Ano ang paborito mong pagkain? Nang mabanggit ito ng aking propesor sa Filipino na Si Sir Ringgo Reyes, namomblema ako kung paano sasagutin ang tanong. Dahil sa isang taong tulad ko, hindi ko maiwasang hindi gustuhin ang mga iba’t ibang pagkaing masasarap na aking natitikman. Marami talaga akong paboritong pagkain. Ngunit bakit ko nga ba napili ang pagkaing ito?
Tacos, ano nga bang espesyal dito? Ang Tacos ay isang Mexican food, binubuo ito ng Taco shell, kamatis, giniling, litsugas, keso at ketchup. Kakaiba ang lasa nito dahil halo-halo ang pagka-anghang, tamis, alat at lutong ng Taco shell. Masaya maghanda ng ganitong pagkain dahil para sa akin, sa pamamagitan nito nasusunod ko ang sarili kong gusto kung paano ko nais maglasa ang aking pagkain depende sa aking pakiramdam. Minsan ay gusto kong maraming giniling kaysa sa ibang mga ingredients. Dumadating din sa panahon na nais kong magpaka-vegetarian kaya't mas maraming litsugas ang aking nilalagay. Mahirap man kainin ito dahil kailangan pang itagilid ang ulo para lang hindi malaglag ang mga nakalagay dito pero para sa akin ito ang nagengganyo sa akin para kumain tila ito may thrill.
Nangyari ito noong ika-5 ng Pebrero taong 2008. Ito ang kaarawan ng isa naming kabarkada, Si Jennica Alberto. Ang buong barkada ay present sa araw na iyon. Ang kanyang handa ay tipikal, ngunit ang nakaakit sa aking panlasa ay ang Tacos. Mahilig akong kumain nito noon pa man kung kaya't nang dumating ang pagkakataon na iyon ay hindi ko na pinalampas. Gaya ng nabanggit ko kanina, may espesyal sa pagkaing ito kaya’t naging angat ito sa iba ko pang paboritong pagkain. Iyon ay dahil sa aking partner sa pagkain ng Tacos, si Erica Sico, isa siya sa aming barkada. Nung una ay sinabi ko sa sarili ko na isa lang ang kakainin ko dahil nabusog na ako sa pang-tanghaliang ipinakain rin sa amin. Ngunit habang ang mga kaibigan namin ay nagkakantahan at nag-iingay, kaming dalawa ay, masayang kumakain sa aming unang kuha ng Tacos. Sa sobrang sarap at dami ng kwentuhan ganoon din ang sarap at dami ng pagkain namin ng Tacos. Tipong sa bawat kuha namin ay sinasabihan ako nito na "Uy, kumain ka pa, marami pa ako" at totoo naman, dahil ang Tacos na nakahanda ay tila unlimited kung kaya't naka-ilang ulit ako at ang aking kaibigan sa pagkain. Sa bawat unang kagat ko sa Tacos ay sabay kaming napapangiti. At para sa akin, ang pakiramdaman ay HEAVEN! Walang espesyal sa ingredients na nandoon, pero masasasabi ko na iyon ang pinakamasarap na Tacos na natikman ko, dahil kasama ko ang aking mga ESPESYAL NA KAIBIGAN. Ang secret ingredient nito ay sila. Hindi sasarap at magiging angat ang Tacos na iyon kung wala ang sarap ng kwentuhan, tawanan at asaran ng barkada kasama ang pagkain ng Tacos.
hindi man tacos ang aking paborito. naapreciate ko ang sarap na hatid nito. :) hindi ko nga hilig ang keso, na syang isa sa pangunahing sangkap nito,ngunit kahit walang keso ay masarap ito. maari nating subukan ang iba't ibang klase ng palaman sa tacos!:)
ReplyDeleteMasarap rin itong pagkain na ito, kahit mahal, sulit na sulit ang pera mo sa pagkain nito.:D
ReplyDeleteMahusay ang iyong pagkakalahad :)-megan
ang sarap nitong taco eh.. favorite ko yan! ayy mali nachos pala yun hahaha! masarap tong kainin lalo na kung kasama ang iyong taong mahal.. ano daw? hahaha! hi sir ringgo :))
ReplyDeletedahil sa blog mong ito ay kakaen na ko ng tacos di a ko nakakaen nito eh :D salamat at natakam mo ako sa iyong inilahad faye :)
ReplyDeleteAko si jennica alberto isa sa mga nabanggit, ako'y hindi mahilig sa tacos pero napilitan lang akong maghanda nito para sa aking kaarawan. :))
ReplyDeleteWOOOOOOOOW! Tacos! Mexican Food pero paborito ko talaga 'to! :"> Lalo na sa Taco Bell at may kasamang beef and cheesy dip! Nakakagutom, Fhayeee! =))
ReplyDelete♥Kate
Kahit kailan ay hindi ko pa natitikman ang tacos. XD Maraming salamat sa iyong sinulat at nagkaroon ako ng ideya kung ano ang lasa at sarap ng tacos! :)
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteisang mahusay na pagkakasulat fhaye :) gusto ko din ng tacos. -Pam 1t1
ReplyDeletenapaksarap nga ng tacos fhaye lalo na kung madami ung mga nakalagay dito nakakagutom ang iyong blog kaya masasaabing napakagaling nito
ReplyDelete-NARAJA-