Ang mga Pinoy ay mahilig kumain. Kahit saan ka man tumungo sa Pilipinas ay hindi mawawalan ng karinderya o restawran. Masarap kumain kapag gutom ka, lalo na kapag ito ay libre at mas lalo pa kapag ito ang paborito mong pagkain. Kahit ako man ay hindi sumsunod sa aking diyeta kapag nakikita ko ang aking paboritong pagkain.
“Manganin!” Tawag ng aking ina sa amin na nagsesenyales na kailangan na naming bumba sa hapag-kainan. Masarap ang ulam namin tuwing hapunan dahil ginagawa itong engrande ng nanay ko para sa pagdating ng aking ama galling trabaho. Ito raw ang isa sa mga dahilan kaya umuuwi nang maaga ang aking ama sa gabi. Hinanda ng aking ina ang putaheng paborito ko noong gabing iyon. Lahat na ata ng pagkain ay masarap sa aking panlasa ngunit itong putahe na ito ang pinaka-espesyal sa akin, ang Kare-Kare. Ako ay mahilig rito lalo na kapag may kasama itong bagoong. Ilokano ang aking mga magulang kaya ang bagoong ay naging parte na nang aming pagkain. Natikman ko ito noong niluto ito ng aking ina noong bata pa ako. Noong una, ayaw ko pa tikman dahil nalaman ko na buntot ng baka ang ginagamit rito. Hindi ko akalain na masarap ito at magiging paborito ko pa. Nakaubos ako ng ilang plato ng kanin dahil dito. Masarap ang sarsa nito na may hinalong peanut butter. Nakikita ko ang aking ina na tinutunaw ang peanut butter sa tubig at isasama sa ginisang buntot ng baka at gulay. Ang bango ng amoy ito lalo na nang dinagdagan ng paminta at betsin. Tom Jones talaga ako pag nakikita kong lumalapot ang sarsa habang hinahalo niya ito sa palayok. Hindi nawawala ang kanin kapag kakainin namin ito. Hinahalo ko ang sarsa sa kanin muna saka ito kakainin. Taas noo ako sa Pilipinong nakaimbento ng putaheng ito.
Minsan ay hinahanap-hanap ko ang putahe na ito kapag nakakakita ako ng peanut butter. Naalala ko ang tamang tamis at alat nito. Mahilig din ako sa gulay lalo na ang pechay at sitaw. Napapa-yehey ako kapag nalalaman ko iyon ang aming ulam sa bahay. Umuuwi ako agad sa bahay kapag nalalaman kong iyon ang aming hapunan. Siguro alam niyo na rin ang isa sa mga handa ko sa aking bertday. Sa sobrang hilig ko dito ay tinutulungan ko ang aking ina upang makatikim agad at matutunan itong gawin upang madala ko ito hanggang tumanda na ako at maipagluto ko ang aking mapapangasawa ng paborito kong pagkain na minana ko pa sa aking ina.
-Prescilla M. Tempra, 1T1
Yes, Kare-kare is one of the trademarks of Filipino Cuisine. I totally understand what the writer feels when talking about Filipino Cuisine.
ReplyDeleteAs filipinos, we should be proud of what our country can offer to us :D One of these is our unique Filipino Cuisine
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteTiyak na masarap ang inihahain ng iyong ina, dahil sa iyong mga expression na ginamit at aking nabasa.Ako ay mahilig magluto at kumain, ang lutuing pilipino ay may pare-parehas na pangalan ngunit dahil sa iba't ibang kultura sa Pilipinas nagkakaroon ito ng uniqe/authentic na lasa.
ReplyDeleteSa iyong sinulat, ang iyong magulang ay mga ilocano. Sa aking pagkakaalam, ang mga ilocano raw ay masasarap maghanda ng pagkain. tanong lamang, ang bagoong ba ay isang staple sa hapag ng ilonggo? kung oo, ang galing, may bago akong kaalaman na nalaman sa iyong blog.
alam mo ang tagal ko ng hindi kumakaen ng kare-kare at dahil dito ay hahana-hanapin ko na siya :| kakaen ako nito bago magpasko! :D at tama ka iba ang lutong bahay.. laol na ang luto ng ating mga ina. :) bravo pia! :)
ReplyDeleteAko naman ay natutuwa sa iyong blog, dahil parehas tayo ng paboritong pagkain! Ang napakasarap at kalasaplasap na Kare-Kare! wala talagang katulad ang putaheng ito. Alam mo bang nakaka-ilang plato rin ako pag kumakain ako nyan, kaya nasisira ang aking pag-didyeta. Hay Kay Sarap nga naman talaga!
ReplyDeleteAko man ay mahilig kumain ng kare-kare kahit medyo kakaiba ang mga parte ng baka ang ginagamit dito. Tunay nga na masarap ito. Medyo mahirap man itong gawin ay sulit naman dahil sa sarap na lasa nito. :)
ReplyDeleteMasarap talaga ito, at masustansya pa! Wala akong masabi dahil speechless na ko sa gutom, makita ko palang ang larawan ng Kare-Kare! =))
ReplyDelete♥Kate
TAyo'y kumain nito sa Dapitan!
ReplyDelete-Fox
Paborito ko ring pagkain ang kare-kare. Hinahanap-hanap ko tuloy! Sana makatikim din ako ng kare-kare ng iyong nanay. Iba ang luto talaga ng mga nanay no? Wala naman sa bokubyularyo mo ang pgdidiyeta diba? Haha!
ReplyDeleteMahusay na pagkakasulat! Masarap talaga ang kare-kare.
ReplyDeleteFAVORITE KO YANG KARE KARE. :"> promise!;)
ReplyDelete- Leanne Pucut :)
paborito ko yang pagkain na yan! tunay nga naman na napaka-sarap nian. :)
ReplyDeleteAna Lituanas