Madami na ang mga pagkaing natikman ko ngunit isa lamang ang tumatak sa aking panlasa at ito'y walang iba kung hindi ang Lechon. Alam kong maraming sasang-ayon sa akin na isa sa kanilang mga itunuturing na paboritong putahe ang Lechon. Ito ang kinikilalang pambansang ulam ng bansa. Sinumang Pilipino saan mang dako o panig ng bansa ang iyong tanungin ay tiyak na tiyak na kilala ito. Kaakibat na ang Lechon sa tuwing mapag-uusapan ang bansang Pilipinas sapagkat ito'y tunay na tatak Pinoy. Sa aking pagsasaliksik, maraming dayuhan ang dumadayo pa sa ating bansa upang matikman lamang ito. Totoo nga namang hindi ka magsisisi. Balat pa lamang, ulam na! Kaya't hindi nakapagtataka kung bakit hilig ito ng nakararami.
Ang Lechon ay madalas na nakahain sa mesa kapag mayroong mga pagdiriwang, salu-salo, mga okasyon tulad ng kaarawan, binyag, kasal at lalong lalo na sa mga pista. Simbolo ito ng kasaganaan dahil ito ay karaniwang nakikita sa hapag at handaan ng mga Pilipinong nakaririwasa ang pamilya. Paano ba ito niluluto? Ang baboy ay itinutuhog sa isang kawayan at iniihaw sa uling hanggang ang balat ay maging mapula at malutong at ang karne ay lumambot. Ang sarap ng Lechon ay hindi makukumpleto kung wala ang sarsa nito. Ang sarsang ginagamit na pangsawsaw ay gawa sa inihaw na atay na dinikdik ng pinung-pino at pinakuluan ng may kasamang paminta at asukal upang makapagbigay ng hustong linamnam na ayon sa panlasa ng Pilipino. Ngunit sa kabilang banda, ang Lechon ay may kamahalan sa presyo. Kung kaya't kalimitan lamang natin itong kinakain. Sa kasalukuyan, ang halaga ng Lechon ay umaabot mula isang libong piso hanggang limang-libong piso. Karaniwang itong mabibili sa La Loma sa Lungsod Quezon na siyang itinuturing bilang Lechon Capital ng Pilipinas. Ito ay kadahilanang ang lugar na ito ay napapaligiran ng tabi-tabing establisamiyento na nagbebenta ng Lechon na dinadayo ng mga dayuhan pati na rin ng mga taga-Maynila lalo na sa mga kalye ng Calavite at Amoranto. Sa kasalukuyan ay marami na ring pamosong tindahan ng Lechon sa Maynila tulad ng Mila's Lechon, Lydia's Lechon, Ping-Ping's Lechon at iba pa.
Ibang saya talaga ang dulot sa akin sa tuwing ako'y nakakatikim ng Lechon. Minsan lang ako makatikim nito kaya't kadalasa'y hinahanap hanap ko ang lasa nito. Mabuti na din ang paminsanang pagkain nito sapagkat ito'y nagdudulot ng cholesterol at iba pang fatty deposits sa ating katawan na makapagdudulot ng iba't-ibang sakit sa atin. Hindi talaga maitatangging napakalinamnam ng Lechon ngunit nangangailangan din ng disiplina at kontrol sa pagkain nito.
-Katherine Anne M. Macabanti, 1T1
Napaka sarap nga naman tlga ng lechon lalu na kung isasawsaw mo ito sa sarsa. hinding hindi tlga ito nawawala sa mesa kpag may mga pagdiriwang o salo salo na nagaganap..
ReplyDelete--angelo.
Isa ito sa pinaka paborito kong putahee. Pag nakakita ako nito sa isnag handaan, hindi ko mapigilan ang sarili ko na kumuha ng alam kong sasapat sa akin :> Masarap ito lalo na pag may sawsawan ;)
ReplyDeletemommy kate talaga namang hahanap hanain ang letson dahil sa malutong nitong balat at nakakatakam na panglasa :)hinding hindi nga ito nawawala sa mga espesyal na okasyon kaya naman tatak pinoy ang letson :)
ReplyDeleteAng Lechon ay isa sa mga handang inaabangan ko tuwing may mga okasyon o simpleng pagsasalo-salo. Parang hindi nagiging kompleto ang handaan kapag walang nakahain na Lechon sa hapag. :)) Maganda ang pagkakalahad ng iba't ibang katangian ng Lechon at kung saan ito madalas makita. =)
ReplyDelete-Tolentino, Charmaine B. BS Information Systems. :)
I love it! Gimme some! :)
ReplyDeletetama ka. balat pa lng ng lechon, ulam na. bongga. saktong sakto ang mga sinabi mo tungkol sa lechon. nice work btw.
ReplyDeletebenta to sa lahat ng pinoy twing may okasyon.unahan na yan sa balat:))
ReplyDeletegrabe!sinabi mo pa. napakasarap nito. dadamim talaga ang sasang ayon sa iyo. napakasarap nito lalo na kapag pinagsaluhan.:D
ReplyDeleteHindi ka pinoy kapag hindi ka nakakain ng lechon! 'yan ang tatak Pinoy! :))
ReplyDeleteAye grabe, mahilig rin ako sa Lechon. Wala nang tatalo pa rito lalo na kapag napakalutong ng balat. Hindi ito nawawala tuwing may malaking salu-salo o piyesta sa mga kabayanan. Tama rin ang iyong sinabi na ito ay tatak pinoy. Wala nang mas sasarap pa sa Lechon ng Pinoy! XD :)
ReplyDeleteHayy. amoy pa lang ng lechon. Ayos na ayos na! :) Sadyang napakasarap talaga. Pinoy na pinoy ang lasa! -Rabbi.
ReplyDeleteNapaka mahal naman pala ng paborito mong ulam! hahaha. Masarap na masarap iyan lalo na kung galing pang Cebu.
ReplyDelete-FOX
Napakasarap nga naman ng Lechon at pwedeng pwede ito sa lahat ng okasyon.
ReplyDeleteVica <3