Thursday, November 25, 2010

COOKIESulit! COOKIESarap! Sa SWIRLY BITZ NG TONDO nyo lang mahahanap!

Sa hirap ng buhay ngayon, marami sa atin ang naghahanap ng isang pagkaing magdudulot sa atin ng kasiyahan sa abot kayang halaga. Ang temperatura dito sa ating bansa ay pabago- bago dulot na rin ng di- tiyak na klimang sanhi ng "climate change". Ngunit kadalasan ay sobrang init talaga lalo na tuwing tanghali. Huwag nang mag-alala sapagkat ang mga mamamayan ng TONDO, MANILA ay may sagot na sa iyong problema! Ang SWIRLY BITZ!

Ang pangalang swirly bitz ay hango sa "swirly bitz ice cream" ng Jollibee fastfood. Ito ang ginamit na pangalan sapagkat pareho ng flavor ( cookies and cream) ang dalawang panghimagas na ito. Ang swirly bitz ay isang shake na gawa sa keso, gatas na malabnaw, chocolate cookies with vanilla fillings, asukal, tubig, at syempre yelo. Mas masarap ito kung may kasamang itim na sago. Mabibili ito sa Varona St. corner Trinidad, Velasquez, Tondo, Manila. Dahil karamihan sa mga kasangkapan nito ay dairy products, mayaman ito sa calcium pangpatibay ng buto at glucose na galing sa asukal na nagpapalakas o nagbibigay enerhiya sa katawan. Ang huli ay ang yelo na nagbabalanse ng temperatura ng katawan kapag mainit ang panahon. Ang lahat ng ito ay iyong mararanasan sa halagang 15 piso lamang at 18 piso kapag may kasamang sago.

 Noong nakaraang taon ko lang ito natuklasan at labis akong natuwa sa panghimagas na ito, madalas ko itong bilhin tuwing gabi dahil kadalasan ay gabi na ako umuuwi galing eskwelahan. Nairekomenda ko na rin ito sa mga kapatid ko at maging sila ay tinatangkilik ito.Ang swirly bitz ay tiyak na palalamigin ang naiinitang katawan ng mga pinoy at mas patatamasin ang iyong buhay. Ano pang hinihintay mo? Tara at bumili na ng COOKIESulit! COOKIESarap! SWIRLY BITZ!

Rose Anne C. Logana
1T1

16 comments:

  1. Tama ka d'yan Rose Anne ! Tunay na masarap nga ang swirly bitz ng Tondo ! Proven and tested na ata yan ! :)) Wala nang mas sasarap pa sa pag.kain mo d'yan lalo na kapag sobrang init ng panahon. Nakakawili basahin ang iyong blog. :)

    ReplyDelete
  2. mukhang masarap yan ah. parang mukhang nabibili sa DQ. :))

    ReplyDelete
  3. (via facebook)
    Edelwina Gomez Chong
    Sarap naman. Ang masasabi ko lang, napakacreative nang mga Pilipino sapagkat nakakapagbuo sila ng isang ideya o kaisipan kung paano mapapalamig ang lalamunan at tiyan ng tao dahil sa sobrng init nang ating klima at ito'y isang masustansyang panghimagas na hindi lamang masarap kundi bubuo rin sa ating araw dahil sa kasarapan nito at sustansya. :)) Good luck madam

    http://www.facebook.com/home.php?#!/roseanne.satchie

    ReplyDelete
  4. Masarap talaga yan! Sa katunayan madalas akong bumili niyan. Lalo na kapag sobrang init ng panahon. Sana ay magkaroon din ng bilihan ng swirly bitz sa loob ng ust. :)

    ReplyDelete
  5. Gusto ko din nyan. Kaya lng di pa ko nagpupunta sa Tondo. Gusto ko na pumunta ngayon para makakain nyan. :D

    ReplyDelete
  6. Ginoong Ringgo,

    paumanhin ngunit karamihan po ng mga ngcomment ay nagcomment s aking account s aking blog, may kopya rin po kasi ako ni2 s aking account, sana po ay bigyan nyo ng konsiderasyon ang mga komentong ito, maraming salamt po. narito po ang link ni2.. pasensya n po,

    http://satchierye.blogspot.com/2010/11/cookiesulit-cookiesarap-sa-swirly-bitz.html

    Lubos n gumagalang,
    ROSE ANNE C. LOGANA.

    ReplyDelete
  7. Ansarap naman nyan! Hmm. Good job, Rose anne! :)
    -Alyza Dumlao

    ReplyDelete
  8. Tamang tama itong pampawi ng init. Lalo na sa tanghali! :D

    -Krisly Rayo

    ReplyDelete
  9. paborito ko din 'to...




    Mas mainam kesa sa sorbetes sa labas dahil nakikita mo kung pano sila gawin sa harap mo..

    Dahil nakakasiguro kang malinis ang paggawa at sangkap.



    Kakaibang maidadagdag sa nakasanay ng karamihan.

    ReplyDelete
  10. Nakakatuwa naman 'tong nilagay mo...konti lang ang may kayang maipagmalaki ang gawa ng mga Taga-Tondo dahil sa maling ideya ng iba sa lugar...buti nalang may magagandang bagay at masasarap na pagkain parin na naipagmamalaki kahit na mali ang husga ng iba.


    KAYANG MAKIPAGSABAYAN SA MAS IBANG MAS MAHAL SA PRESYO..=)



    MAHUSAY!!!....<3

    ReplyDelete
  11. Masaya akong mag-Tagalog para sa komentong ito...
    Nakakagalak at nagagamit rin pala ang wika natin para i-"promote" o mailathala ang magagandang bagay sa ating bansa.

    Masaya akong makita ang ganitong uri ng proyekto,nawawala ang pagkakaiba ayon sa lugar o antas ng pamumuhay dahil sa magagandang naiisip ng ating mga kababayan. Hindi dapat tayo huminto sa pag-"innovate" at pag-iisip ng mga produktong magbibigay tatak satin. Malungkot isipin na hindi ko mismo alam ang ibang tagalog ng mga salita...pero nakakatuwa parin ang pahina na ito. Pinakita mong di dapat maliitin ang iba dahil lang sa antas na maari namang maibagay din sa iba,mayaman man o mahirap...=D

    ReplyDelete
  12. Samahan mo ko sainyo! =)) Nakakagutom naman 'yan! :>

    ♥Kate

    ReplyDelete
  13. Siyaks! napaka-sarap naman ng pagkain sainyo! kakagaling ko lang dun kanina at ako'y naghahanap ng makakain, sa kasamaang palad. Mais ang kinain ko. haha

    -FOX

    ReplyDelete
  14. pano ang procedure niya mix lahat ba.kong isang baso gagawin ko pano ang measurement.mukha kasing masarap gawa nalang ako para tipid.

    ReplyDelete
  15. yan nalang handa ko sa bday ko para tipid kasi masarap siya tingnan saka tipid pano ba pag gawa niyan ano measurement niyan kasi baka di masarap magawa ko.

    ReplyDelete