Tuesday, November 23, 2010

Iisa lang ang masasabi ko.......SUSHI!




Ang karaniwang “fast food” sa mga Pilipino ay ‘yung mga nabibili sa Jollibee, MCDO, KFC at iba pa. Ngunit  alam niyo ba na ang sushi ay isa ring fast food. Oo, ito ay isang fast food para sa mga Hapones. Bibigyan ko kayo ng isang tribya(trivia), alam niyo ba kung paano naging madaling kainin ang sushi? Ayon sa napagtanungan ko(dormate ko), ginawa ang sushi upang mapreserba ang hilaw na isda o laman ng isda. Ang kanin ay hinaluan ng matamis na suka upang mapatagal ito, nakabalot ito sa halamang dagat(seaweed). Naisip nila na ito rin pala ay pwedeng kainin kaya ginawa nilang “bite size” ito, hinati nila ito sa maliliit na piraso. Lagi na nila ito’ng ginagawa dahil madali lang ito at dahil kumalat na ito, naging fast food na ito sa nakararami.

Ang sushi ay isang pagkain na nagmula sa bansang Hapon(Japan). Ito ay sinasamahan din ng piling gulay o di kaya’y hilaw ng isda at mangga. Naaalala ko pa nung una ko’ng natikman ang pagkasarap-sarap at di-maipaliwanag ang lasa  na sushi sa isang restawran(restaurant). Pagkakagat ko sa pagkain na ito ay naramdaman ko ang sarap at parang nalipad na ko dahil hindi ko na maipaliwanag ang lasa na natikman ko sa unang pagkakataon(napaka-OA kung iisipin, pero totoo). Hindi ko na matigilan ang pag-kain ko’ng iyon kung hindi lang ito mahal, umorder pa sana ako. Pagkatanda-tanda ko ang sushi’ng iyon ay tinatawag na “California Maki”, napakagandang pangalan ng isang pagkain. Parang ang sarap-sarap kainin at tikman tuwing naririnig ang pangalan nito. Simula noon ay lagi na ko’ng nabili ng sushi, ito ay pwede ko’ng tawaging gamot tuwing ako ay nalulungkot o may problema. Para ito’ng solusyon na pagkakainin ko na ay biglang malilimutan ko ang problema ko. Ito ay pwede ko’ng maging karamay sa tuwing ako ay nalulumbay. Dahil sa ito ay ang paborito ko’ng pagkain, para ko na rin ito’ng kaibigan na laging andyan kapag kailangan ko ng karamay(kailangan nga lang may pera ka pambili nito). Samahan mo pa ito ng Mogu-Mogu na nabibili sa 7eleven at Mini-stop, dyusko po “heaven” na talaga ang tawag doon. Kaya kung may nagawa ka man sa akin at nainis ako sa iyo, alam niyo na kung ano ang ihaharap niyo sa akin. Isang Mogu-Mogu at syempre sushi, o kay sarap!(para po sa magbabasa nito) Tuwing natambay ako sa may amin kasama ang mga pinsan ko, kumakaen kami ng “Korean cuisine” tulad ng “sam geop sal” at syempre ang “Japanese food” na tinatawag ko’ng kaibigan ang sushi. Sinasawsaw ko ito sa toyo na may kalamansi at pagkatapos isusubo ito ng buo(habang sinusulat ko ito at itinatayp sa komputer,naglalaway na ako at nag-iisip na kumain ng sushi). Mabibili ito sa mga istands at mga simpleng tindahan sa ngayon, kaya sobrang saya dahil hindi mo na kailangang bumili pa sa mga restawran. Magagawa mo rin ito sa bahay dahil napakadali lang ito’ng gawin, diba alam niyo na kung paano? Kung hindi niyo maintindihan, pakihanap nalang sa Google. Nagbibigay ito na sustansya sa ating katawan dahil sa taglay nito’ng mga gulay at ang isda. May iba naman na may ayaw ng sushi at pinupulaan ito, kung ako sa inyo namnamin niyo ito’ng mabuti at matitikman niyo ang sarap na dala nito. Meron din na naimbento na, na parang sushi ngunit ispam(spam) ang nasa loob nito. Ito ay tinatawag na “Spam Jam”, nasa Mall of Asia ito. Masarap din ito at sulit sa mamimili, kaya bili na!

Sa dami ko ng nasabi tungkol sa sushi, talagang naglalaway na ko at gusto’ng- gusto ko na kumain ng sushi. Natesting mo na ba’ng kumain ng sushi? Kung hindi pa, subukan mo na at bumili. Masarap ito at masustansya sa katawan, hindi ka mabibigo kapag natikman mo ito(endorser). Gumawa ng sariling sushi sa bahay at tandaan ang sinabi ko na hanapin ito sa Google.

 
Maraming Salamat sa pagbasa.
- Beah Rumiko Joscel P. Naval (1T1)

13 comments:

  1. masarap ba talaga yan ? hindi kase ko mahilig sa mga japanese foods.

    ReplyDelete
  2. tunay ngang masarap ito :) siguro ay pumatok ito sa karamihan dahil iba ito sa mga sine-serve ng mga karaniwang fast food chain dito sa pilipinas gaya ng Jollibee, Mcdo, KFC at iba pa, gaya na rin ng iyong sinabi :)Tama ka na pwede ng itong gawin sa bahay. mukha mang kumplikado ay madali lang ito kung pag-aaralan :)

    ReplyDelete
  3. paborito mo rin pala ang sushi. ito ay tunay na napakasarap sa panlasa.

    ReplyDelete
  4. waw. isa rin yan sa mga naging paborito ko pagkain. :)

    ReplyDelete
  5. paborito ko rin ang sushi. Kung pwede lang ay kainin ko iyan araw-araw. Kain tayo niyan friend minsan! :) At saka gumawa kung kaya. :>

    ReplyDelete
  6. natutuwa naman ako sa iyong blog! kahit na hindi ako mahilig sa sushi o kahit anumang pagkaing Hapon at Koreano, ay para bang napapalasap na rin ako. Ang sarap naman kasi ng pagakasabi mo tungkol dito, iyong parang "heaven" na ang iyong nararamdaman; at lalo na kung ito ang makakawala ng iyong konsumisyon sa buhay. Matikman nga ang sushi na iyong minamahal. :)

    ReplyDelete
  7. Minsan ko nang natikman ang sushi, subalit ang minsan na yun ay hindi na nasundan. XD Dahil sa iyong sinulat na blog ay para bang nais ko ulit tong matikman. Napakasarap kasi ng iyong pagkakadescribe dito. :)

    ReplyDelete
  8. Sang-ayon ako sayo. talagang masarap ang sushi naalala ko noong unang kain ko palang noon ay tinanggal ko ang halamang dagat na nakabalot doon dahil hindi ko alam paano at ako ay bata pa. Ngunit ngayon, sa tuwing ako ay may pagkakataon bumili ako ay bumili dahil sa sarap nito.

    ReplyDelete
  9. Gusto ko makatikim nito! :)) Madaming may paborito sa Sushi, kaya nacucurious ako kung gaano ba talaga ito kasaraaaap! :">

    ♥Kate

    ReplyDelete
  10. Sobrang sarap nga nito, nakakatakam kapag narinig mo palang ang pangalan.

    -Curt

    ReplyDelete
  11. Sobrang gusto ko din ng sushi! :)

    - Arianne

    ReplyDelete
  12. isa ito sa mga masasarap at paborito kong pagkain sa Japan.

    -FOX

    ReplyDelete
  13. wow! paborito ko din yang pagkain na yan! talaga nga naman napakasarap ang sushi! ;)

    Ana Lituanas

    ReplyDelete