Isa sa pinakamahalagang pangangailangan ng tao ay ang pagkain. Noong mga unang panahon, ito ay kinakailangan upang mabuhay. Sa kasalukuyan, halos lahat ng tao ay kumakain na lamang para sa katuwaan. Tulad ngayon, napakaraming okasyon ang nagaganap araw-araw. Iba't ibang lasa ang hinahanap ng tao: matamis, maasim, maalat, o kaya naman maanghang. Sa dami ng klaseng pagkain sa mundo, minsan hindi na natin malinawagan ang saktong lasa ng mga ito.
Ang paborito kong pagkain ngayon ay ang "baked macaroni". Una ko itong natikman nung pinaglutuan ako ng nanay ko noong bata pa ako. Sarap na sarap ako sa unang tikim pa lamang. Ang sahog na nagpapasarap dito ay ang queso. Napakacheesy nya! Ngayon ko lang nalaman na mahirap pa la siyang gawin. Hihimayin muna ang manok habang pinapakulo yung macaroni. Dalawa ang sauce nito, isang pula at isang puti, na isasama lamang sa huli na bago mo ilalagay sa oven para i-bake. Napakatsyaga pala ng nanay ko! Lagi namin ito niluluto tuwing may okasyon.
Ganon pa man, sa hirap ng buhay ngayon, hindi lahat ay nakakaranas ng ganitong ginhawa. Marami paring nabubuhay sa kakulangang makabili ng maaayos at masasarap na pagkain. Masuwerte narin tayo dahil nakakakain tayo ng tatlong beses sa isang araw, minsan higit pa. At sa modernong pamumuhay ngayon , marami nang nakapalibot na restawran sa atin.
-Kimberlyn Dy Tan 1T1
Cheeeesy! masarap talaga yan lalo na pagka madaming cheese. Nagugutom ako lalo dahil sa mga nabasa at nakita ko.
ReplyDeleteBaked Mac. :"> Ma-kesooooo talaga! Malinamnam at hindi nakakasawa! Goojaab! :-bd
ReplyDelete♥Kate
mas masarap ang baked mac pag mataas ang binigay na marka dto hahaha!>:)
ReplyDeleteSarappp Baked Macaroni...kailangang tikman ng maibigan.....
ReplyDelete-abet
Cheese + Pasta + Spaghetti Sauces = Bake Mac!!!!! AAAahhh... Gotta have it NOW!!!!!!!!!
ReplyDeleteSOBRANG CHEESY TALAGA. :"> MUKUANG NAPAKASARAP TALAGA NG BAKED MAC. NAKAKATAKAM. NICE CHOICE KIM :)
ReplyDelete-jyn enriquez
Mas cheesy pag mas maraming keso! 8^>
ReplyDeleteNapakasarap nga ng baked macaroni, pero masustansya nga ba ito?
ReplyDeleteKahit na'y marami ang hindi pa nakatikim ng ganito, mas mabuti pa ay hilingin natin na makapagtanggap sila ng mga masusustansyang pagkain. Mas mabuti nang malusog sila :)
nakakagutom naman yan kim mukha talagang napaksarap nyan
ReplyDelete-NARAJA-
wow ang sarap naman niyan! iyan ang paborito kong miryenda. tama ka, yung cheese nga ang nagpapasarap dito! :)
ReplyDeleteAng pagkaing ito ay talaga naman nakakagutom. XD The more cheese, the merrier! :)) Ancheesy talaga!
ReplyDelete