Ayaw makinig sa guro, walang sagot sa takdang-aralin o sadyang tinatamad lang. Yan ay isa lamang sa mga maaaring dahilan kung bakit hindi pumapasok ang isang estudyante sa klase. Ngunit, wala sa mga yan ang dahilan ng hindi ko pagpasok sa aming Accounting na klase noong ako ay nasa ika-apat na taon ng hayskul. Hindi ako pumasok dahil gusto kong maabutan ang nagtitinda ng isaw sa likod ng aming paaralan dahil twing uwian na namin ay ubos na ito.
Alam naman nating lahat na hindi ito mahal at abot kaya ng tao.Hindi lang din ako ang nasasarapan dito,kung hindi halos karamihan ng mga Pilipino. "Mas mura ... Mas patok sa tao."
Ang isaw ay maaaring bituka ng baboy o ng manok. Syempre, ito ay nililinis muna ng maraming beses, ilalagay sa stick at iiihaw. Hindi lamang sa likod ng aming paaralan makakabili ng isaw. Napakaraming lugar na kung saan ay may nagbebenta nito. Pareho lang din ang proseso ng paggawa o pagluto ngunit nagkakatalo lamang sila sa sawsawan na sila mismo ang gumagawa.
Masasabi kong wala masyadong naidudulot na mabuti ang pagkain ng isaw o ng kahit anong "street foods", ngunit hindi naman masamang kumain nito basta huwag lang araw-araw. Kahit wala masyadong naidudulot na sustansya ang isaw, nakakapagpasaya pa din sa akin ang pagkain nito. Ilang dekada man ang dumaan, wala pa din makakatalo sa isaw sa likod ng paaralan namin at ng sa UP!:))
Maria Veronica Burac
1T1
tsk, tsk, tsk! talagang aalis ng klase para sa isaw ha. hehe! Hindi kita masisisi. napakasarap ng isaw. hindi ito maiiwasan lalo na't npakalapit lagi ng mga ganito sa mga eskwelahan. :))
ReplyDeleteHuwaw. isaw! gosh. nagugutom ako. btw, agree ako sa sinabe mo, masarap nga yang isaw.. bagamat, ito ay isang street food, patok pa din ito sa mga estudyante sapagkat ito ay mumurahin lang. napakadaling hanapin ng pagkaing ito. =) haha masarap pala isaw sa UP. ma-try nga. haha. btw, nice blog. =)
ReplyDeleteNakakatuwa naman! Hindi talaga ako kumakain ng isaw pero hindi ko lang maisip ang mga ginagawa mo noon para lang sa isaw! :)
ReplyDeleteay naku nica! mukhang magpupunta na naman ako sa da[itan dahil natakam ako sa ginawa mong ito :D tunay ngang patok ito.. bawal man ay masarap talaga ;)
ReplyDeleteIsaw, isaw. Masyado naman akong natakam. Magmumukha na naman akong nababaliw nyan ng dahil sa paglalaway ko sa isaw. Natakam na naman ako. mouthwatering blog. :)
ReplyDeleteHindi ako masyadong mahilig sa isaw, ngunit, masarap nga ito talaga! Iisipin ko pa lang, ayy, sarap talaga! Good job!
ReplyDelete-Alyza Dumlao
oh my isaw! paborito ko din ito e.sobrang nararamdaman ko ang pagkapilipino ko pag kumakain ako nito:DD
ReplyDeleteAnong sarap talaga ng mga streetfoods tulad ng isaw.
ReplyDeleteMasarap nga ang isaw kaya nga..
"Masarap na, mura pa!
May libre pang HEPA!" Hahahaha. Mmmmm sarap ng Isaw!
-Krisly Rayo
Hindi pa ako nakakatikim ng ISAW! :( Pero mukha ngang masarap ito! Kain tayo sa dapits, Boyfie! =))
ReplyDelete♥Kate
Tama si krisly. masarap nga kaso magkakahepa ka naman:D pero minsan hindi na pinapansin ng mga tao ang maidudulot nito sa katawan basta nasasarapan sila sa kinakain nila<3
ReplyDeleteDi ko ipagpapalit ang kahit anong mahal na pagkain para sa isaw!
ReplyDelete-FOX