Saturday, November 20, 2010

KFC BBQ Rods: Sarap ng Manok sa Stick



Ang Kentucky Fried Chicken o KFC ay isa sa mga kilalang restawran dito sa Plilipinas dahil sa mga malinamnam na pagkaing hinahain nito. Maraming kabataan ang nawiwiling kumakain dito dahil sa malasa ang pritong manok pati narin ang gravy. Minsan pa nga’y ginagawa na nilang sabaw ang gravy nito dahil sa sobrang sarap. Fried Chicken with Rice ang kadalasan kong inoorder tuwing kumakain ako sa KFC. Ngunit nang magkaroon ng BBQ Rods, nag-iba na ang hilig ko.

Ngayong taon lang nagkaroon ng BBQ Rods sa KFC. Ito ay isa sa mga limited edition snack na kanilang binibenta. Gawa ito sa pritong manok na  binuhusan ng BBQ sauce. Una kong natikman ang KFC BBQ Rods noong nanunod kame ng Eclipse sa SM North EDSA. Kumain kaming magkakapatid sa KFC pagkatapos naming manuod ng sine. Hindi ko pa alam kung ano ang lasa BBQ Rods noon ngunit sa kagustuhan ko lang makamura sa pagkain ay inorder ko ito dahil mas mababa ang presyo ng BBQ Rods sa Fried Chicken with Rice.

Masarap ang lasa ng BBQ Rods, sa tingin ko ay ang BBQ sauce ang nagpapasarap sa lasa nito pati narin ang Java Rice. Sa tuwing kumakain ako nito ay parang nawawala ang pagkabagot ko. Ang manok nito ay nagtataglay ng Zinc na nagpapalusog ng katawan at nagpapatibay ng buto kaya ang pagkain ng BBQ Rods ay maganda rin sa ating kalusugan. Sa ngayon ay wala nang BBQ Rods sa KFC dahil nga’y isa lamang ito sa limited edition snakcks ng KFC. Alam kong hahanap-hanapin ko ang sarap ito dahil walang tatalo sa sarap ng KFC BBQ Rods.


-Rianne Celestine S. Florento                 


15 comments:

  1. favorite ko rin ang kfc dahil sa napakasarap na chicken na kanilang inihahain. isa rin ang bbq rods sa aking paboritong meal sa kfc. kung sawa ka na sa puro gravy lng na sawsawan, ito ang para sa iyo. sana lang ibalik iyo ng kfc.

    ReplyDelete
  2. "WOW! uo nga. natry ko na din yang bbq rods. mura nga tska masarap! kelan nga lang naghahanap kami ñan e kaso wala na ata. :D sayang. favorite pa naman namin yan sa KFC. sana ibalik nila yan. :)"

    ReplyDelete
  3. Mahilig ako sa bbq. At mukha talagang masarap ang kanilang bbq rods. Gusto ko ulit matikman ang kanilang bbq rods kaya naman sana ay ibalik nila ito. \:D/

    ReplyDelete
  4. masarap nga naman talaga kaso kung madami ang may gusto nito, bakit hindi nila ibalik? kasi naman, dapat hindi lang yan limited edition. :D

    ReplyDelete
  5. Masarap nga talaga ang BBQ Rods at mura pa. Tamang tama para sa mga estudyante. Sana nga ay ibalik nila ito.

    ReplyDelete
  6. mura na at masarap pa...isa ito sa mga paborito kong pagkain.

    ReplyDelete
  7. masarap na at mura pa..isa ito sa aking paboritong pagkain..

    ReplyDelete
  8. TOtoo :) SARAP nyan, nalala mo nung sabay sabay tayo kumin nyan sa KFC :)) hhha. NAKAKAbitin ;))

    ReplyDelete
  9. Well you have the art of writing a blog, it is very concise, vivid and direct to the point. As far as KFC food LOL i dont to say anything! Keep up your writing!

    Kuya Rolly

    ReplyDelete
  10. Isa rin sa mga paborito kong fastfood chain ay ang KFC ! dahil sa unique at masarap na lasa ng kanilang chicken. XD Matagal ko nang nakikita ang KFC BBQ Rods subalit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito natitikman. Maraming salamat sa iyong blog, naenganyo tuloy akong tikman ito. :)

    ReplyDelete
  11. kahit minsan ay hindi ko ito natikman... sayang naman... hindi kasi ako masyadong mahilig s KFC.. sana ibalik muli ito para makatikim ako nyan..

    ReplyDelete
  12. Yes naman! Rianne, pero seryoso. Masarap talaga siya! Gustong-gusto ko rin ito! Good job!
    -Alyza Dumlao

    ReplyDelete
  13. pareho kami ni Rose Anne . ni minsan hindi ko din ito natikman. ngunit sana ibalik at sigurado akong kakain tayo ng sabay sabay sa tuwing break natin

    ReplyDelete
  14. Masarap 'yung sauceeee! :) Isang beses ko palang natikman, uulitin ko ulit dahil sa blog mo! :-bd

    ♥Kate

    ReplyDelete
  15. Ang sarap naman talagaaa! nako.

    -FOX

    ReplyDelete