Sa panahon ngayon, hindi lamang sa pagkaing sariling atin naka sentro ang atensiyon ng mga Pilipino dahil na lamang ito sa epekto ng globalisasyon sa ating bansa at sa buong mundo. Ang mga pagkain sa ibang bansa ay nadadala na sa Pilipinas at kahit saan pa. Gaya ng pagkain na galing sa Hapon, Tsina, Italya, Alemanya, Amerika at iba pa. Hindi natin maiiwasan na tangkilikin din natin ang mga putaheng espesyal galing sa ibang bansa dahil ito ay talagang masasarap at alam natin na tayong mga Pilipino ay mahilig sa imported. At gayun din ang mga ibang lahi sa atin. Gaya ng mga kilala akong Indiyano na gustong gusto ang pancit at puto kapag sila ay dumadalo sa mga pagtitipon ng mga Pilipino.
Kabsa ang pagkaing nakahuli ng aking panglasa. Ito ay ang sikat at tradisyonal na pagkain sa Gitnang Silangan o Saudi Arabia. Masarap ito kapag naka kustara at tinidor ka subalit wala ng mas sasarap pa kung nakakamay ka at samahan mo pa ng inumin na pagka lamig lamig. Ito ay kadalasang ginagawang tanghalian ng mga Arabo ngunit tayo ay Pilipino at alam natin na umaga man, tanghali o gabi madalas tayo ay kumakain ng kanin kaya saktong sakto ito dahil bukod sa ito ay pwedeng kainin kahit walang ulam kapag bumili ka ng kabsa may kasama ng inihaw na manok. Ang kabsa ay may mga sangkap na manok, sibuyas, kamatis, mga pampalasa o spices, kanin, mantika at tubig.
Maliban sa ito ay pagkaing galing sa Gitnang Silangan, ang lasa nito ay kakaiba na kapag natikman mo ay maaaring makalimutan mo ang iyong pangalan at tumigil pansamantala ang mundo mo. Kahit ang mga kilala kong mga Pilipino at banyaga ay gustong gusto ang Kabsa dahil din sa ito ay hindi pangkaraniwan dahil ito ay doon lamang sa Gitnang Silangan nabibili. Gayunpaman, natutuwa ako na pinagawa kami ng ganitong sanaysay at ako ay nagbalik tanaw sa isa sa mga paborito kong pagkain sa Gitnang Silangan.
- Charisse Anne Z. Sumbillo
Wow! Kabsa! Ang sarap naman niyan, nakakamiss yung pagkain sa Riyadh! :D At oo tama ka talaga Cha! Nakakapagpatigil ng mundo yung kabsa pag kinakain, sarap kasi eh! :D By the way, natuwa ako sa blog mo!
ReplyDeleteAking kaibigan. Napakaganda naman talaga ng naisulat mo. Kuhang kuha mo ang timpla ng naiisip ko. Sa pagsasalaysay mo ng mga magandang katangian nito ay talaga namang natatakam ako't naalala ko ang mga panahong madalas yang nasa hapag kainan ng aking pamilya. Kung hindi ko pa natitikman ang pagkaing yan ay siguradong dadayuhin ko ang Gitnang Silangan kahit pa'y makalimutan ko na ang pangalan ko at ng aking mga kakilala matikman ko lang yan. Tunay naman talagang kaakit akit ang lasa niyan. Sana'y matikman yan ng mga hindi pa nakakasubok. Hindi kumpleto ang buhay ng isang galing Gitnang Silangan kung hindi ito natikman :)
ReplyDeleteTunay ngang masarap ang kabsa at maaring totoo nga ang sinabi mong makakalimutan ang aking pangalan sa sarap nito subali't ikaw ay di ko makakalimutan bilang kaibigan..... Ang kabsa ay pamoso sa Gitnang Silangan at hindi nakakahiyang ipaalam sa iba na ito ay subukan at tikman ito upang malaman ang tunay mong sinasabi.
ReplyDeleteaww! I miss kabsa. How I wish I could go back there and eat that! Buong details ng work mo in here was really perfect. And tama din na mas-SASARAP ang kabsa pagnaka-kamay.Lalo na pag hindi naghugas ng kamay.joke! Nice work cha.
ReplyDeletevery well said Cha. buti na nga lang nakapunta ko sa Riyadh kahet isang taon lang at natikman ko yun. at oo tama ka. sobrang sarap talaga ng kabsa. lalo na pag madaming kamatis tska naka-kamay. montik ko na nga makalimutan pangalan ko e. siyempre biro lang. :)) sana nga magkaron din ng ganyan dito sa Pilipinas. para masaya. :D isa nga yan sa dahilan kung baket ko gustong bumalik sa Riyadh e. nakakamiss kase e. sobra. db? :D ;) nice blog.
ReplyDeleteMahilig lang ang pinoy kumain, ganun kasimple. =)) Mahilig tayo magexplore at kumilala ng iba't ibang putahe: mapabanyaga or sariling atin.
ReplyDeleteAng kabsa sa isa sa power-foods ko. tipong hindi ka magsasawa at hahanap hanapin mo ang lasa niya kapag ka nawalay ka dito.
Kahit yung kanin lang kainin mo. yung mismong kabsa masarap na. paano pa kaya kung isama mo yung grilled or steamed chicken. yummm ....
Iba ang kabsa na meron sa Maynila. Ewan ko ba... Baka may factor din kung arabo gumawa HAHAHAHA
Nakakatawa itong blog mo Cha.. :)) Tama ka ng sinabi mong "tumigil pansamantala ang mundo mo.. "Pero literally, kahit may problema ka o busy ka, pag kumain ka ng kabsa, mawawala talaga ang pagod o mga iniisip mo. Bilang isang batang lumaki sa Riyadh, ang Kabsa ang pinaka-mamimiss ko pag umuwi ako sa Pilipinas. Para itong "LOVE"... its taste and the feeling you feel when eating it is unexplainable. Hahaha. Parang gusto ko tuloy kumain ng kabsa ngayon. Your blog is very well said at siguradong maaanyayang kumain ng kabsa ang mga makakabasa nito.
ReplyDeleteKabsa!!Nakakamiss talaga.Tama ka.Kakaiba talaga ang lasa ng Kabsa.Ang saaraap.Lalo na pag kinakamay.yummy!Hahaha.Awww.Gusto ko na tuloy umuwi ng Riyadh.:( Nakakamiss talaga!!:D Nice blog Cha.:D
ReplyDeleteparang gusto ko matikman yan cha! :) dahil may manok! :D first time ko narinig yang kabsa at sana matikamn ko din yan soon ok ba yun cha? may food lab na naman tayo na class eh. kaya mo ng magluto niyan :D at tama ka cha, na sa pagkain wala naman yun kung magkakamay ka o hindi. basta ang importante ay nalasap mo mabuti ang sarap ng iyong paboritong pagkain ;) nice job cha! napukaw mo atensyon ko sa blog mo na ito:)
ReplyDeletewaw. mukhang masarap nga yang Kabsa.
ReplyDeleteBilang isang Pilipino na lumaki sa Gitnang Silangan marami akong naging paboritong pagkain doon. Kabilang na rito ang Kabsa. Ngayon na nasa Pilipinas na ako upang mag-aral ng Kolehiyo isa parin ang Kabsa sa binabalik-balikan ko Saudi Arabia. Napakapalad ko at binigyan ako ng Diyos ng pagkakataon na matikman ang pambansang putahe ng Gitnang Silangan. Natatandaan ko na noong ako ay magbakasyon sa Saudi noong Oct 2010 ang una't huli kong kinain ay Kabsa. Pagkarating ko palang ay iyon na ang aming naging dinner at bago ako bumalik ng Pilipinas iyon din ang hiniling ko sa aking mga magulang. Nasabi ko pa nga na "AYOKO NA BUMALIK NG PILIPINAS!!:D" Masarap ito at iba pa ang paraan ng pagkain nito. Napaisip pa nga ako na "Paano kaya kung merong kabsa sa Pilipinas?" Sigurado ako papatok ito at yayaman ang magnenegosyo nito.
ReplyDeleteJust want to tell my friend/TRIO cha na tnx for this blog coz now I realize na malaki talaga ang impact ng Kabsa sa akin and now natatakam nanaman ako sa KABSA.!!
Tama ka at talagang hindi natin maiwasan na tangkilikin ang pagkain mula sa ibang parte ng mundo. Kabsa. Ngayon ko lang ito nalaman, subalit dahil sa iyong pagkakalarawan dito ay para bang sakto sa panlasa nating mga Pinoy. Mahilig ako sa manok, kung kaya't mas lalo akong nahiwagaan sa lasa nito. Maraming salamat sa pagbabahagi mo dito. Epektibo at nakakawili. :)
ReplyDeleteGusto ko matikman 'to! Para maiba naman. Hindi pa ako nakakatikim ng kahit na anong pagkain galing sa Saudi. Sana matikman ko! :>
ReplyDelete♥Kate