ADOBOL TROBOL
Marahil ay sa tuwing ikaw ay nasa labas ay kahit saan ka man tumingin ay may restawran, kainan o karinderya kang makikita. Ang mga Pilipino ay kilala na napakahilig kumain, pasta, tinapay o kanin man. Masasabing ang buhay ng tao ay umiikot sa pagkain maliban sa trabaho at pag-aaral dahil napakasarap nga namang kumain hindi ba? Napakaraming masarap na lutong Pinoy at sa dinami-rami ng mga iyon, masasabi kong ang Adobong Manok ang nagpalambot lalo ng aking puso.
Simula noong ako’y nasa elementarya pa lamang ay napamahal na ako sa Adobong Manok lalo na kung ito ay luto ng aking lola. Napapatalon ako parati sa tuwa tuwing nalalaman kong Adobong Manok ang hinandang pagkain ng aking lola. Ngayon, mapapansin nating napakaraming klase ng luto ng adobo ang nagsulputan tulad ng Adobong baboy, adobong matanda, adobong tuyo at adobong pusit. Pero ano nga ba ang kakaibang lasa na dala nito sa panlasa ng tao? Maliban sa manok ay meron itong bawang, sibuyas kung iyong nais, pamintang durog, dahon ng laurel, suka at toyo na nakapagdadala ng ibang lasa nito. Naghahalo ang lasa ng alat at asim ng pinagsamang toyo at suka. Lalo pa itong sasarap kung masarsa ang gagawing Adobong Manok. Sarsang nanunuot sa sarap ika nga nila. Masarap itong iterno sa mainit na kanin o kahit sa malamig na malamig na softdrinks na iyong nais. Kadalasan ay ginagawa din itong pulutan sa tuwing magiinuman ang mga magkakaibigan, magka-ibigan, magkakapamilya, atbp. Napakaraming beses nga naman itong maaaring ihanda at pagsaluhan ng isa’t isa.
Kahit sino, saan, o kailan mo man naising magluto at ihanda ang Adobong Manok ay siguradong magiging patok ito mapabata, matanda at pati nadin ang mga banyaga. Isa itong putaheng Pinoy na siguradong hahanap hanapin saan mang sulok ng mundo dahil sa nanunuot nitong sarap. Kaya’t ano pa ang iyong hinihintay? Tara, kaon!
- Jean Therese P. Calderon, 1T1
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteang adobo ay isang tunay na pagkaing pilipino na magpapasarap sa bawat pagkain ng pilipino.
ReplyDeleteHndi nakakapagtaka na isa siya sa pinaka kilalang pagkain sa Pilipinas! Ang lasa nya kasi ay talagang kakaiba, Pinoy na Pinoy, at napaka sarap pa
ReplyDeleteNakabibighani naman ang pagkaing ito.
ReplyDeleteHindi tayo tinawag na "Adobo Republic" basta basta lamang. Napaisip nga ako kung paano, sa dami dami ng pagkain, Adobo ang naging paboritong ulam ng mga Pinoy. May alat, asim at tamis sa iisang putahe! Pwedeng timpla-timplahin depende sa nais na lasa, ngunit ang lalong nag papasarap pa nito ay ang pagluto ng isang mahal sa buhay, kadalasan nga ang ating lola. Para sa mga Pinoy pag ang lola ang nagluluto parang hindi lang toyo at suka ang nanunuot, parang pati ang pagmamahal nila. Sa putaheng ito, nadadama ng isang Pinoy ang pagiging isang Pinoy - mayaman ang panlasa, samu't saring katangian na nagpapaganda sa kanya, loob man o labas at busog na busog sa pag-ibig ng pamilya :)
ReplyDeleteSa tingin ko ang bawat lutuing Pilipino ay may lasang nanunuot sa pandama nang bawat kumakain. Sapagkat kahit ako din ay nawiwili sa sinampalukan ng lola ko. Lalo na kung native na manok ang gagamitin at purong sampalok. Tulad nang pagkawili mo jean sa adobong manok, ang hinahanap-hanap naman nang aking pang-namnam ay sinampalukang manok sapagkat para sa akin ang spices na ginagamit at ang kakaibang kagat ng karne at asim ng sabaw ay lubusang katakam-takam
ReplyDelete-Venus Ara Francisco
Shem, ang tandem ng adobo at umaasong kanin... Nakakagutom! Grabe ang kakaibang hatak ng adobo, noh? Pati mga foreigners napapa-"Adobong Manuck". :)) Worldwide hit na siya!
ReplyDeleteOo nga, tama ka. Baka nasa dami ng pampalasa ang sikreto. O nasa sariwang manok/baboy/atbp.
wow! nang mabasa ko ito, hindi pa ako nakakakain ng hapunan... ako ay lubusang nagutom dahil dito...
ReplyDeleteat dahil dyan, kakain na ako...
-RieL
Kung meron mang maipagmamalaki ang mga Pilipino. Marahil ang adobo ang isa sa mga ito. Hindi lang dahil sa natatanging lasa nito. Kaakibat na din nito ang natatanging kultura nating mga Pilino.
ReplyDeleteNakakatuwa naman! Ito ay ang aking pinaka-paboritong pagkain. Ang sarap nga ng sabaw nito at tama ka, mas lalo pa itong sasarap kung gagawing masarsa. Natutuwa ako sapagkat pinoy na pinoy ang lasa nito. Masarap, malasa at malinamnam. Grabe. Marami akong nakakain tuwing ito ang ulam namin. :)
ReplyDeletewow! gusto ko rin ang adobong manok! nakakagutom talaga.isa rin ito sa mga paborito kong kinakaen, iba talaga ang lasa ng adobo, napakasarap! :)
ReplyDelete-lau leonardo
Pinakapaboritong pagkaing-Pinoy ng karamihan. Isa din sa mga paborito ko! :> Nakakagutom naman. Ansarap talaga nito! :-bd
ReplyDelete♥Kate
Isa rin sa mga paborito kong pagkaing pinoy ang adobo. Ang niluluto ng aking nanay ay tuyong adobo! Nakakatuwa. Kulang sa toyo pero masarap pa rin. Tara at kumain tayo ng adobo! :)
ReplyDeletepaborito ko din to! kahit na ito ang karadalasan na lutong pinoy! masarap pa din naman talaga ang adobo!
ReplyDeleteAna Lituanas