig sa aming order.
ReplyDeletehmm. ang sarap naman. nakakagutom talaga :)) Tunay na masarap nga iyang sisig ngunit sang-ayon ako sa sinabe mo na hindi ito magnda sa kalugugan kaya Marion, hinay hinay lng tayo ha :) :)) Btw, nice work! =)
ReplyDeleteuuhh. ang sorop kaya ng sisig ;)
ReplyDeletelalo pag maanghang :)) gusto ko din yan promise ;)
me too! paborito ko rin ang sisig.. lalo na sa Reyes Barbecue and syempre, pag lutong-bahay..
ReplyDeletetrue, mas masarap talaga pag paminsan-minsan kumakain ng sisig. mas masarap pag namimiss.. :)
Hi, Marion! Hindi ko man paboritong pagkain ang Sisig, hindi ko maitatanggi na masarap nga itong kainin lalo na kapag maraming kanin at toyo! Tulad ng sinabi mo, masarap itong pagsaluhan ng barkada at ng buong pamilya. Kakaiba ang lasa nito at Pinoy na Pinoy talaga. :)
ReplyDeletemahal na mahal ko rin ang sisig kahit hindi nga ito ganun kaganda kainin ng madalas gaya ng iyong sinabi pero alam mo naman.. mionsan ang bawal, yun pa ang masam :D yummy!
ReplyDeletethe best toh.kahit kailan hindi ako magsasawa sa sisig:)))
ReplyDeleteUy, Partner! :> Libre mo ko ng Sisig sa Ate Eva's. Eto lagi mong inoorder, e. Naalala ko lang! HAHAHA! Masarap nga ito. Pero antagal na ng huli akong kumain! TREEEEAT MEEEE PUHLEEEESE?! :D
ReplyDelete♥Kate