Ang tao sa mundo ay may iba ibang klase ng panlasa. May mga gusto ng maanghang, may gusto ng maasim, may iba naman ay matamis at ang iba naman ay gusto na maalat. Iba iba rin ang klase na gusto ng tao tulad ng mga Amerikano, Chinese, Hapon, Koreano at Filipino. Sa iba't ibang dako ng mundo, bawat tao ay may hinahanap na kakaibang lasa na makapupuno sa kanilang mga kumakalam na sikmura o kaya naman sa mga gusto lamang tumikim ng bagong pagkain.
Sa tanang aking buhay, ang pinakamasarap na pagkain na natikman ko na siguro ay ang lasagna. Naaalala ko pa ang unang beses na ako ay nakakain nito sa Greenwich. Sa sobrang sarap ay pakiramdam ko, sa bawat subo ay may fireworks na nagliliparan sa langit at may mga naririnig pa ako na mga anghel na humuhuni ng iba't ibang tunog. Sa katunayan ay sinubukan ko na din gumawa ng lasagna sa sobrang kagustuhan ko dito. Ito ay kilala na sa buong mundo at nakikita o nabibili natin sa mga restaurants at ilang piling lugar tulad ng Greenwich, Pizza Hut, French Baker, Dulcinea, Sbarro, Goldilocks at marami pang iba. May mahal at mayroon din na mura. Marami na rin ang nagtangkang baguhin ang timpla o lasa nito. Iba’t ibang lasagna na ang aking natikman, mayroong masarap, mayroong di naman gaano at mayroon din naman na sakto lang ngunit, ano nga ba ang lasagna?
Ang Lasagna ay isang uri ng Italian dish na binubuo ng pinagpatongpatong na pasta, meat sauce, cream sauce at cheese. Lulutuin mo sa iba’t ibang lutuan ang bawat layer. Ang meat sauce ay pinaghalong bawang, ground beef, paminta, oregano, bacon, tomato sauce at tomato paste sa isang lutuan. Ang cream sauce naman na gawa sa evaporated milk, butter, oregano at beef broth cubes sa isa pang lutuan. Pagkatapos pakuluan ang pasta na pang lasagna at gayatin ang keso ay pwede na ilagay sa isang glass pan. Unahin ilagay ang pasta, sunod ang meat sauce, cream sauce at cheese at ihelera ng paulit hanggang sa makamit ang inaasam na taas ng lasagna. Lutuin sa oven ng ilang minuto at puwede na kainin. Masasabi natin na sa unang tingin pa lamang ay matatakam ka na. Bawat subo ay umaapaw ng kasarapan at hindi lamang sarap kundi sustansya din dahil ito ay may gatas na nagbibigay ng Calcium para sa buto at ngipin, tomatoes na nagbibigay ng lycopene para sa puso, protein mula sa karne at carbohydrates mula sa pasta nito. Ang isang putol ng lasagna ay may mataas na fat content ngunit kung pang okasyon, hindi pangaraw-araw na pagkain at sa tamang mederasyon, mairerekomenda ito sa mga naghahanap ng masarap na kakainin.
Maraming masasarap na pagkain hindi lamang dito sa ating bansa kundi sa buong mundo na din. Mayroong iba’t ibang paraan ng pagluto, iba’t ibang mga nilalaman at iba’t ibang mga itsura. Ano man ang mangyari, ang pagkain, kahi sino pa man ang kumain, sigurado ay may paborito. Ano man ang sabihin ng iba, para sa akin, wala pa ring tatalo sa lasagna. :)
Bejar, Cecille Bianca A. 1T1
Nagustuhan ko ang iyong isinulat. Paborito ko rin ang lasgna. Naalala ko dati lagi lasagna ang ating inoorder tuwing tayo'y may salu-salo :) Masarap talaga ito at masustansya pa. :D Hinding hindi ko makakalimutan ang lasagna lalo na ang lasagna ng Greenwich :)
ReplyDeleteayos! gusto ko den ang lasagna sa Greenwich lalo na kapar kasama ung tinapay at samahan mo pa ng pearl coolers. Saktong sakto ang mga sinabi mo tungkol sa lasagna. :)
ReplyDeleteNapakaganda ng iyong sinabi tungkol sa Italian dish na lasagna at nang dahil dito sa akda mo ay nagkaroon ako ng ideya kung ano ang mga sangkap at ang mga bitamina na makukuha rito. Ang lasagna ay hindi lamang masarap ngunit masustansya pa.:)
ReplyDeleteNakakagutom tingnan ang larawan ng Lasagna. :) Kung gusto natin ng iba naman sa panlasa bukod sa mga pagkaing pangkaraniwan na, masarap na kainin ang Lasagna. Personal na paborito ko din ito. Isang simpleng Italian dish, ngunit tiyak na patok sa mga pinoy. :)
ReplyDelete- Nicole Caralian
waw. ako din. isa yan sa mga paborito ko. lalo na kapag sa Pizza Hut inoorder tapos may kasamang pizza. grabe sobrang sarap. :)
ReplyDeleteNaalala ko si Garfield, 'Ces! :"> HAHAHA! Masarap at paborito ko din 'to dahil may keso. Bentaaaaa! :-bd
ReplyDelete♥Kate
Napakasarap talaga ng lasagna, picture palang eh :) naaalala ko tuloy ang kapatid ko dahil paborito niya ito lalo na ang sa greenwich :))
ReplyDeletegrabe..hindi ko inaasahan na ako'y matatakam sa lasagna habang binabasa ko ang iyong sinulat...na sa simpleng putahing iyon..hindi lang kasarapan lamang ang aking makukuha..pati n rin ang mga nararapat na bitamina para sa aking katawan...lalo na't madali lamang iton gawin..
ReplyDeletekung ako ang tatanungin..wala talagang tatalo sa lasagna. naalala ko nga nung una akong nagluto nito; nasunog yung ibabaw, ngunit masarap pa din daw ito, wika ng lola ko.. sa lahat ng naluto kong pasta dishes eto ang pinakamatrabahong gawin at lutuin. pero mapapawi ang pagod mo pagnatikman mo na ang pinaghirapam mong lasagna...XD
ReplyDeleteahhh. Lasagna. My share, it's one of my favorite dishes ever. I like how the flavors of ground beef, cream cheese and that hint of oregano combine and just craft a pasta different than any other with just a single serve. And I guess, a single serve ain't enough! Haha. Well It's Lasagna! Sinfully delicious. YUMYUM.
ReplyDeleteP.S. I love the Lasagna, till your next b-day!
alm nio ba the word "lasagna" comes from the Greek λάσανα (lasana) or λάσανον (lasanon) meaning "trivet or stand for a pot", "chamber pot". my share mern ako friend n super hate nia lasagna so we went to greenwich and i order lasagna and my friend order pizza so tinanong ko kung bkt sabi nia super hate nia lasagna "kadiri daw kc"haha!! pero ako nmn love n love ko lasagna!! so in short some people hate lasagna.. SO HATERS BACK OFF THIS IS NOT FOR YOU!!!!
ReplyDeleteMahilig rin akong kumain ng lasagna at sa Greenwich ko rin ito unang natikman.:) XD Tunay ngang napakasarap ng lasa nito. Maraming salamat sa iyong pagpopost at talaga namang nakakagutom. XD
ReplyDeleteNapakadetalye ng ginawa mong blog about sa lasagna. Naalala ko tuloy ang mga happy memories na pinagsamahan namin ng mga kaibigan ko habang kumakaen ng lasagna:)
ReplyDelete