Unang una sa lahat, maraming Pinoy ang mahilig kumain ng pica-pica o ready to eat food na katulad ng siomai at waffle na madadaanan natin bago umakayat ng LRT station sa Legarda. Sa mga stall na nagtitinda ng pagkain, ang unang makikita mong katakam-takam ay ang shawarma kung saan makikita mo ang karne na nakatusok patayo sa my ihawan nito. Sa pag-titig mo pa lamang ay paniguradong masarap ang karne dahil ito ay makatas. Sa mga natikman ko ng mga shawarma, ang pinakamasarap ay sa Turk’s Shawarma sa my SM foodcourt, kahit bago lamang ang Turk's Shawarma, mahahalata mo na ang karne ay makatas at mabango na siguradong mapapabili ka ng shawarma.
Sa mga araw na gusto mo ay mag-food trip lang o kaya kumain lang habang my binibili si mommy sa grocery, ang Turk’s Shawarma ang agad kong pinupuntahan para makakain ng masarap at katakam-takam na shawarma. Sa pag-hihintay ng iyong order sa shawarma pananabik at pagkatakam ang iyong mararamdaman dahil makikita mo na isa-isang nilalagay ang mga sangkap sa isang pita bread na ipinapainit sa my ihiwan. Makikita mo ang paghiwa at paglagay ng karne ng baka, isusunod na ang sibuyas na mas ng papalas ng karne, ang kamatis na mas ngpapasarap pa sa halo sa lasa ng karne, ang pipino na ngpapatamis at ang magpapakumpleto pa sa mas masarap na shawarma ay ang garlic sauce na ikinakalat sa ibabaw ng mga palaman at ito’y irorolyo pagkatapos ito’y gawin. Sa unang kagat ay mapapawi agad ang iyong katakaman at pagkagutom sapagkat nalalasahan mo na ang tamis na my halong asim na halos di mo na maipaliwanag ang lasa nito sa sobrang sarap. Sa una kong pagtikim ng shawarma ng Turk’s ako’y nasarapan at kahit hindi ako masyadong mahilig sa gulay, ang shawarma ng Turk's ang naging paborito kong putahe dahil ang mga gulay na nilalaman nito ang nagpapakumpleto ng lasa ng tunay na shawarma na pumupuno sa pangangailangan ng aking bibig.
Maraming masasarap na putahe katulad ng sinigang, adobo, kaldereta at iba pang mga putahe na may mga karne na may sauce at mga gulay. Pero para sa akin ang shawarma pa rin ang pinakamasarap na pagkain na may sauce, karne, at mga gulay. Katulad sa ibang putahe madalas may karne katulad rin shawarma, may gulay na ihinahalo para mas mapasarap pa, may sauce na inilalagay para mas makumpleto ang lasa at sa karaniwang putahe ito ang sabaw na mas nakakatakam. Sa pagbuo ng araw ko na matikman ang katas at ang kapanapanabik na lasa ng karne, ang palaman pa nito at sa pagkumpleto ng putaheng ito ang pita bread na nag-bibigay kanin sa ulam na nakapalaman rito. Minsan nararamdman ko na hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ako nakakain ng shawarma. Shawarma ang nagbibigay ng iba’t ibang kulay na parang kuwitis na pumuputok putok habang sa kinakain ito. Sa bawat oras naiisip ko na kapag kumakain ako ng shawarma, nabibigyan ako ng panandaliang saya. Lalu na ang Turk’s Shawarma na na aking nagustuhan at babalik balikan.
Ana Carmela M. Lituañas 1T1
Oo nga tama ka, talagang nakakatawag ng pansin ang shawarma. Ang karne nito ay para bang ang sarap sarap tikman. Minsan ko na rin to natikman, at tunay nga na masarap ito lalo na kapag "all.meat". :)
ReplyDeletewaw. totoo nga namang masarap ang shawarma lalo na kapag madaming karne at sauce.
ReplyDeleteTunay na nga na masarap ang shawarma, lalo na kung ito ay maiinit:) at malambot at nangunguya ang karne dito. Guto na ako. :))
ReplyDelete-Alyza Dumlao
SHAWARMA-SARAAAAAP! :">
ReplyDeleteNice choice, Ana. :-bd
♥Kate
masarap ng ang shawarma! super! parang gusto ko tuloy bumili nito ngayon... haha :)
ReplyDeleteshawarma! mas lalo na sa food channel haha :D
ReplyDelete-kimberlyn
Ang sarap naman ng shawarma! Iyan ay isa sa mga madalas kong minimiryenda sa hapon.
ReplyDelete-FOX
Masarap talaga ang shawarma lalo na pag may hot sauce. Sana ilibre kami ulit ng iyongnanay sa turk's shawarma. hahaha. kakain ulit ako niyan sa sm. :) Nakakabuo talaga ng araw ang paboritong pagkain. :>
ReplyDeleteNapaka sarap nga naman ng shawarma, lalo na yung shawarma rice. Tapos maraming keso at sauce. SIYAKS! :))
ReplyDelete♥ Lora Cavestany
hindi man ako kumakain ng shawarma dahil nga ito ay maanghang, sa tingin ko ay masarappa din ito, paborito kasi ito ng isang taong SOBARNG malapit sa aking puso. hahahaha! :)) masarap nga siguro talaga ito. =))
ReplyDelete<3 <3 ALLETS JAN MAGKASI