Tuesday, November 23, 2010

Ohh! Sarap nemen. Ito ay init na mangingibabaw sa iyong K-A-T-A-W-A-N!




                                                    

       Ang pagpasok ng ikalawang semestre ay hindi naging madali para sa akin. Simula ng ako ay nagkasakit dahil sa sobrang pagod sa haba ng  byahe noong unang semester, napilitan akong tumira sa Maynila upang hindi na ako mahirapan sa pag uwi. Ang aking pagtira malapit sa Unibersidad ng Santo Tomas ay hindi naging madali dahil kahit saan ka tumingin ay puro fastfood ang iyong makikita. Bilang isang mag aaral na may kursong Travel Management importante ang pag- aalaga sa hugis ng katawan kaya kinailangan kong umiwas sa mga pagkaing mamantika at puno ng taba.

      Nobyembre 10 ay naglipat na ako ng aking mga gamit. Binilhan ako ng aking magulang ng isang kilong kanin at ang pinaka importante ay ang century tuna (kahit anung potahe). Umaga, tanghali at gabi ay wantusawang kumakain ako ng century tuna. Sa taglay na kasarapaan ng tuna na nasa lata hindi ko naiwasang mapurga sa kakakain nito. Ang nilalaman ng latang ito ay iba iba depende sa iyong napiling luto ng ulam. Mayroon itong mechado, caldereta, adobo, afritada, flakes with calamansi, flakes with vegetable oil at marami pang iba. Ang aking paborito ay ang caldereta. Ito ay may laman na tuna flakes, tomato sauce, patatas, soy protein concentrate, soya oil, carrots, green peas, asukal, soy sauce, keso, sili, iodized salt, suka, seasonings at bitamina A. Ang pagkain nito ay masarap lalo na kung ihahalo mo ito sa mainit na kanin. Kahit hindi mo na maipainit ang ulam ramdam mo ang init na mangingibabaw sa iyong katawan.


     Sa nakalipas na isang linngo ng aking pananatili sa Maynila, makaraos pa kaya ako sa kasarapan na dulot ng century tuna? Ang lasang nakakaumay na aking mararanasan hanggang matapos ang semestreng ito. Ang pagkain ng century tuna ay tamang tama dahil hindi na ako magsasayang ng salapi para bumili sa fastfood at bigyan lamang ako ng taba sa katawan. Hindi ko na maibahagi ang lubos na kasiyahan ko na naging parte na ng aking pamumuhay ang century tuna. 


- Maria Evrissa Santos, CTHM- 1T1






















3 comments:

  1. napakasarap nga ng century tuna at napaka-convenient pa. :) hmm. kagutom naman. :) btw, nice work! :)

    ReplyDelete
  2. tama nga at masarap ito :) ngunit wag naman wantusawa evrissa kahit pa masarap ay hindi maganda kapag laging de lata :)

    ReplyDelete
  3. CENTURY TUNA. :) Pinakapaborito kong Tuna! =)) Lalo na si Derek Ramsey pa ang Endorsor! Witwhew! :""">

    ♥Kate

    ReplyDelete