Tuesday, November 23, 2010

barbekyu. <:

                  
                        










                    Sa dinami dami ng pagkaing masarap, isa ana ang barbecue sa pinakapaborito ko.  Lalo na kung ito ay marinated at may manamis namis na sauce.  Isang simpleng pagkain lamang ang barbecue.  Karne lamang ito ng baboy o di kaya'y manok, na tinuhog sa stick, minarinate at inihaw. 


                   Kadalasan itong mabibibli sa mga fastfood chains o restaurants tulad na lamang ng goldilocks, jollibee, mang inasal at iba pa.  Kung kaya't madali ko itong mahanap, lalo na pag nag ke-crave ako dito.  Sa lasa naman, depende ito kung paano minarinate, at kung anong marinated sauce ang ginamit dito.  ngunit sa pagkakaalam ko, mas masarap ito kapag mas matagal iminarinate dahil mas kakapit ang lasa nito.  Tulad ng iba pang pilipino masarap din ito sa kanin. o di kaya'y sa spaghetti.  Ngunit ang mga ganitong klaseng pagkain ay nararapat lamang iluto o ihanda ng maayos.  Upang makasiguro na ito'y malinis at safe kainin. Dahil kung ito'y marumi, maaari tayong makakuha ng sakit dito.


                    Masasabi ko na "ultimate comfort food" ko ang barbecue. sapagkat di ko maipaliwanag ang pakiramdam pag kumakaen ako nito. lalo na't pagkatapos ng eksamen.


-- Maria Corazon Perez
1T1



7 comments:

  1. NAPAKASARAP NGA NAMAN! :) Lalo na pag umuulan.

    ReplyDelete
  2. Wow. Paborito ko din 'yan teh! Magandang pagbabahagi :))

    ReplyDelete
  3. oo tama ka dyan :) kaya nga madali ito bilhin sa mga restaurant ay siguro dahil na rin sa pagkahilig ng mga pilipino sa pagihaw :)

    ReplyDelete
  4. BBQ! :"> Sang-ayon ako! Masarap talaga 'to! Good work, Twin! =))

    ♥Kate

    ReplyDelete
  5. Mahilig rin ako sa Barbecue ! :) Maraming kainan ang nag.offer ng barbecue sa kanilang menu palatandaan na mabili talaga ito. :) Tunay nga itong masarap. :)

    ReplyDelete
  6. Mahilig rin ako dito lalo na kung maraming sauce ang barbeque.

    -FOX

    ReplyDelete
  7. Masarap nga ito lalo na kung manamis namis.

    Vica.

    ReplyDelete