Hindi ka tunay na pinoy kung hindi mo alam ang aking tinutukoy. Bata man o matanda, may ngipin man o wala. Basta hindi ka maarte sa katawan nakatikim ka na nito. Wala ng iba kung hindi ang sikat na balot. Sino ba naman ang hindi maiintriga sa pagkaing ito. Mukang nakakatakot ngunit kapag ito'y iyong sinubukang tikman hindi ka na titigil sa pagkain.
Ano nga ba ang nagpapasarap sa balot ? Simple lang, magandang kalidad ng itlog ng itik, maayos na pagkakaluto at isang napakasarap na suka na may kasamang sibuyas, sili, bawang at paminta. Daig mo pa ang napunta sa paraiso kapag nakakain ka nito.
Halos araw-araw ako kung kumain nito. Mahina na ang dalawang balot kada araw. Kadalasan lima hanggang sampung balot ang kaya kong ubusin kada araw. Hindi ko alam kung anong gayuma ang mayroon sa pagkaing ito at tila ako'y masyadong nahumaling. Pakiramdam ko ay kulang ang araw ko kapag hindi ako nakakatikim nito. Sa tuwing ako'y may problema napapanatag ang aking loob kapag nakakakain ako nito.
Kaya ano pang hinihintay mo ? Bakit hindi mo subukang kumain ng balot. Hindi lahat ng panget sa paningin ay masama na ang lasa, minsan may ikinukubli din itong sarap kung ito ay iyong nanamnamin.
Trixie Rivera, 1T1
Napakasarap naman ng balot. Pinoy na pinoy ang lasa. Walang tatalo sa linamnam ng sabw nito, lao na yung parteng kulay dilaw. Kaya pala napakalakas ng pangangatawan mo, maaari ka ng tawaging Ms. Balot. :D =))
ReplyDeletewew..may blog spot pala na ganito.. nakakatuwa naman hehe..kung sa bagay sino nga ang hindi mahuhumaling sa pagkaing ito creepy but tasty ika nga nila.. pero and so what kung creepy siya ang sarap kaya try mo.!
ReplyDeletehmm.love it
ReplyDeletea true Filipino who knows the secret of our native BALOT.
after reading this.it feels like i want to eat and fill my stomach with balot.:D put some salt and vinegar.and you'll have the best balot ever
Ako'y PILIPINO. paborito ko ang balot.lalo na ang sisiw.:D
Balot, kumakain ako neto pero yung color yellow part lamang. Di ko magawang kainin ang sisiw sa kadahi lanang kinikilabutan ako ng todo. Masarap ang yellow something nito lalo pag sinawsaw sa suka. Masarap din ang sabaw nito lalo pag alam mong mainit pa.
ReplyDeleteSa aking kaibigang Trixie (Bru), di na ko magtataka kung bakit lagalag ang mga cells mo sa katawan (whuuut?) Ang sikreto mo lang pala ay BALOT. Imba ka talaga. :))
oyeah.. mas masarap kumain ng balot kasama ang mga tunay na kaibigan at mahal sa buhay ^^
ReplyDeleteHindi lahat ng panget sa paningin ay masama na ang lasa--nice blog :D
ReplyDeleteits one of a kind and famous Filipino food,Filipinos must try this...:)
ReplyDeletehehe.. kumakain ako ng balot pero hindi ko ito hilig.. siguro dahil sa takot ako na masobrahan ng kain dahil sa masarap naman sya talga. ayon sa KBP o Kapisanan ng mga magba Balut ng Pilipinas ang isang balut ay may 188 na calories, 14g total fat, 116mg ng calcium, 176mg Phosphorous, 2mg iron at 14g na protina.. kaya ang maka lima hanggang sampung piraso ka nito kada araw tiyak.. may kalalagyan ka. LOL!
ReplyDeleteso TRUE..
ReplyDeletegayuma na kung gayuma.
pero masarap talaga yan..
[ blog na proud sa pagkaing PiNOY,
bago yan ah.. thumbs up.. ^_^ ]
Tunay na masarap ang Balot. Ngunit ang sisiw ay di ko kinakain! HAHAHA! Ansarap higupin ng sabaw! =))
ReplyDelete♥Kate
tlgang masarap ang balot lalo na ung higupin sarrrrrrappp tlga at kunting asin at suka para sa laman na sisiw lalo na pag ung punong puno ng balahibo gumuguhit sa lalamunan ang sarap sarap......the best filipino food.....kakaiba ang pinoy...
ReplyDeleteNoong bata pa ko ay talagang mahilig ako dito. XD Subalit ngayon ay mahilig pa rin ako pero hindi na katulad ng dati. XD Hindi ko na kayang kainin ang sisiw sa loob. XD Para bang naaawa ako.XD Pero hindi ko naman maiikakailang napakasarap ng lasa nito, pati na ng sabaw. Tunay na pinoy na pinoy ang lasa ! :)
ReplyDelete<3
ReplyDeleteNice blog bes. Happy viewing sa mga tindero ng balot! :))
ReplyDeletePaborito talaga ng Pinoy ang balot, pampatigas pa ng tuhod!
ReplyDelete