Sunday, November 28, 2010

CREPE ka ba? Ang SWEET mo kasi eh! :">



          Ang mga Pinoy ay mahilig kumain. Marahil ito ay epekto ng iba't-ibang kultura sa ating bansa. Magkakaiba ang panglasa nating mga Pinoy. May ilang mahilig sa maaalat, mayroon namang sa maasim, at may iba pa na hindi magpapahuli sa pagkaing maaanghang. Ngunit sa kabuuan, isa lang ang pinagkakasunduan ng karamihan sa atin, tayo ay mahilig sa matatamis.



          Isa na ako sa maraming taong nasasabik sa tuwing nakakakita ako ng pagkain, lalu na ang matatamis. Pero pinaka paborito ko sa lahat ay ang Crepe. Ito ay isang dessert na nagmula pa sa Brittany, France. Ang Crepe ay isang uri ng napaka nipis na pancake na may kadalasang may matamis na filling o di kaya ay prutas. Ito ay gawa sa harina, itlog, mantikilya at gatas. Ipiniprito ito ng napaka nipis sa hugis bilog, at saka ihahain nang may palaman sa loob. Maaari ring ipalaman sa Crepe iba pang uri ng palaman gaya ng ham, bacon, keso at iba pa. Ito ay napakasustansya, lalu na kung sarwang prutas ang ihahain mo kasabay nito. Ngunit dapat ay ating limitahan ang pagkain ng matatamis sapagkat ito ay maaaring magdulot ng ilang karamdaman.



           Paborito ko ang Crepe sapagkat ito ay madali lamang gawin. Higit pa dun ay maaari kong piliin kung anu-ano ang sangkap na ilalagay ko rito. Ito ay mura, masarap at masustansya pa. Kaya ikaw, oo ikaw nga, tikman mo na ang Crepe. Siguradong hahanap-hanapin mo siya sa sarap. Simula nung matikman ko ang kakaibang tamis na dulot nito, ako ay walang dudang nahulog para dito. Ang sweet niya kasi eh. :">




Lora Jade Cavestany :)

12 comments:

  1. Ansarap nito Lora! :"> Kakakain ko lang nito kanina sa Crepes and Creme. Hehe. Sobrang totoo ang mga deskripsyon mo. Magaling! :-bd

    ♥ Kate :>

    ReplyDelete
  2. hindi ko pa talaga nasubukang kumain ng crepe :| pero parang napakasarap nga nito..nakakagutom! haha :P
    -lau :)

    ReplyDelete
  3. nakakagutom nmn 2 lora napakasarap ngang talaga ng crepe...
    -NARAJA-

    ReplyDelete
  4. natikiman ko yung crepe nung binigyan ako ni Lora habang kumakain siya, masarap to. HAHA. lalo pagka nilalagyan ng sorbetes(icecream) yung ibabaw, ngunit sa sobrang tamis nito, kailangan may kasamang water. :)) pero sa kabuuan, angsarap. HAHA. =)

    -rommel

    ReplyDelete
  5. sarap gx2 ko bumili knina nean kaso la ko pera
    hahaha libre mo ko para maranasan ko ang naranasan mo hahaha

    ReplyDelete
  6. Ako man ay hindi pa nakakatikim ng crepe, subalit matagal ko nang pinag.iisipang tikman ito. XD Maraming salamat sa iyong pagbabahagi ng tungkol sa crepe. Napakasarap ng iyong pagkakalarawan dito. :)

    ReplyDelete
  7. hay nako! isa pang matamis na pagkain! ito ay sobrang sarap! walang kaduda duda! =))


    <3 ALLETS JAN MAGKASI

    ReplyDelete
  8. wew,layo ko tuloy na miss kumain ng crepe ng nabasa ko toh :) nice lora

    --tope verdote

    ReplyDelete
  9. "Ang mga Pinoy ay mahilig kumain." ---perfect start! haha.


    -migs

    ReplyDelete
  10. ang sarap nmn nyn... tara kain tayo...

    Lawrence Cavestany ♥

    ReplyDelete
  11. gusto ko sanang gumawa nito kaso hindi ko alam kung pano. kailangan ko ng eksaktong instruksyon para tama ang pagkakagawa ko.

    ReplyDelete
  12. Panalo to pang-himagas :) sarap!!! sakit.info

    ReplyDelete