Thursday, November 25, 2010

Kare-Kare: Oh Kay Sarap, Kay Linamnam, at Kay Saya ng iyong hatid!

       Oh kay sarap namang mabuhay kasama ang mga taong mahal natin, at kasama rin ang mga bagay na ating hilig at kinalolokohan. Isa na rito ay ang pagkahilig natin sa iba't-ibang putahe ng ulam o pagkain mula sa iba't-ibang kultura. Napakaraming pagkakataon na may mga tao, lalo na tayong mga Pilipino ang nagkakaroon ng hilig sa mga pagkain mula sa ibang bansa lalo na ang mga pagkain sa fastfoods, gaya ng pritong manok, ispageti,french fries, burger, at pizza na mula pa sa Amerika at Italya; isa ring halimbawa ay ang kimchi, siomai, at siopao mula sa iba pang bansang asyano. Ngunit sa kabila ng mga ito, ay mayroon pa rin namang tumatangkilik sa ating sariling putahe; isa na ako sa mga iyon. Sa halos lahat ng pagkaing aking natitikman bawat araw ay katangi-tangi ang Kare-Kare para sa akin, kahit na ako'y hindi mahilig sa gulay ay iba talaga ang hatid nitong sarap, iyong para bang kapag nginunguya mo ito’y pakiramdam mo’y nasa langit ka na o iyong pakaramdam na sobrang saya kahit iyon at iyon lamang ang kakainin mo.
        
       Kay linamnam naman ng ating malalasahan kapag naluto na ang pinaghalo-halong sangkap ng Kare-Kare. Ang mga ito ay: tuwalya ng baka na tumutulong sa paglinis ng ating bituka dahil sa fibers nito, kutsarang asin na nagbibigay ng iodine, puso ng saging na bukod sa nagbibigay potassium, ito rin ay makatutulong para sa mahimbing na pagtulog, kasama rin ang talong at sitaw na nagbibigay ng iba't-ibang sustansya para sa malakas na katawan at pampahaba ng buhay, ang peanut butter at Kare-Kare mix na nagsisilbing sabaw nito na nakapagbibigay enerhiya dulot ng fats mula rito, at ang pinaka importateng pampalasa at pampasarap na bagoong alamang. Ang ganitong putahe ay mabibili sa iba't-ibang kainan at mga Carinderia kaya madali natin itong makakain sa oras man na gustuhin natin; pero para sa akin ay walang katulad at walang magiging kasing-sarap ang Kare-Kareng inihahain ng aking tiyahin sa aming tahanan. Dahil nalalasahan ko ang sarap at linanam ng malapot na sabaw at karne na may kasabay na bagoong alamang, ang mahusay na pagkakaluto sa mga gulay, pagkatimpla sa sabaw, at masarap na bagoong ay talaga namang kay linamnam at kalasapsap sa pakiramdam.

       Kay saya ng nararamdaman ko sa tuwing ako'y kumakain nito; kung minsan nga ay natatakam na agad ako kahit makakita pa lang nito. Habang kumakain naman ako nito ay para bang nasa langit ako, kulang na lang ay ipikit ko ang aking mga mata at damahin ang lasap na aking natitikman habang nginunguya ang karne nito; pero hindi ko iyon nagagawa dahil kadalasang may kasabay akong kumain at baka kasi makita ako ng ibang tao at akalain pa nilang nababaliw ako; pero kung talagang masarap naman kasi edi baka hindi ko tlga mapigilan ang sarili ko. Kahit na mabigat ito sa tiyan, kung minsan ay hindi ko namamalayan kung nakaka-ilang sandok na ako ng kanin at ulam. Talagang nakapagbibigay kasiyahan sa akin ang Kare-Kare; at para naman sa iba na may iba't-ibang hilig rin ay alam kong kumpleto na agad ang araw nila, matikman lamang ang kanilang paboritong pagkain. Kani-kanyang hilig naman iyan eh, kung ano ang nagpapasya sa atin ay dapat nating bigyan importansya upang maging makabuluhan at mas masaya ang ating buhay.


                                                                  -Zylver Joyce E. Guzman :) <3

17 comments:

  1. napakasarap naman talaga ng kare-kare! Napaka-trabaho lamang nito gawin ngunit talaga namang hindi magsisisi sa paghihintay

    ReplyDelete
  2. Sa totoo lang, di ako kumakain ng kare kare dahil sa mga sangkap na lamang loob na di ko makain. Pati na rin ang sauce, pero sa iyong sinulat, naging katakam takam ito. -adrienne kiong

    ReplyDelete
  3. Ay Grabe Zylver bells ! Ito rin ay isa sa aking mga paboritong pagkain. Kakaiba ang lasa nito, subalit tunay ito na masarap. Naalala ko tuloy nung panahong una ko itong natikman, noong pumunta kmi sa Baguio, antagal na noon. :) Maraming salamat sa iyong pagsulat nito at ako ay nagutom. Nais ko tuloy kumain ng kare-kare ngayon. :)

    ReplyDelete
  4. waw. princess. isa rin yan sa paborito ko. lalo na kapag medyo matamis ang bagoong. sana nga may binibentang ganyan sa cafeteria. :))

    ReplyDelete
  5. masarap talaga ang kare-kare lalo na paglutong bahay. ala man itong lasa ngunit kung nilagyan mo n ng bagoong(alamang) lumalabas ang pagkamalinamnam at katakamtakam ng kare-kare. kaya naman sa tuwing yan ang ihahain s hapag kainan ay sigurado mapaparami ang aking kain. "try mo masarap kaya!!!

    ReplyDelete
  6. Natakam naman ako sa aking nabasa.. Hindi ko lubos akalain na bawat sangkap pala ng Kare-Kare ay may iba`t ibang sustansyang maidudulot sa ating katawan. Naalala ko tuloy ung pakiramdam ko nung una akong nakatikim ng Kare-Kare, tunay nga ... Parang nasa langit ako. Ninanamnam ang bawat sandali habang kinakain ito. Salamat sa iyong blog Zylver! :)))

    ReplyDelete
  7. tama ka jan couz...ang sarap tlaga ng kare-kare ntin d2 sa hauz...amoy-amoy pa lng ay katakam takam na...super..kaya nga pag yun ang ulam haha dami nating nakakain ei....sarap kasi lalo na pag hinahaluan na ntin ng bagoong alamang wow saktong sakto na...naku ginugutum tuloy aq...
    yummy...yummy....
    :->

    ReplyDelete
  8. Isa rin ako sa mga nahuhumaling sa putahe nating Kare-kare!
    Unang pagkakataon pa lamang na aking matikman ito ay nasabi ko nang ito ang aking paboritong putaheng pinoy!
    Habang binabasa ko itong blog mo,Zylver ay napapangiti ako sa pag-iisip sa Kare-Kare.
    Pagkatapos ko basahin ito ay sa tingin ko, gusto kong kumain ng kare-kare mamaya!
    Tara, Kain tayo ng Kare-kare sa hinaharap,Zylver! :))

    ReplyDelete
  9. Kahit hindi ako kumakain ng Kare-kare ay natakam naman ako. :))Mapapakain yata ako ng kare-kare ng dahil sa'yong mga sinabi. :D

    ReplyDelete
  10. isa yan sa mga gusto kong pagkain, masarap at masustansiya. yun nga lang, napakatagal lutuin. haha. pero worth it naman. lalo na kay zylverbells. =) btw, good job. =))

    ReplyDelete
  11. WOW@-) Kare-kare:)) Masarap yann! Gusto ko nyan! HUHU. Good job! :)
    -Alyza Dumlao

    ReplyDelete
  12. Kare-Kare, Classic Filipino Dish! :"> Gusto ko din nito! Apir, Zylver! =))

    ♥Kate

    ReplyDelete
  13. mmmmm...yummy kare-kare! bigla tuloy akong nagutom.gusto ko magpaluto sa mama ko ng kare-kare! zylver ginutom m ako..hahaha :))
    - lau :)

    ReplyDelete
  14. hindi ako gaano kadalas nakakakain ng kare kare. hahaha! ngunit tama. masarap nga ito. makakain kaya. hmmm...

    ReplyDelete
  15. Alam mo LUZYLVER, tumpak lahat ang nasabi mo tungkol sa kare-kare.Isa rin ito sa aking mga paboritong pagkain,kaya naman nararanasan ko rin ang iyong sinasabi na minsan hindi mo na alam na nakakarami ka na pala ng sandok ng kanin at ulam.Masarap nga naman talaga ang kare-kare,kaya't maraming salamat sa pagpopost mo ng pagkaing ito. ^_^
    -BEAMANA

    ReplyDelete
  16. Tama nga na kainin natin ang mga paboritong pagkain na magpapasaya sa atin bago tayo mawala sa mundong ito. Tara at kumain tayo niyan sa dapitan! Masarap talaga ang pagkain pinoy. Hindi niya matatalo ang pagkain ng ibang bansa. Parehas talaga tayo ng paboritong pakain. Kaibigan nga kita! :)

    ReplyDelete
  17. sabi ko nga din kay pia paborito ko 2! lalo na kapag my bagoong! tunay ang sarap!

    Ana Lituanas

    ReplyDelete