Sa labinganim na taong ako'y nabubuhay sa mundong ito marami na akong natikmang pagkain. Lahat ng ito ay masasabi kong masarap at talaga namang binusog ako. Ngunit hindi parin mawawala na may isang pagkain na tumatak sa aking panlasa. Isang pagkain na kahit paulit-ulit kong kainin kailanma'y di ko pagsasawaan at patuloy kong hahanap-hanapin. Ito ang aking nag-iisang paboritong pagkain at hindi ko ipagpapalit kahit saanumang pagkain. At pagkaing ito ay ang siomai
Patok na patok ang siomai sa ating mga Pilipino. Kahit saan ay may nagtitinda ng siomai, sa kalsada, MRT, at kung saan saan pa. Talaga namang ang siomai ay mabenta saan ka man pumunta. Maaari mo itong kainin ng solo lamang o pwede rin naman itong gawing ulam. Sinasawsaw ito sa pinaghalong kalamansi, toyo at chili garlic sabayan mo pa ng malamig na malamig na sago't gulaman. Madalas kong kainin ito pag meryenda at minsan ay ginagawa ko rin itong ulam. Natatandaan ko pa nga na nung ako'y hayskul ay madalas namin itong kainin ng aking mga kaibigan. Pagkatapos ng aming klase ay dumederetso na kami sa siomai house upang kumain nito. Minsan nga ay nakakadalawang order pa kami nito at syempre sinasamahan namin ito ng malamig na inumin. Ligtas din itong kainin at syempre maaari ka rin magluto nito. Simple lang naman ang pagluluto ng siomai ang kailangan mo lang ay siomai wrapper, giniling na baboy, toyo, sibuyas, itlog, asin at paminta. Napakadali lang din nitong lutuin kailangan itong ilagay sa steamer sa loob nga 30 minuto. At pagkatapos nun may masarap ka nang siomai. (Yehey!)
Sa hinaba haba ng araw matikman ko lang ang aking paboritong pagkain ay tiyak mawawala ang anumang pagod at panandalian kong makakalimutan ang aking problema. Isang kagat lamang ay tiyak kong makukumpleto na ang aking araw. Subalit paminsan minsan ay nakakaramdam ako ng saya na may halong lungkot sapagkat sa oras na natikman ko itong muli alam kong hindi ko ito titigilan at ako'y nangangamba na madagdagan ang aking timbang :)
-JEREMIAH A. BALISI
parang gusto ko kumain ng siomai as in now na. nakakatakam naman ang pagkaka-describe mo sa siomai parang habang ginagawa mo ito ay kumakain ka talaga ng siomai.haha.
ReplyDeletereading this blog made me remember my college years..eating siomai with my best friends..kahit saan meron talagang siomai, pero syempre meron pa din ung talagang the best na hahanap-hanapin mo, just like what i've been looking for now..gusto ko din tuloy kumain ng siomai, at tama ka ulit, great with toyo, calamansi, chili garlic and sago't gulaman..wow!yummy talaga..at samahan pa ng kwentuhan at bonding with friends..nice blog aya:)good job!
ReplyDeleteSIOMAI
ReplyDelete--addictive
--spicy or plain
--yummy..SUPER YUMMY
--cheap
--can be found everywhere
--can be eaten anywhere
--my ever favorite when i was in high school...
nice blog aya maybe next time make one about tokie XD
ay naku aya talagang nakakgutom yang blog mo :) tama ka dyan kahit saan may siomai sa UST pa nga lang ay napakadami ng nagtitinda nito :) napaka-malasa kasi nito at hindi talaga nakakaumay :) madali at mura lamang bilhin. sa 3 o 4 na piraso nito ay tiyak mabubusog ka na :) nice one aya ;)
ReplyDeletenapaka praktikal at affordable na pagkain, kahit saan at anumang oras. yummmmy!!! favorite din ni baham at laging binibili at kinakain sa ateneo caf super like when accompanied with halo halo. aya siomai please....
ReplyDeleteansarap nga! kagutom! dahil dyan, may knock knock ako:
ReplyDeleteknock knock.
who's there?
siomai who?
siomai da manny! hahahahahha (that tv show from GMA)hahahhaahhaha! lmao!
siomai, favorite kong chinese food. masarap at talagang kumakagat ang lasa lalo na pag may hot chili siya. saraaaaaaaaaaaaapppp.....
ReplyDeleteisa sa mga chinese food na talagang nagustuhan ng aking panlasa. madalas ko itong kainin lalo na kapag merienda.malinamnam talaga...napaka-sarap!
ReplyDeletemee too ;) gusto ko di nang siomai, minsan itry mo din ang siomai sa bicol. sobrang sarap .swear. :) hhe. nnkabitib nga, ang liit kasi. sana mey siomai large para masaya :))
ReplyDeletesubrang sarap tlga ang siomai.. nkakailang order kame sa USTe nyan!!mura na quality pa!! -livieen
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteAll time favorites itong siomai.. Pero mabilis akong maumay kasi yan yun madalas namin kinakain kasama ng aking pamilya. Subukan mong bumili sa chinese restaurants. Mas malinamnam :)
ReplyDeleteAko man ay paborito ko ang siomai. Napaka-sarap nito at talagang hindi ka mauumay. Tama ang pinost na komento ni Anna Lea, tunay ngang marami ang nagtitinda nito. Parang kahit saan ka pumunta ay mayroong nagtitinda nito dahil talaga namang masarap ito at malasa. :)
ReplyDeleteSIOMAI-SARAAAAAP! =)) Lalo na 'pag may chili! Ha, ha! I want! I want! :P
ReplyDelete♥Kate
SIYAKS! Ang sarap ng Siomai! Pahingi.
ReplyDelete-FOX